Showing posts with label Feasts. Show all posts
Showing posts with label Feasts. Show all posts

Sunday, April 7, 2013

MAY AWA ANG DIYOS!


Abril 07, 2013
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Divine Mercy Sunday
Ac 2,42-47 . 1Pt 1,3-9
Jn 20,19-31
===

Malapit na sa isang taon buhat noong unang beses akong makaakyat ng Manaoag upang magradyo. Sa bawat pagkakataon na nakakaakyat ako roon upang dalawin ang Mahal na Birhen, lalo akong nagkakaroon ng sigla na magpatuloy sa aking ministeryo Kahit na ang katumbas nito ay matinding pagod dahil manggagaling ako sa trabaho bago umalis, walang hihigit sa pagdulog sa dambana ng Mahal na Ina na tumatawag.

Hinding-hindi ko malilimutan yung mga pangyayari bago ang una kong sabak sa U-Speak. Bago akong graduate noon, at alam ko na mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, subalit wala pang dalawang linggo pagkatapos ng aking graduation ay may isang kumpanya na tumanggap sa akin upang maging English Instructor. Ang nakakapagtaka pa, nangyari ito dalawang araw bago ako umakyat sa Manaoag. Sabi ko noon, Ang Diyos talaga ang gumagawa ng paraan. May awa talaga siya sa mga nagtitiwala sa kanya. Nakikinig siya sa mga makasalanang tulad natin upang sa gayon ay lalo natin siyang mapapurihan at maibahagi natin ang kanyang salita sa iba.

Awa. Sa ating pagdiriwang ngayon ng Linggo ng Mabathalang Awa, ito ang namamayaning salita. Karamihan sa atin ay deboto ng Divine Mercy sa maraming mga dahilan. May mga gumaling matapos magdasal ng chaplet, o di kaya'y dumalaw sa National Shrine sa Marilao noong Mahal na Araw bilang panata. Kung pag-iisahin natin ang sari-saring mga dahilan, makikita natin ang pangungusap na, May awa ang Diyos.

Sa kanyang pagpapakita sa mga takot na alagad, ang kanyang bati ay Sumainyo ang kapayapaan! Halata pa rin sa kanila na hindi nila alam kung ano ang gagawin ni paniniwalaan; kahit si Tomas na nagpupumilit na bumalik sa dating pamumuhay ay di-naniwala nang ibalita sa kanyang Muling Nabuhay si Hesus. Ngunit ang muling pagharap ni Hesus sa kanila ay nagbalik ng pananampalataya at sigasig sa kanilang puso na nanlamig. Ang awa niya ang siyang nagpatatag sa kanila upang ipakilala si Hesus hanggang sa dulo ng daigdig.

May Awa ang Diyos.

Totoo, may awa ang Diyos, kasi kung wala siyang awa, malamang di na dumating sa daigdig si Hesus upang iligtas tayo. Sa kamatayan niya sa Krus mababanaagan natin ang dakilang pagmamahal at habag ng Diyos para sa ating mga makasalanan. Sa kanyang muling pagkabuhay makikita natin ang luwalhati ng Panginoon, naghahatid ng pag-asa at lakas ng loob sa lahat ng lumalapit sa kanya. Ang awa niya ay nagpapakilala sa atin ng Isang Diyos na hindi nagpaparusa, kundi nagn

anais na ilapit tayo sa kanya. Ang Awa ng Diyos ay naghahatid ng kapayapaan sa lahat ng mga lumalapit sa kanya kahit na di nila siya nakita.

Sa bawat sandali na titignan natin ang kanyang larawan, makikita natin ang dalawang sinag – isang pula at isang bughaw – mula sa kanyang puso. Ang puso niya na sinugatan ng sibat ang pinagmumulan ng lahat ng mga pagpapala na kailangan natin sa araw-araw, kung gagawin lamang natin ang naaayon sa kanyang kalooban. Ang puso niya na bukal ng biyaya ang siyang nagbibigay sa atin ng kalinga sa oras na namimighati o marami tayong problema.

May Awa ang Diyos.

Kahit na marami tayong mga ligalig sa buhay, may Diyos pa rin na nakikinig sa atin. Kahit na sinasabi nating walang nakakaunawa sa atin, may Panginoon na hindi nagdadalawang-isip na ilaan ang kanyang puso upang tayo ay magkaroon ng lakas upang magpatuloy. Kung magsusumikap lamang tayong ilapit ang ating mga makasalanang puso sa kanyang dagat ng awa, siguro ay walang-hanggang kapayapaan at buhay na ang ating mararanasan. Hindi na tayo magsusumikap magkasala, lalo pa tayong mag-aakay ng ating kapwa patungo sa kanya.

Ang Awa ng Diyos ay para sa ating lahat. Nag-aalinlangan pa rin ba tayong lumapit sa kanya? May takot pa rin ba sa ating puso kaya di natin mailapit ang ating sarili sa Diyos? Nagdududa nga ba tayo na nakikinig siya sa atin, na siya lamang ang makakapagligtas sa atin?

May awa ang Diyos. Nawa sa ating pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday, maalala nating nakikinig ang Diyos sa ating hinaing, na hindi niya tayo pinababayaan kahit kailan. Huwag tayong matakot na lumapit sa kanya. Manalig tayo.

O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang bukal ng awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo! Amen!

HESUS, KAMI'Y NANANALIG SA IYO!!!

Saturday, January 19, 2013

Gawin ninyo ang sasabihin ng Batang nawala!

Enero 20, 2013
KAPISTAHAN NI HESUS, ANG BANAL NA SANGGOL 
(SANTO NIÑO)
Is 9, 1-6 . Efe 1,3-18
Lucas 2, 41-52
Para sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon:
Juan 2, 1-11
===

Sa araw na ito ay pinagdiriwang ng Pilipinas ang Pista ng Batang manliligtas. Inaalala natin sa araw na ito ang pagsisimula ng isang pananampalatayang nag-alab sa puso ng Pilipinong Kristiyano sa nagdaang mga siglo, at patuloy na pinatatatag ng pagsubok. At ang ating tanda rito ay ang imaheng handog ni Magellan kay Humabon, ang Batang Hesus na patuloy na minamahal at pinipitagan ng buong sambayanang Pilipino, dito o saanman sa mundo.

Mahal natin ang Niño sa simpleng mga dahilan; di natin maikakaila na pinapakilala nito si Hesus na tunay na naghahari sa puso ng mga namimintuho at nagtitiwala sa kanya, bata o matanda. Ang kanyang halimbawa ng kababaang-loob at katapatan sa Ama ay mababanaag sa ating Ebanghelyo ngayon, na tungkol sa pagkawala ni Hesus sa Templo.

