Showing posts with label Christmas. Show all posts
Showing posts with label Christmas. Show all posts

Sunday, January 13, 2013

INSPIRED!

January 13, 2013
FEAST OF THE LORD'S BAPTISM
Is 42,1-4.6-7 . Ac 10,34-38
Luke 3,15-16.21-22 
===

Mural inside the new Orthodox Church of St. John the Baptist next to the Jordan River, showing the baptism of Jesus that probably happened just outside the church. 
We feel inspired to do something whenever we see something which begets our feelings. If we like something, it seems easy for us to do and take care of; if not, then we just wait for the day that it will be gone. If a person catches us by his words of urging to help him do something, we will do help him and more than that because he caught our hearts.

We celebrate the Baptism of Our Lord today. This marks the beginning of the Mission of Jesus as he sets forth for the proclamation of the Kingdom of God. On today's Gospel, we witness the coming of the Spirit in bodily form like a dove and a voice coming from the heavens,  You are my beloved son; in you am I well-pleased! 

Like a go signal, Jesus started his ministry to the people of Israel after this event in his life. After thirty years of a private life, serving Mary and Joseph and learning the ways of man at the house of Nazareth, Jesus leaves his Mother and proceeds in fulfilling his Father's plan of salvation. He joins the mob at the Jordan, having himself baptized with the people as a sign of preparation for his upcoming holy job. 

At this, Heaven "inspired" him to go and proceed. We hear the Father's voice and see the coming of the Spirit like a dove, like a holy sign of approval and confirmation that Jesus can start his preaching already.  Despite the bashing of the devil, the jeers of the chief priests and scribes, the unbelief of some, and the betrayal of Judas, he still proceeds to do the Father's Will; they even give him more strength to go on and tell to the world how glorious God is. This leads us to witness the rest of the year as a living proof on how Jesus would do his ministry well, up to the point that he would offer his life for us.

We look for an inspiration. In everything we do, we look for someone or something  which will fill us with much joy and strength for us to go on. We look for it in wordly things, sex, money and the like. Yes, it may inspire us but not for long, it may even leave us empty-handed. 

But deep inside, in our spirit, we can find a better driving force for us to move forward with our problems. Jesus inspires us all the more to be closer to God and do greater things for his glory. In our baptism, we accepted his gift of faith, which we bear until this very moment. This faith reminds us that God is the sole source of grace and our ultimate goal, that he gives us challenges to see if we still stick to him, and that he will never leave us alone as he is present in the Church, in the Sacraments and in the people dear to us. 

And so, how do we see God in our lives? Do we see him as an hindrance to our plans, as we still cling to the things of the world for an inspiration, or do we see him as the one true inspiration for everything we do? Do we pattern our lives after our baptismal vows, and after God's will, or after our interests?

The Lord, baptized in the Jordan, is inspired to go and preach the Gospel. Today, as we enter through the first part of the Ordinary Season of the Church, we are also inspired by God to go and make disciples of all nations. Let us then show the world how God inspires us, as he inspires Jesus! 

Father, by calling Him as your well-beloved Son, you inspired Jesus at his Baptism in the Jordan to go and preach your Salvation to all. Be with us as we continue our lives of service to our brothers and sisters. Inspire us to be your heralds of  faith, hope and love, now and always. Amen!

Saturday, January 5, 2013

Kung Magbibigay Ka...

Enero 06, 2013
DAKILANG KAPISTAHAN NG EPIPANYA
Dies Pro Negritis
Is 60,1-6 . Efe 2-3a.5-6
Mt 2,1-12
===

Isa sa mga kilalang pista ng Simbahan na may kaugnayan sa Pasko ay ang Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, o Epipanya. Mula sa malayong lugar, dumating ang mga Pantas na dala ang kanilang handog na kamanyang, ginto at mira para sa Haring bagong-silang. Sa araw na ito, tradisyunal na nagbibigayan ng regalo ang bawat isa, sabi nga ng kanta, 

Nauna ang tatlong Haring Mago, 
nagbigay ng mga regalo,
simula na ito ng kagandahang-loob
ng mga taong naging Kristiyano.