Hindi ba ninyo nalalaman na ako'y dapat na nasa tahanan ng Aking Ama? Sa pagkakita sa kanya sa Templo, nabanaag nina Maria at Jose ang misyon ni Hesus na ilapit ang lahat sa kanyang Ama, tulad ng kanyang paglapit sa ating piling. Hindi niya inalintanang mawala ng tatlong araw, basta makilala ng lubusan ang kanyang Ama. 


At nakikilala nga ng Batang Hesus ang Ama, dahil tinutupad niya ang kanyang kalooban sa lahat ng oras. Sa atin namang pagsulyap sa Ebanghelyo para sa Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, masasaksihan natin ang Kasalan sa Cana kung saan ginawang alak ni Hesus ang tubig. Sa kabila ng pagtutol
ni Hesus ay sinabi pa rin ng kanyang Ina, Gawin ninyo ang sasabihin niya sa inyo. Natatalos na ni Maria na panahon na upang ipakilala ni Hesus ang kapangyarihan ng Diyos sa madla.

Magagawa lamang ni Hesus na ipakilala ang kapangyarihan ng kanyang Ama kung sa kanyang kabataan ay sinikap na niyang makilala ito. At makikita nga natin ito sa kanyang buong buhay, buhat sa kanyang pagkamulat sa mga Kasulatan sa Templo, hanggang sa Unang Himala sa Kasalan. Sa ibang salita, ang pagtupad sa kalooban ng kanyang Ama ang nagbigay sa Panginoong Hesus ng higit na tatag upang ipakilala siya sa atin.

Ang Pista ng Santo Niño ay Pista ng pagtitiwala sa Panginoon, sapagkat magagawa natin kahit na imposible basta kasama natin siya. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa sapagkat, tulad nga ng sinabi nila, with faith we can move mountains! Kahit na sinasabi ng mundo na hindi natin kaya, basta nasa Panginoon ang ating pag-asa ay ating mapagtatagumpayan.

Tulad ng Santo Niño, ipinagkakatiwala ko ba sa Diyos ang aking buhay?

Panginoon, salamat sa biyaya ng iyong kabataan. Tulungan mo kaming magtiwala sa Iyo at sa Iyong Ama upang magawa namin ang lahat, kahit na ang imposibleng bagay na ayon sa kanyang kalooban. Amen.
 
PIT SENYOR!!!
VIVA SEÑOR SANTO NIÑO!!!

Sunday, January 13, 2013

INSPIRED!

January 13, 2013
FEAST OF THE LORD'S BAPTISM
Is 42,1-4.6-7 . Ac 10,34-38
Luke 3,15-16.21-22 
===

Mural inside the new Orthodox Church of St. John the Baptist next to the Jordan River, showing the baptism of Jesus that probably happened just outside the church. 
We feel inspired to do something whenever we see something which begets our feelings. If we like something, it seems easy for us to do and take care of; if not, then we just wait for the day that it will be gone. If a person catches us by his words of urging to help him do something, we will do help him and more than that because he caught our hearts.

We celebrate the Baptism of Our Lord today. This marks the beginning of the Mission of Jesus as he sets forth for the proclamation of the Kingdom of God. On today's Gospel, we witness the coming of the Spirit in bodily form like a dove and a voice coming from the heavens,  You are my beloved son; in you am I well-pleased! 

Like a go signal, Jesus started his ministry to the people of Israel after this event in his life. After thirty years of a private life, serving Mary and Joseph and learning the ways of man at the house of Nazareth, Jesus leaves his Mother and proceeds in fulfilling his Father's plan of salvation. He joins the mob at the Jordan, having himself baptized with the people as a sign of preparation for his upcoming holy job. 

At this, Heaven "inspired" him to go and proceed. We hear the Father's voice and see the coming of the Spirit like a dove, like a holy sign of approval and confirmation that Jesus can start his preaching already.  Despite the bashing of the devil, the jeers of the chief priests and scribes, the unbelief of some, and the betrayal of Judas, he still proceeds to do the Father's Will; they even give him more strength to go on and tell to the world how glorious God is. This leads us to witness the rest of the year as a living proof on how Jesus would do his ministry well, up to the point that he would offer his life for us.

We look for an inspiration. In everything we do, we look for someone or something  which will fill us with much joy and strength for us to go on. We look for it in wordly things, sex, money and the like. Yes, it may inspire us but not for long, it may even leave us empty-handed. 

But deep inside, in our spirit, we can find a better driving force for us to move forward with our problems. Jesus inspires us all the more to be closer to God and do greater things for his glory. In our baptism, we accepted his gift of faith, which we bear until this very moment. This faith reminds us that God is the sole source of grace and our ultimate goal, that he gives us challenges to see if we still stick to him, and that he will never leave us alone as he is present in the Church, in the Sacraments and in the people dear to us. 

And so, how do we see God in our lives? Do we see him as an hindrance to our plans, as we still cling to the things of the world for an inspiration, or do we see him as the one true inspiration for everything we do? Do we pattern our lives after our baptismal vows, and after God's will, or after our interests?

The Lord, baptized in the Jordan, is inspired to go and preach the Gospel. Today, as we enter through the first part of the Ordinary Season of the Church, we are also inspired by God to go and make disciples of all nations. Let us then show the world how God inspires us, as he inspires Jesus! 

Father, by calling Him as your well-beloved Son, you inspired Jesus at his Baptism in the Jordan to go and preach your Salvation to all. Be with us as we continue our lives of service to our brothers and sisters. Inspire us to be your heralds of  faith, hope and love, now and always. Amen!

Saturday, January 5, 2013

Kung Magbibigay Ka...

Enero 06, 2013
DAKILANG KAPISTAHAN NG EPIPANYA
Dies Pro Negritis
Is 60,1-6 . Efe 2-3a.5-6
Mt 2,1-12
===

Isa sa mga kilalang pista ng Simbahan na may kaugnayan sa Pasko ay ang Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, o Epipanya. Mula sa malayong lugar, dumating ang mga Pantas na dala ang kanilang handog na kamanyang, ginto at mira para sa Haring bagong-silang. Sa araw na ito, tradisyunal na nagbibigayan ng regalo ang bawat isa, sabi nga ng kanta, 

Nauna ang tatlong Haring Mago, 
nagbigay ng mga regalo,
simula na ito ng kagandahang-loob
ng mga taong naging Kristiyano.

Nasaan ang isinalang na Hari ng mga Hudyo? Nakita namin ang kanyang tala sa silangan at nais namin siyang bigyan ng paggalang. Sa kanilang paghahanap ay ginabayan sila ng tala na siyang pahudyat na dumating na ang Haring Tagapagligtas. At matapos ang mahaba-habang paglalakbay, sila ay napatungo sa lugar na, ayon sa kanilang pag-aaral, ay siyang bayang sinilangan ng Haring ito.

Una silang nagtungo sa Jerusalem kung saan naghahari noon si Herodes. Nabagbag siya ng takot at ang buong bayan ay naligalig sa balitang ito. Sa isip ni Herodes, walang makakapantay sa kanyang kapangyarihan, kaya sa paghahangad niyang mapatay ang bagong-silang na hari ay pinayao niya ang mga pantas at nagbilin na na pag nakita ito ay balikan siya upang makasamba rin.

Subalit hindi niya madadaig kailanman ang plano ng Diyos. Sa kanilang pagpapatuloy, muling sumilay ang tala hanggang sa makarating sila sa Betlehem kung saan nila nakita si Maria at ang Sanggol na si Hesus. Sa laking tuwa at pagkamangha ay nagpatirapa sila at hinandugan ng marangyang regalo ang Sanggol na Manunubos ng lahat.

Ang pagbibigay ay hindi lamang nabubunsod ng sariling interes. Palagi nating nasasa-isip na kapag binigay natin ang isang bagay sa kaibigan natin ay maaalala nila tayo, at ito ay totoo, subalit sa paglaon, ay maiisip ng ating binigyan na pasalamatan ang Diyos dahil pinagkalooban siya ng isang mabait at maaalalahaning kaibigan tulad natin. Mapapansin natin na ang Diyos pa rin pala ang nagbigay sa atin ng dahilan upang handugan ng regalo ang ating kaibigan.

Pero iba ang pagbibigay na taos sa puso sa pagbibigay para sa sariling interes. Karamihan sa atin ang naghahangad na mabigyan ng malaking halaga mula sa isang politiko, lalo na yung mga tatakbo sa halalan sa Mayo, dahil pag nabigyan tayo ay tiyak na iboboto natin sila. Masasabing ito ay panawid-gutom ng ilan subalit katumbas naman nito ay ang paghalal sa isang pulpol na kawani ng ating pamahalaan. Makasarili at walang pakundangan ang ganitong motibo at hindi naaayon sa tunay na dahilan ng pagbibigay, na dahil sa pagmamahal.

Mga giliw, sa pagdiriwang natin ng Pagpapakita ng Panginoon, tanungin natin ang ating mga sarili, kamusta ang aking pagbibigay? Ano ang dahilan kung bakit ako nagbibigay? Dahil ba sa sarili kong interes at motibo, o bunsod ng isang mapagmahal at mapagbigay na puso tulad ng mga Pantas?

Inihandog ng Diyos ang kanyang anak upang iligtas tayo. Isang dakilang regalo siya para sa ating lahat na makasalanan. Kung tayo ay magbibigay, sana ay itulad natin ito sa kanyang paghahandog ng buhay. Magbigay na taos at bukas-palad, at tanggapin ang biyaya ng Diyos para sa atin!

Panginoon, ikaw ay hinahandugan, hindi lamang ng ginto, kamanyang at mira, kundi ng aming mga pusong nais sumunod sa iyong kalooban. Turuan mo kaming makita ang tunay na halaga ng pagbibigay: na hindi upang itaas ang sariling ambisyon, kundi upang ipakilala ang iyong pagmamahal sa iba. Amen!

Monday, December 31, 2012

Magsimula Kasama sina HESUS at MARIA!

Enero 01, 2013
DAKILANG KAPISTAHAN NI SANTA MARIA, INA NG DIYOS
Oktaba ng Pasko ng Pagsilang
Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan

Bl 6,22-27 . Gal 4,4-7
Lc 2,16-21

===

Kamusta ang Bagong Taon? Makulay ba? Magulo? Kasama ang pamilya o nag-iisa? Tulad ba ito ng isang ordinaryong araw na wala namang espesyal na okasyon, o sinamantala mo ang pagkakataon upang pasalamatan ang Diyos at hingin ang kanyang awa sa taong paparating?

Anuman ang ating pagsisimula sa Taong ito, tayo ay inaanyayahan na unahin ang Diyos na higit sa lahat. Ang Bagong Taon ay isang imbitasyon na simulan ang isang panibagong pananaw sa buhay, iba sa naging ikaw noong nagdaang taon. 

Maraming mga pagninilay na ang ating nabasa dito sa blog na ito (na nagdiriwang rin ng ikalawang taon nito ngayon), at malamang ko'y nagsasawa na kayong magbasa mula rito, subalit pahintulutan ninyo akong magbigay ng dalawang huwaran na pwede nating maging huwaran sa taong ito. Kilalang-kilala na natin sila, lagi pa nga nating nababanggit ang pangalan nila, subalit maaari pa natin silang kilalanin, mahalin at gawing bahagi ng buhay natin na higit pa kaysa sa noon.

SI HESUS. Sa araw na ito, ikawalo makalipas niyang isilang, ay tinuli at ibinigay ni Maria at Jose ang pangalan ng bata: Yeshua, ang pangalang ibinigay ng Anghel sa kanila sa iba't-ibang pagkakataon. Ang pangalan ng ating Panginoon ay nangangaluhugang Ang Diyos ay nagliligtas! Ito ay pasimula sa kanyang misyon na gaganapin sa kanyang pagtanda.

Ang kanyang pagsilang ay binalita ng Anghel sa mga Pastol na nagmadaling magtungo sa Betlehem upang makita ang kanilang tagapagligtas. Ang kanyang kamusmusan ay dinayo ng mga Pantas na ginabayan ng Tala upang kanilang masumpungan ang Hari ng mga Hari. Ang kanyang mahal na awa ay ating hinihingi sa araw-araw na iniligtas ng kanyang Dugo sa Krus. Lagi nating sinasabi na Bahala na ang Diyos, at ito ay totoo dahil ang kalooban niya ang nananaig sa ating lahat.

SI MARIA. Tinutunghayan rin natin sa araw na ito ang Ina ni Hesus na atin ring Ina. Sa kanyang kabataan ay tinanggap na niya ang biyaya ng pagiging Ina ng Diyos, na ating pinananampalatayanan bilang isang Simbahan. Hindi nagduda si Maria na tanggapin ang biyayang dumarating upang mailigtas ang sangkatauhan: Ako ang alipin ng Panginoon. Maganap sa akin ang iyong sinabi. At hindi rin nakitaan si Maria ng ni katiting na pagmamayabang sa lahat ng kanyang nakita sa gabing mapanglaw na iyun, subalit itinago niya ito at pinagnilayan sa kanyang puso. 

Tayo ang Pueblo Amante de Maria at saan man tayo mapuntang bayan ay makakakita tayo ng mga dambanang itinalaga sa kanyang pamimintuho. Lagi nating hinihingi ang kanyang paggabay sa ating pagdasal ng Rosario, at sa ating mga simpleng pananalangin. Kahit saanman tayo mapadpad, isa sa mga palaging nasa isip natin ay si Maria. Hindi nga natin siya sinasamba, subalit batid nating mahal na mahal natin siya sapagkat anumang hingin natin sa kanyang pamamagitan, mas madalas sa hindi, ay pinagkakaloob ng Diyos.