Nasaan ang isinalang na Hari ng mga Hudyo? Nakita namin ang kanyang tala sa silangan at nais namin siyang bigyan ng paggalang. Sa kanilang paghahanap ay ginabayan sila ng tala na siyang pahudyat na dumating na ang Haring Tagapagligtas. At matapos ang mahaba-habang paglalakbay, sila ay napatungo sa lugar na, ayon sa kanilang pag-aaral, ay siyang bayang sinilangan ng Haring ito.

Una silang nagtungo sa Jerusalem kung saan naghahari noon si Herodes. Nabagbag siya ng takot at ang buong bayan ay naligalig sa balitang ito. Sa isip ni Herodes, walang makakapantay sa kanyang kapangyarihan, kaya sa paghahangad niyang mapatay ang bagong-silang na hari ay pinayao niya ang mga pantas at nagbilin na na pag nakita ito ay balikan siya upang makasamba rin.

Subalit hindi niya madadaig kailanman ang plano ng Diyos. Sa kanilang pagpapatuloy, muling sumilay ang tala hanggang sa makarating sila sa Betlehem kung saan nila nakita si Maria at ang Sanggol na si Hesus. Sa laking tuwa at pagkamangha ay nagpatirapa sila at hinandugan ng marangyang regalo ang Sanggol na Manunubos ng lahat.

Ang pagbibigay ay hindi lamang nabubunsod ng sariling interes. Palagi nating nasasa-isip na kapag binigay natin ang isang bagay sa kaibigan natin ay maaalala nila tayo, at ito ay totoo, subalit sa paglaon, ay maiisip ng ating binigyan na pasalamatan ang Diyos dahil pinagkalooban siya ng isang mabait at maaalalahaning kaibigan tulad natin. Mapapansin natin na ang Diyos pa rin pala ang nagbigay sa atin ng dahilan upang handugan ng regalo ang ating kaibigan.

Pero iba ang pagbibigay na taos sa puso sa pagbibigay para sa sariling interes. Karamihan sa atin ang naghahangad na mabigyan ng malaking halaga mula sa isang politiko, lalo na yung mga tatakbo sa halalan sa Mayo, dahil pag nabigyan tayo ay tiyak na iboboto natin sila. Masasabing ito ay panawid-gutom ng ilan subalit katumbas naman nito ay ang paghalal sa isang pulpol na kawani ng ating pamahalaan. Makasarili at walang pakundangan ang ganitong motibo at hindi naaayon sa tunay na dahilan ng pagbibigay, na dahil sa pagmamahal.

Mga giliw, sa pagdiriwang natin ng Pagpapakita ng Panginoon, tanungin natin ang ating mga sarili, kamusta ang aking pagbibigay? Ano ang dahilan kung bakit ako nagbibigay? Dahil ba sa sarili kong interes at motibo, o bunsod ng isang mapagmahal at mapagbigay na puso tulad ng mga Pantas?

Inihandog ng Diyos ang kanyang anak upang iligtas tayo. Isang dakilang regalo siya para sa ating lahat na makasalanan. Kung tayo ay magbibigay, sana ay itulad natin ito sa kanyang paghahandog ng buhay. Magbigay na taos at bukas-palad, at tanggapin ang biyaya ng Diyos para sa atin!

Panginoon, ikaw ay hinahandugan, hindi lamang ng ginto, kamanyang at mira, kundi ng aming mga pusong nais sumunod sa iyong kalooban. Turuan mo kaming makita ang tunay na halaga ng pagbibigay: na hindi upang itaas ang sariling ambisyon, kundi upang ipakilala ang iyong pagmamahal sa iba. Amen!

Monday, December 31, 2012

Magsimula Kasama sina HESUS at MARIA!