Mga kapatid! Sila Hesus at Maria ang ating gabay sa taong paparating, higit sa sinuman at anupaman. Maraming beses na nating ibinaling ang ating atensyon sa iba't-ibang mga bagay na sinasabi nating magbibigay ng suwerte o biyaya sa atin sa darating na mga araw, pero sinubukan nga ba nating ipaubaya kay Hesus at kay Maria ang ating mga pinagdaraanan? Malamang, minsanan lang kapag may problema, kapag wala na ang problema, wala na rin si Hesus at si Maria.

Ang Pangalang HESUS ay nagliligtas! Ang halimbawa ni MARIA ay maghahatid sa atin sa kababaang-loob! Kapag pinagsama sila, ang ating matatanggap ay KAPAYAPAAN! Ang kapayapaang hatid ng Panginoon ay hindi ang kapayapaang nakakasakit ng kapwa; ang kanyang kapayapaan ay ang kaganapan ng kanyang pagmamahal sa atin. Ang hinahangad nating kaayusan ay hindi natin makikita sa digmaan o sa pagmamayabang o sa mga batas na wawasak sa ating buhay; ANG KAPAYAPAAN AY PAGMAMAHALAN, PAG-UUNAWAAN AT PAGKILALA AT PAGGALANG SA BUHAY NA BIYAYA NG PANGINOON!

O, kamusta nga ba ulit ang pagpasok ng Bagong Taon? Tinanggap mo nga ba ito na nag-aalala sa mga darating na problema, o na may ngiti sa mga labi at nagpapaubaya sa Diyos? Kinilala mo ba ang Diyos bilang  boss ng buhay mo, at sila Hesus at Maria bilang gabay, o itinanghal mo na naman ang sarili mo bilang nagmamagaling na driver ng sarili mong bangka?

BAGONG TAON NA! Maraming taon na ang nagdaan sa ating buhay, maraming pagkakataong dumating at nawala. Sa panahong ito, bakit hindi natin ibalato sa Diyos ang ating mga gawain sa mga darating na araw? Simulan natin ito na banal! Simulan natin ito na masaya! Simulan natin ito kasama sila Hesus at Maria!

O Diyos ng panahon at ng pagpapala, ipinapaubaya namin sa iyo ang Panibagong Taong ito. Samahan mo nawa kami sa lahat ng aming gagawin, at amin nawang maramdaman ang iyong pagpapala higit sa lahat. Sa panalangin ni Maria Ina ng Diyos, makilala nawa namin ang iyong kalooban na higit sa lahat ng bagay. Amen!



ISANG MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!
at
HAPPY SECOND ANNIVERSARY SA UR DOSE!

Saturday, December 8, 2012

MALINIS AT BANAL!



DAKILANG KAPISTAHAN NG INMACULADA CONCEPCION
Pangunahing Pintakasi ng Bansang Pilipinas
Disyembre 08, 2012
Gn 3, 9,15-20 . Efe 1,3-6.11-12
Lc 1,26-38
===

Kapag sinabing malinis, ibig sabihin walang bahid na ano pa man, almost perfect. Hinahanap natin iyan sa damit, maganda sa paningin kung walang mantsa, o kung hindi lukot at plantsadong mainam. Hinahanap natin iyan sa project, yung walang masyadong lukot o trace ng pandikit. May grade nga yung cleanliness ng isang project, di ba? Sa kanyang gaslaw o sinop, sa kanyang ayos ng buhok at sa gupit ng kuko sa paa makikita natin kung malinis sa katawan at sa buhay ang isang tao na nais tayong maging kaibigan.

Importante ang pagiging malinis, hindi lang dahil sa maganda ito sa paningin, subalit ito ang nagpapakilala ng katauhan ng isang tao o bagay. Ito ang nagbibigay ng identity, ng pagkakakilanlan sa atin. Masasabi nating isa ito sa mga maaalala sa atin nga mga taong malapit sa buhay natin na nalayo o nawalay sa piling natin.

Malinis. Ito ang taglay ni Maria buhat sa unang sandali ng kanyang pagiging tao sa sinapupunan ni Santa Ana. Sa ating pagdiriwang ngayon ng Inmaculada Concepcion, ating ipinagdiriwang ang pagiging malinis ni Maria: walang bahid ng kasalanang mana. Ito ang siyang nagbigay-daan sa kanyang pagiging-marapat upang tanghalin na Ina ng ating Panginoon.

Sa pagbasa sa unang Vespers para sa Dakilang Kapistahan ngayon, pinahayag ni Pablo na hinihirang ng Diyos sa pasimula ang mga taong gaganap sa kanyang kalooban, tinawag at ginagawang marapat sa pakikibahagi sa kanyang gawain ng kaligtasan. Si Maria ang unang nakatanggap ng biyayang ito sa pamamagitan ng Inmaculadang paglilihi sa kanya.

Hindi natin masasabing karapat-dapat si Maria kung siya ay nananatili sa buhay ng kasalanan. Ang papel ni Maria sa ating kaligtasan ay lubhang naging matingkad sa kanyang pagiging malinis. Ito ay binigyan ng katuwiran ng Anghel noong kanyang pinahayag: Matuwa ka, ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos!

Kaire Kecharitomene, lubhang pinagpala! Ito ang ating pagkilala sa dakilang Ina ng Diyos na atin ring ina. Ang lahat ng pagmamahal na kanyang natatanggap sa panahong ito mula sa ating kanyang mga anak ay bunga ng dakilang pagpapala na nagbuhat sa Panginoon. Sa kanyang pananalig, tayo ay nakasumpong ng ating kaligtasan, kaya gayun na lamang ang ating pagpapasalamat sa kanya siyang ating Ina at Huwaran sa Taong ito ng Pananampalataya.

Si Maria ang siya nating gabay at huwaran sa isang buhay na puno ng kalinisan at kabanalan. Sa kanyang kalinisan, nagsumikap siya na pag-ibayuhin ang kabanalan at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng isang buhay na malinis at nakatalaga sa Panginoon. Tinanggap ni Maria ang biyaya ng buhay na nagmumula sa Diyos, at kinilala niya ito bilang isang banal na kaloob. Hindi niya pinagkait ang kanyang sarili sa kalooban ng Diyos na naganap sa kanyang pag-oo sa pahayag ng Anghel na siya'y magiging Ina ng Manunubos.

Aminin na natin, mahirap maging malinis sa panahong ito. Sa impluwensyang ating natatanggap buhat sa mundo, tayo ay humaharap sa pang-araw-araw na pagsubok laban sa kalinisan ng ating katawan at kalooban. Palagi tayong nadarapa at  nagkakasala laban sa ating Panginoon, at dahil dito tayong lahat ay lukot na, bahid na ng sangkaterbang mantsa, at hindi na karapat-dapat na lumapit sa kanya.

Subalit sa araw na ito, sa Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion, muli sa ating pinapakilala ng Panginoon si Maria na humarap sa pagsubok ng mundo tulad natin, subalit nanatili sa isang buhay na tapat sa kanyang Panginoon at sa estado ng kanyang buhay. Pinapakilala nga siyang muli ng Panginoon bilang isang tanda sa langit na siyang ating kalasag laban sa kamandag at lason ng ahas – ang mga tukso ng ating makabagong panahon.

Sukat nating tanungin ang ating mga sarili: Patuloy pa ba akong nananatili sa isang buhay na malinis at banal? Katulad ni Maria, nagsisikap ba akong magtaguyod sa isang buhay ng kalinisan, o sumusunod na lang ba ako sa agos ng mundo na wala nang pagpapahalaga sa dignidad ng buhay ng aking kapwa?

Sa ating pakikibaka para sa dignidad at karangalan ng buhay, tayo ay patuloy na lumingon sa Mahal na Ina na hindi natakot ipahayag ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng buhay na sakdal linis sa paningin ng Diyos at ng mga taong lumalapit sa kanya.

Panginoon, sa pamamagitan ng iyong biyayang pinagkaloob kay Inang Maria, dalangin namin na kami'y ilayo sa tukso ng mundo at patatagin sa iyong kagandahang-loob, nang kami'y maging marapat sa isang buhay na banal at malinis para sa lalong kapurihan ng iyong Ngalan dito sa lupa, para nang sa Langit. Amen.

Maria, Birheng Pinaglihing walang sala, ipanalangin mo kami!

Saturday, November 24, 2012

Iyan ang TOTOO!

DAKILANG KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUKRISTO, HARI
Nobyembre 25, 2012
Dn 7,13-14 . Ph 1,5-8
Juan 18,33-37
===

The truth hurts, ayon sa isang kasabihan. Kapag humarap tayo sa isang bagay na totoo, alam nating kahit paano ay mababago nito ang mga pananaw natin sa buhay, sampu ng lahat ng tao sa paligid natin. Kahit paano, ang katotohanan ang magtataas o magbabagsak sa isang bagay, tao o pangyayari. Ito ang magsasaad kung tama o mali ang gawi natin. Sa isang salita, ang katotohanan ang isa sa mga mahahalagang pinanghahawakan natin, anuman ang estado o gawain natin sa buhay.

Ito rin ang pinapakilala ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon, ang Huling Linggo sa Taong Liturhikal B. Sa gitna ng tinding hirap na kanyang binabata sa magdamag na siya'y inuusig, lakas-loob niyang pinahayag sa harap ni Pilato na siya'y Hari! Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan, upang magsalita tungkol sa katotohanan.

Marami sa atin ang nagtatanong, bakit nga ba natin ipinagdiriwang ang Pistang sa dulo ng taon? Ano ang halaga para sa atin ng isang Hari na di naman natin kilala ni nakita? Totoo nga ba siya? Kung babalikan natin ang kasaysayan ng kapistahang ito, makikita natin ang isang kabalintunaan. Sa Quas Primas ni Papa Pio XI, pinahayag ng Banal na Papa ang paghahari ng maka-mundong mga pananaw, lalo na ang komunismo na talamak noong panahong iyon. 

Para sa mga makamundong pinuno, hindi umiiral ang Diyos, at kung umiral man siya ay wala siyang pakialam sa mga gawain ng mundo. Wala siyang karapatang mamuno sa kanila sapagkat di naman nila siya nakikita, ni nararamdaman. Higit sa lahat, isa siyang hadlang upang makapaghari sila sa paraang kanilang gusto. Katulad ni Pilato, kanilang sinasabi, hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka at kapangyarihang ipapako ka sa Krus? (Jn 19,10)

Subalit hindi ito ang totoo! Sa Krus, samantalang siya ay nakapako, ay pinakilala ni Hesus ang kanyang paghahari na hindi lamang nakatuon sa makamundong pananaw tulad ng tinuran sa taas; ang kanyang paghahari ay isang ubod ng pagmamahal at sakripisyo. Si Hesus ay hari na handang ialay ang sariling buhay para sa lahat ng umaasa sa kagandahang-loob ng Panginoon. Hindi ito kaya ng mga pinuno ng sanlibutan, ni magawa kailanman.

Christ as our Redeemer purchased the Church at the price of his own blood; as priest he offered himself, and continues to offer himself as a victim for our sins. Is it not evident, then, that his kingly dignity partakes in a manner of both these offices? [Quas Primas, 16]

Hindi ito kayang gawin ng mga taong umaastang "pinuno," dahil sa dignidad na dala ng pangalan o puwesto nila. Ayaw nilang mapahiya, ni plumakda. Gusto nila na sila ang masusunod. Subalit ang paghahari ni Hesus ay hindi paghahari bilang "boss" na uutusan tayong gawin ang anumang gusto niya. Naparito siya, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Pinakita niya ito sa kanyang kamatayan sa Krus.

Ito ang katotohanang hinarap ni Hesus sa sandaling iyon na kaharap niya si Pilato. Ito rin ang patuloy niyang pinapakilala sa bawat isa sa atin, lalo na sa mga taong ayaw pa rin siyang tanggapin, ni yakapin ang katotohanang kanyang taglay. Patuloy na naghihintay si Kristong Hari para sa atin na kanyang mga iniligtas upang kilalanin siya at tanghalin na Hari ng kanilang buhay.

Sukat nating tanungin ang ating mga sarili sa araw na ito, Ano nga ba ang itinuturing kong totoo? Kinikilala ko ba si Hesus na Hari sa aking buhay, o patuloy lang ako sa buhay kong walang panginoon kundi ang sarili ko?

Sa ating pagtatapos sa isang Taong Liturhikal, muli nating subukang tuklasin ang kagandahang-loob ng Panginoon na patuloy na naghahandog ng kanyang kagandahang-loob para sa atin. Si Hesus ang nagpapakilala sa atin ng katotohanan, na siya ang Hari ng ating buhay at wala nang iba. Walang halong pangamba, makakaasa tayo sa patuloy niyang pagdamay sa ating lahat. Manalig tayo sa kanya at itanghal nating siya bilang Hari ng buong sanlibutan! Iyan ang totoo!


Panginoon, patuloy naming hinahanap ang katotohanan sa mga maling bagay. Buksan mo ang aming mata upang makita namin ang tunay na katotohanan: na Ikaw ang Hari at Diyos ng aming abang buhay. Maghari ka sa amin! Amen!