Enero 01, 2013
DAKILANG KAPISTAHAN NI SANTA MARIA, INA NG DIYOS
Oktaba ng Pasko ng Pagsilang
Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan

Bl 6,22-27 . Gal 4,4-7
Lc 2,16-21

===

Kamusta ang Bagong Taon? Makulay ba? Magulo? Kasama ang pamilya o nag-iisa? Tulad ba ito ng isang ordinaryong araw na wala namang espesyal na okasyon, o sinamantala mo ang pagkakataon upang pasalamatan ang Diyos at hingin ang kanyang awa sa taong paparating?

Anuman ang ating pagsisimula sa Taong ito, tayo ay inaanyayahan na unahin ang Diyos na higit sa lahat. Ang Bagong Taon ay isang imbitasyon na simulan ang isang panibagong pananaw sa buhay, iba sa naging ikaw noong nagdaang taon. 

Maraming mga pagninilay na ang ating nabasa dito sa blog na ito (na nagdiriwang rin ng ikalawang taon nito ngayon), at malamang ko'y nagsasawa na kayong magbasa mula rito, subalit pahintulutan ninyo akong magbigay ng dalawang huwaran na pwede nating maging huwaran sa taong ito. Kilalang-kilala na natin sila, lagi pa nga nating nababanggit ang pangalan nila, subalit maaari pa natin silang kilalanin, mahalin at gawing bahagi ng buhay natin na higit pa kaysa sa noon.

SI HESUS. Sa araw na ito, ikawalo makalipas niyang isilang, ay tinuli at ibinigay ni Maria at Jose ang pangalan ng bata: Yeshua, ang pangalang ibinigay ng Anghel sa kanila sa iba't-ibang pagkakataon. Ang pangalan ng ating Panginoon ay nangangaluhugang Ang Diyos ay nagliligtas! Ito ay pasimula sa kanyang misyon na gaganapin sa kanyang pagtanda.

Ang kanyang pagsilang ay binalita ng Anghel sa mga Pastol na nagmadaling magtungo sa Betlehem upang makita ang kanilang tagapagligtas. Ang kanyang kamusmusan ay dinayo ng mga Pantas na ginabayan ng Tala upang kanilang masumpungan ang Hari ng mga Hari. Ang kanyang mahal na awa ay ating hinihingi sa araw-araw na iniligtas ng kanyang Dugo sa Krus. Lagi nating sinasabi na Bahala na ang Diyos, at ito ay totoo dahil ang kalooban niya ang nananaig sa ating lahat.

SI MARIA. Tinutunghayan rin natin sa araw na ito ang Ina ni Hesus na atin ring Ina. Sa kanyang kabataan ay tinanggap na niya ang biyaya ng pagiging Ina ng Diyos, na ating pinananampalatayanan bilang isang Simbahan. Hindi nagduda si Maria na tanggapin ang biyayang dumarating upang mailigtas ang sangkatauhan: Ako ang alipin ng Panginoon. Maganap sa akin ang iyong sinabi. At hindi rin nakitaan si Maria ng ni katiting na pagmamayabang sa lahat ng kanyang nakita sa gabing mapanglaw na iyun, subalit itinago niya ito at pinagnilayan sa kanyang puso. 

Tayo ang Pueblo Amante de Maria at saan man tayo mapuntang bayan ay makakakita tayo ng mga dambanang itinalaga sa kanyang pamimintuho. Lagi nating hinihingi ang kanyang paggabay sa ating pagdasal ng Rosario, at sa ating mga simpleng pananalangin. Kahit saanman tayo mapadpad, isa sa mga palaging nasa isip natin ay si Maria. Hindi nga natin siya sinasamba, subalit batid nating mahal na mahal natin siya sapagkat anumang hingin natin sa kanyang pamamagitan, mas madalas sa hindi, ay pinagkakaloob ng Diyos.

Mga kapatid! Sila Hesus at Maria ang ating gabay sa taong paparating, higit sa sinuman at anupaman. Maraming beses na nating ibinaling ang ating atensyon sa iba't-ibang mga bagay na sinasabi nating magbibigay ng suwerte o biyaya sa atin sa darating na mga araw, pero sinubukan nga ba nating ipaubaya kay Hesus at kay Maria ang ating mga pinagdaraanan? Malamang, minsanan lang kapag may problema, kapag wala na ang problema, wala na rin si Hesus at si Maria.