Friday, September 14, 2012

UGNAYANG-KRUS

Setyembre 14, 2012
KAPISTAHAN NG PAGTATAMPOK SA BANAL NA KRUS
Bil 21, 4b-9 . Fil 2, 6-11
Jn 3.3-17
===

Sa nakaraang pagninilay natin ukol sa Kapistahan ng Pagtampok sa Krus, nakita natin kung gaano kahalaga ang papel ng Krus sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang Krus na dating parusa, ngayo'y naghahatid ng pag-asa na ang tulad nating nahihirapan ay maluluwalhati rin sa biyaya ng Panginoon.

Sa pagkakataong ito, pagnilayan natin ang hiwaga na taglay ng Krus, ukol sa ugnayan natin sa Diyos at sa kapwa. 

Pansin ninyo, dalawang linyang pinagkaisa ang Krus - intersection, kung baga? Isang pahiga at isang pababa, na pinag-ugnay sa gitna, iyan ang Krus. Sa lahat ng uri ng parusa, ito ang iginawad kay Hesus ng mga Hudyo, hindi ang pagbato (na maraming beses lang na dinaanan ni Hesus), ni ang paghampas sa haligi (na dinanas niya bago ipako sa Krus), kundi ang pagpasan at pagpako sa Krus na itinuturing noon na pinaka-nakakahiyang parusa sa lahat.

Subalit ito nga ang tinanggap ni Hesus, niyakap niya ang pasang Krus, dinala hanggang Golgota at doo'y namatay para sa atin. Minsan niyang sinabi, Kapag ako'y itinaas, ilalapit ko ang lahat sa aking piling. At ito nga'y nagkatotoo sa mapait na sandaling iyon.

Mistulang puno, muling nagka-ugnay ang nilikha sa kanyang Manlilikha. Sa patayo nitong anggulo, nakita kung paanong muling pinagkaisa ni Hesus ang daigdig na nadapa sa kasalanan sa kanyang Ama na patuloy na naghihintay para sa kanilang pagbabalik. Sinabi niya, Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, isip, kaluluwa at lakas, at hindi siya nanliming ipakita ang katotohanang ito sa kanyang kamatayan sa Krus. Ang buhay niya ay isang perpektong alay at halimbawa ng pag-ibig sa Diyos 

Paglingap sa kapwa, inugnay niya ang kanyang katauhan sa ating kahinaan. Tanda natin ang magnanakaw na nagsumikap na ipaubaya kay Hesus ang kanyang buhay sa oras ng kagipitan. Hindi ito ipinagkait ni Hesus sa pagsabi,  ngayon di'y ipagsasama kita sa Paraiso. Pako man ang hadlang, ninais pa rin ng nagtitikang makasalanan na matanggap ang biyaya ng Panginoon, at hindi ito nabigo sa kanyang naisin.

Pag-isahin natin ang ugnayan sa Diyos (pababa) at ang ugnayan sa kapwa (pahiga), at ang mabubuo natin ay isang Krus! Ang Krus nga ang instrumento at tanda ng ating ugnayan tungo sa kabanalan at kaganapan ng ating buhay.

Ugnayang-Krus ang siyang susi tungo sa kaganapan ng ating buhay! Minsan, nakakalimutan nating ihandog ang ating buhay para sa Diyos, ni para sa ating kapwa. Para sa ilan, hindi na nila kailangan ang Diyos dahil sila naman ang nagsusumikap para sa buhay nila. Di rin nila kailangan ang kapwa dahil panggulo lang tayo sa tagumpay nila. 

Subalit di natin natatalos na sa ating pakikipag-ugnayan makikita ang tunay na halaga ng buhay. Di natin nakikita na sa ating pakikiniigan makikita natin na tayo rin ay nangangailanganng buksan ang ating sarili para sa pangangailangan ng iba, upang tayo rin ay mabigyan ng ating pangangailangan. Masyado tayong nakadepende sa ating sarili, na di natin napapansin na kailangan rin tayo ng Diyos upang ipahayag ang kanyang kabutihan sa lahat at kailangan tayo ng ating kapwa upang maunawaan ang mukha ng Diyos.

Sa halimbawa ni Kristong napako sa Krus, tayo ay makakasumpong ng unawa ukol sa bagay na ito. Ano pa nga ba't nagawa ni Kristo na iwan ang lahat ng rangya ng langit at kinuha ang pagiging alipin natin upang tayo'y maging kaisa niya sa Luwalhati! Inialay niya ang kanyang sarili sa Krus at dahil dito, siya'y tinampok ng Panginoon. (Ikalawang Pagbasa) Sa kanyang pakikipag-ugnay, naranasan natin ang isang pagmamahal na higit sa lahat ng pagmamahal, ang paghatid sa atin tungo sa buhay na walang hanggan. 

Hindi tayo nag-iisa sa mundong ito, kailangan nating makipag-ugnay! Ang Diyos na siyang lumikha sa atin, at ang ating kapwa na ating kaisa sa gawaing ukol sa kabanalan, ay naghihintay sa ating pakikiisa at pakikiramay. Iugnay nga natin ang ating mga sarili, tulad ni Kristo na di nagdalawang-isip na ialay ang buhay upang iugnay tayo sa kanyang Ama, at tayo sa ating kapwa.


Saturday, September 8, 2012

Walang hiwalayan!

Setyembre 08, 2012
KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
Mi 5,1-4a o kaya Rm 8,28-30
Mt 1,1-16.18-23
===

Maraming nagsasabi, sinasamba natin si Maria parang Diyos. Mula sa kaarawan, hanggang sa pag-akyat sa klangitan, ipinapakita daw natin ang ating pagpupuri at pagluwalhati na dapat daw ay sa Diyos lamang binibigay, inilalaan at inihahatid. Sabi nila, kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, hindi maitatanggi na ang pinapakita nating pagmamahal kay Maria ay isang uri ng pagsamba, wala nang dili't iba.

Bakit? Wala ba silang mga ina? Kung paano natin inaalayan ng paggalang at pag-ibig ang ating mga ina na nag-aruga, nagmahal at nagtaguyod sa atin, gayun din, naglalaan tayo ng isang espesyal na puwang para sa Ina na naghatid sa atin ng isang dakilang biyaya: ang ating Tagapagligtas. 

Sa kanyang kaarawan, ay may paalalang hatid ang Anghel. Sa takot ni Amang Jose na mapahiya si Maria sa komunidad, ay pinagpasyahan niyang hiwalayan ito ng lihim, nang biglang lumitaw ang Anghel sa kanyang panaginip, Huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat siya ay naglilihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng Lalaki at tatawagin mo itong Hesus... 

Mula sa pagkatakot, nagkaroon ng tapang si Jose na tanggapin si Maria sa kanyang tahanan at ituring na anak ang Anak ng Panginoon. Buong-puso niyang minahal ang biyaya ng Diyos na dumating sa buhay niya. Sa mata ni San Jose, wala nang ibang mas mahalaga kundi ang arugain at tanggapin ang biyaya ng Panginoon na kapiling niya: si Maria at si Hesus. Hindi maipaghihiwalay ang Ina at ang Anak, at hindi rin niya maihihiwalay ang kanyang sarili sa kanilang dalawa. Ang resulta: isang Banal na Mag-anak.

Katulad ni Jose, tayo rin ay natatakot na tanggapin ang Panginoon, kahit sa munti at lalo na sa mabibigat na sandali ng ating buhay. Madalas nating sinasabi, pinapabigat lang ng Diyos ang mga pasanin natin. Tinatanong natin kung bakit niya pinapahintulutang malagay tayo sa peligrong kaliwa't-kanan. Nagdududa pa nga tayo kung nandiyan siya, kung nakikita niya ang pagsubok natin, o kung bakit niya pinapahintulutang mapahamak tayo kapag panahon ng sakuna.

Pero tulad rin ba ni Maria, tinanggap ba natin ang Panginoon sa kabila ng lahat? Sa pagsaksi ng Mahal na Ina sa kagandahang-loob ng Panginoon, hindi natin maikakaila na tayo man, sa ating kahinaan, ay maaari pa ring maramdaman ang pagmamahal at kagandahang-loob ni Hesus. Buksan lamang natin ang ating mga puso sa kanya at makakaasa tayo ng lakas at tatag na dulot ng Panginoon.. 

Magagawa natin ito sa halimbawa ni Maria na unang naglaan para maganap ang ating kaligtasan. Hindi natin maihihiwalay si Maria sa ating pag-asam para sa buhay na walang hanggan. Paano nga ba masasabing nailigtas tayo kundi sa pagtanggap ni Maria ng Magandang Balita? Hindi maipaghihiwalay si Hesus at si Maria, ang Anak at ang kanyang Ina, ang Liwanag at ang nagdala ng Liwanag. 

Ngayong kaarawan ni Maria, siyasatin natin ang ating sarili, at tanungin: Naging bukas nga ba ako sa kagandahang-loob ng Diyos tulad ni Maria? Ikinimkim ko lang ba sa aking sarili ang mga pangamba ko, o ipinaubaya ito sa Panginoon, natitiyak na kalooban niya ito?

EMMANUEL: Sumasaatin ang Diyos. Sa ating pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Inang Maria, tinatawag tayo na patuloy na ipaubaya sa kanya ang ating mga alinlangan at pagsubok sa buhay. Hindi malayo ang Panginoon, lagi natin siyang kapiling. Hindi rin malayo si Maria, siya ay nariyan, handang gumabay sa atin. Hindi maipaghihiwalay si Maria at si Hesus; wag rin nating ihiwalay ang ating mga sarili sa Diyos sa pamamagitan ni Maria!


Maria, aming Reyna at Ina,

Sa isang taon naming paglalakbay , kami ay iyong sinamahan. 
Sa kabila ng mga pagsubook na aming hinarap, 
patuloy mong inilalaan ang iyong mga mapagmahal na kamay upang aming tangnan.
Ipinaramdam mo sa amin na hindi kami nagiisa,
na ang buhay na ito ay mayroong halaga 
at ang aming itinataguyod ay ang Diyos na iyong ipinapakilala. 

Aming ipinagbubunyi ang bunga ng pagsusumikap. 
Sa iyong tulong at paggabay, kami ay umasa. 
Ngayon ay aming nararamdaman ang walang maliw na pagkalinga 
sa aming munting ministeryo sa makabagong panahon. 

Tunghayan mo kami, iyong mga anak, 
at ang aming mga panalangin ay iyo sanang kalugdan. 
Pasasalamat nami’y walang humpay 
mula sa aming mga pusong walang tigil na nagpupugay. 

Kay Hesus na iyong Anak, kami’y iyong ilapit. 
Kami’y pagkaisahin, isang bayan, isang lipi. 
Sa langit na tahanan, kami ay dalhin. 
Aveng walang katapusan, laging sasambitin.

AMEN! AMEN!

Wednesday, August 15, 2012

Sa Luwalhati ng Diyos!

Agosto 15, 2012
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
Ph 11,19a.12,1-6a.10a-b . 1Cor 15, 20-27
Lc 1,39-56
===

Ipinagbubunyi natin ang isang dakilang pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan sa araw na ito. Iniakyat sa Langit si Maria, katawan at kaluluwa. Hindi hinayaan ng Diyos na mabulok ang katawan ng babaeng nagdala, nag-aruga at nagmahal sa Diyos na nagkatawang-tao. Sa sandaling iyon, na tinawag siya ng Diyos sa kanyang piling, pinagkaloob sa kanya ang isang natatanging biyaya, na iniakyat siya sa Langit, katawan at kaluluwa.


Naniniwala tayong si Maria ay iniakyat sa Langit noong huling sandali ng buhay niya sa mundo. Bilang mga Kristiyano, nababatid nating ang Mahal na Ina ay nabuhay ng isang buhay na tapat at mabuti sa mata ng Diyos at ng kapwa. Tulad ng ating Panginoon na kanyang Anak, si Maria ay nanatiling tapat sa pangako ng Diyos hanggang sa huling sandali. Sa kanyang pag-oo sa mensahe ng Anghel, nagbukas para sa atin ang mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos. Hindi maaaring ito ay mabalewala.

Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon! Ang buhay ni Maria ay isang buhay ng pagpuri sa Diyos, sa kabila ng mga pagsubok at mga hinagpis na kanyang naranasan. Hindi siya nagreklamo ni nagdamdam, ipinaubaya niya ang lahat sa Panginoon, na dahil dito siya ay niluwalhati at itinaas mula sa kanyang kababaan. 

Mapalad ka, sapagkat naniwala kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon. Tunay na ang kanyang pagkamatapat sa pangako ng Diyos ang siyang naging susi sa kanyang mistikong pakikipag-isa sa luwalhati ng Panginoon sa Langit. Ngayon, ang kanyang pagiging matapat at pananampalataya ang siya nating pilit na sinusunod sa ating buhay. Mahirap man, alam nating ito rin ay magbububnga ng mainam, ito ay lalago, at ito ay magdadala sa atin sa kaganapan ng buhay.