Ang Pangalang HESUS ay nagliligtas! Ang halimbawa ni MARIA ay maghahatid sa atin sa kababaang-loob! Kapag pinagsama sila, ang ating matatanggap ay KAPAYAPAAN! Ang kapayapaang hatid ng Panginoon ay hindi ang kapayapaang nakakasakit ng kapwa; ang kanyang kapayapaan ay ang kaganapan ng kanyang pagmamahal sa atin. Ang hinahangad nating kaayusan ay hindi natin makikita sa digmaan o sa pagmamayabang o sa mga batas na wawasak sa ating buhay; ANG KAPAYAPAAN AY PAGMAMAHALAN, PAG-UUNAWAAN AT PAGKILALA AT PAGGALANG SA BUHAY NA BIYAYA NG PANGINOON!

O, kamusta nga ba ulit ang pagpasok ng Bagong Taon? Tinanggap mo nga ba ito na nag-aalala sa mga darating na problema, o na may ngiti sa mga labi at nagpapaubaya sa Diyos? Kinilala mo ba ang Diyos bilang  boss ng buhay mo, at sila Hesus at Maria bilang gabay, o itinanghal mo na naman ang sarili mo bilang nagmamagaling na driver ng sarili mong bangka?

BAGONG TAON NA! Maraming taon na ang nagdaan sa ating buhay, maraming pagkakataong dumating at nawala. Sa panahong ito, bakit hindi natin ibalato sa Diyos ang ating mga gawain sa mga darating na araw? Simulan natin ito na banal! Simulan natin ito na masaya! Simulan natin ito kasama sila Hesus at Maria!

O Diyos ng panahon at ng pagpapala, ipinapaubaya namin sa iyo ang Panibagong Taong ito. Samahan mo nawa kami sa lahat ng aming gagawin, at amin nawang maramdaman ang iyong pagpapala higit sa lahat. Sa panalangin ni Maria Ina ng Diyos, makilala nawa namin ang iyong kalooban na higit sa lahat ng bagay. Amen!



ISANG MANIGONG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!
at
HAPPY SECOND ANNIVERSARY SA UR DOSE!

Sunday, December 30, 2012

NAWAWALA!

Disyembre 30, 2012
KAPISTAHAN NG BANAL NA MAG-ANAK NG NAZARET
Sir 3,2-6.12-14 . Col 3,12-21
Lucas 2,41-52
===

Maraming beses na akong nawalan o nanakawan ng gamit: cellphone, pera, lapis, ballpen, libro, relo, at kung anu-ano pa. Mas madalas, hindi ko na ito nakikita; minsan, binabalik siya ng tadhana o ng puspusang paghahanap. Tanga lang talaga siguro ako o ano, pero mahirap talagang mag-ingat ng gamit na madaling mawala at di-maibalik. Kailangan talagang maging mapagmatyag sa kapaligiran. 

Aminado tayong lahat, minsan nang may nawala sa atin: gamit, girlfriend/boyfriend, o bagay na talagang mahal na mahal natin. Kung gaano kahirap ang magkaroon nito, mas mahirap itong ingatan at ilayo sa masamang elemento. Kung ganito ang ating pananaw sa gamit, ano pa kaya kung mawala ang buhay, o ang kaligayahan natin? Di ba nga, mas mahalaga pa ang buhay natin, at ang ating ugnayan sa Diyos at sa kapwa higit sa lahat?

Sa Ebanghelyo natin ngayon, nawala ang Panginoon, at pahirapan ang paghahanap ni Jose at Maria upang makita siya muli. Nag-alala sila na baka may masamang mangyari sa kanya, subalit natuklasan nila makalipas ang tatlong araw na siya ay nasa Templo sa Jerusalem at nakikipag-usap sa mga guro at pari. Nang tinanong siya kung bakit niya ginawa iyon, ang sabi ng batang Hesus, Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako'y dapat na nasa tahanan ng aking Ama? 