Nauna si Kristo, susunod ang lahat ng kay Kristo. Ang kaluwalhatian ay hindi lamang para kay Hesus o kay Maria o sa mga Santo; ito rin ay para sa atin! Hindi mahirap ang sumunod sa kalooban ng Panginoon, sa sandaling pinaubaya natin ang lahat sa kanyang kalooban, makikita natin kung paano magiging mainam ang lahat ng bagay. Hindi mawawala ang pagsubok, subalit magkakaroon tayo ng lakas na ipagpatuloy ang laban sa buhay. 

Simple lang ang hamon ng Dakilang Kapistahang ito: Isang buhay na banal at naka-ayon sa Kalooban ng Panginoon.  Gaano nga ba tayo katapat sa pangako ng Panginoon? Katulad ni Maria, handa ba tayong ipaubaya ang lahat sa kanya, umaasang tayo rin ay maiaakyat sa langit at makakasalo sa luwalhati ng Diyos?

Manalangin tayo na manatili tayong matatag sa ating pananalig sa Diyos. Gumawa tayo na hindi inaalala ang sarili, kundi ang Diyos sa lahat ng bagay. Kaisa natin si Maria sa ating pagsusumikap para sa isang buhay na banal at tapat sa Panginoon. Hindi magtatagal, mararanasan rin natin ang biyaya ng luwalhati ng Diyos! 



Wednesday, August 8, 2012

Be like Dominic!

August 08, 2012
Our Holy Father Saint Dominic de Guzman
Jer 31,1-7
Matt 15,21-28
===

Today we celebrate one of the most prominent people in the Catholic Church, Our Holy Father Saint Dominic de Guzman. Actually, some may know him as an eloquent guy, perfect in preaching, champion in abolishing the heretics, and the promoter of Mary's Rosary. 

Yes, these are the things that one remembers in Saint Dominic, but we may not know how he went to become these things. Some may even think that he is a rich priest who formed an order just to follow his steps. But that is not the real course of the story.

He came from a very rich family but he didn't grow up boasting his riches, instead he gave everything he could give for the poor and sick of his time. He was so eloquent in preaching, but it was not much of his intellect, rather, it was because of his intimate relationship with the Lord Jesus. His life as a religious was a life of intense prayer, self-mortification, and study. 

Indeed, he was found favorable to God and before His people. His mission as the light of the Church became well-appreciated not only by his followers (some became saints their own way), but by the Holy Mother Church.

Dominic's life serves as our call to action, especially now as we face a period of struggle as a nation. His example is a challenge for us; it is not so easy to live holy, as we need to face many hardships and trials, but we know that the Lord is with us, guiding us through it all.

As we fight for the defense of life, let us be brave and bold like Dominic, facing the errors and correcting them in the eternal light of God's word. 

As we lend a hand for those who suffer from the flood and rain, let us be generous and humble like Dominic, who spared almost nothing for himself so that everyone may be filled with what they need. 

Above all, as we ask the Lord for protection from the ongoing disasters, let us be intimate like Dominic, who did not curse anyone, but rather praised the Lord in everything he had.

Finally, let us ask the intercession of this great priest and preacher, that through our undertakings as a reflection blog, we could always be humble and willing to be of-service to the Church who is always sanctified by the Word of God, joyfully preached by our Holy Father, Saint Dominic de Guzman.


Monday, August 6, 2012

LISTEN!

August 06, 2012
FEAST OF THE LORD'S TRANSFIGURATION
Dn 7,9-10.13-14 . 2Pt 1,16-19
Mk 9,2-10
===


Jesus is on a different mood on today's feast. He had visitors - well, they are not-so-ordinary - two men from the past and a mysterious voice. How exciting!

Well, just as it is exciting, it is also an exhibition of how great our God is. On our Sunday readings we witnessed how Jesus performed miracles for the benefit of all the on-lookers. He multiplied the loaves and fish for all to eat and be full. Yesterday, he introduced himself as the food which came from Heaven with the premise that Whoever eats me will never hunger and whoever believes in me will never thirst.

Today, we celebrate that majestic moment when Our Lord Jesus transfigured on the top of the mountain, at the sight of a few apostles. His clothes became dazzling white, such as no filler on earth could bleach them. He was also visited by Moses and Elijah, thus confirming Jesus' role as the culmination of the law and prophecy. And then, from a cloud came a voice: This is my beloved Son. Listen to him!

He presents himself in glory as the God he really is, and unlike the time of Moses that whoever sees God's glory will die, Jesus did not hesitate to present his majesty before Peter, James and John. For these three, whose hearts were grappling with fear, Jesus is not a 'fake' prophet anymore; he is real, in fact he is who he tells the people is, the Son of God!

Rabbi, it is good that we are here! Peter, in spite of fear (he even had a 'wacky' offer of three tents of Jesus, Moses and Elijah), was still able to utter these words of amazement. It is not that he is dumb-stricken again; for him, it was an declaration of the greatness of God manifest before his eyes. Though he will deny Jesus in front of the people on the sorrowful hours of his life, Peter would still stand as the main witness to Jesus' life, preaching and saving work as the head of the Church. (Second Reading)

We remember Jesus' words yesterday, This is the work of God, that you believe in the one whom he sent. Today, God himself confirms the mission of Jesus as our Lord and Savior through the mystic voice in the cloud: This is my beloved Son...Listen to Him! The Father invites us all the more to listen to Jesus and take part in his saving work by sharing His Word and deeds to others, especially those who have not received him yet. 

This is my beloved Son...Listen to Him! His Word brings life; it defends the Sanctity of life; it leads us to the fullness of life. We face a lot of problems nowadays yet we listen to people who are frail, who could not give us the right answer. Friends, the Father himself provides us with an answer today: JESUS! We neglect him, compromise his teachings, even exchange it for not-so-holy philosophies, but with the Lord we need not find anything else. 

In the Holy Eucharist, Jesus continues to transfigures himself as the Food of Life. He never fails to give us himself every time we partake of him in Holy Communion. Unworthy as we are, he still provides us with the strength to continue the fight. We listen to him as he enters our bodies, he cleanses our thoughts and makes us one with him.

We now ask ourselves, Do I listen to God's will manifest in Jesus Christ? Do I let him transfigure my life by welcoming his will? Do I follow his precepts or go with the flow of the people who do not recognize him anymore?

As we celebrate the Feast of Jesus' Transfiguration, we are invited to listen with haste to God's Word and live it in our everyday encounter with others. Damned are those who do not listen to him nor accept him as their Lord and Savior, but blessed are those who incline their ears to His Word and lead others to him. Through His grace, our lives are truly transfigured, and changed into the image of Jesus. The Lord indeed uses us as instruments of His Love and Life for all. With Peter, we can really say, Rabbi, it is good that we are here!

God of life and glory, your Son was revealed in splendour before he suffered death upon the cross; grant that we, beholding his majesty, may be strengthened to follow him and be changed into his likeness from glory to glory; for he lives and reigns with you and the Holy Spirit, one God now and for ever. AMEN.