Malinaw na kay Hesus sa kanyang murang gulang na may dapat siyang gawin, na dapat niyang hanapin ang kanyang kaligayahan, at ito ay makikita niya sa Tahanan ng kanyang Ama, sa Templo ng Jerusalem. Ito ang magpapakilala sa atin sa Hesus na nagtuturo, nagpapagaling at naghabilin sa atin na magmahal sa Diyos na higit sa lahat at magmahal sa kapwa na tulad ng kanyang sarili. Ang kanyang murang gulang ay hindi naging hadlang upang ipakilala ang Diyos na kanyang Ama sa mga matatanda at guro. Subalit, di dito nagtapos ang kanyang paghahanap para sa tunay na kaligayahan. 

Patuloy na nakita ni Hesus ang kaligayahan ng Panginoon sa kanilang tahanan sa Nazaret, sa piling ng kanyang Inang si Maria at Amaing si Jose. Sa isang simpleng pamumuhay sa piling ng pamilya, na tapat sa Diyos Ama sa lahat ng oras, nakita ng ating Panginoon ang higit na presensya ng Banal na Kalooban. Bago niya kinayag ang mundo na magbalik-loob at sumunod, ginawa muna niya ito sa kanyang sariling paraan, sa kanyang pamilya.

Mga kapatid, sa huling linggo bago pumasok ang 2013, hinarap tayo ng isang bagay na nagpawalang bigla sa dignidad natin bilang mga Katolikong Pilipino na nagmamahal sa buhay. Patagong pinirmahan ang RH Law na hindi nababatid ng publiko, ang batas na naglalayong maghatid ng mas pinalawak na Reproductive Health Awareness sa ating mga mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyong maternal, pagtuturo sa mga kabataan, at family planning methods, kabilang na ang contraceptives. 

Kung ang sumulat nito ang inyong tatanungin, tila baga nagsisimula nang mawala ang tunay na respeto at pagkilala sa buhay. Sinasabi nila, wala namang mawawala kung turuan natin ang mahihirap tungkol sa Reproductive Health, pero di rin ba natin naisip na tayo mismo ang lakas ng ating bayan? Sa halip na daanin sa pagbenta ng contraceptives o sa pagtuturo ng mga bagay na di-dapat na malaman ng kabataan, bakit di na lamang idaan sa mabuting mga gawain at proyekto ang pondo ng pamahalaan? At bakit idinaan sa dahas, pilitan at patagong pamamaraan? Malinaw na malinaw, nawawala na sa karamihan sa atin ang tunay na pagkilala at pagdangal sa buhay at pamilya.

Nawala si Hesus upang hanapin ang kaganapan ng kanyang batang buhay bilang ating Manunubos. Nakita niya ito sa Templo, subalit mas lalo niya itong nakilala at naramdaman sa loob ng tahanan ng Nazaret.

Nakikita pa ba natin ang kaganapan ng buhay ng Panginoon sa loob ng ating mga tahanan, o nawawala na rin ang pagmamahalan sa ating mga pamilya at sa halip ay sumusuporta sa mga gawaing nakakawasak dito?

Ito po ang huli kong panulat para sa 2012. Mas malaki ang pakikibaka sa pagpasok ng Bagong Taon, kaya hingin natin sa Banal na Mag-anak ng Nazaret na tulungan tayo sa ating laban para sa buhay. Huwag sana nating hayaang tuluyang mawala ang dignidad ng buhay, na ating iningatan, inaruga at minahal, tulad ng pagkalinga nina Hesus, Maria at Jose.

Panginoon, salamat sa biyaya ng nakalipas na taon. Dalangin namin sa iyo, sa pamamagitan nina Maria at Jose, na kami'y bigyan mo ng lakas upang ipaglaban ang buhay na pilit na sinisira ng aming makasariling interes. Maunawaan nawa namin na tanging sa Iyo at sa aming mga pamilya lamang namin masusumpungan ang ligayang di-mapapantayan. Amen!

Monday, December 24, 2012

Nasaan Ka Ngayong Pasko?

Disyembre 25, 2012
PASKO NG PAGSILANG NG PANGINOONG HESUKRISTO
Misa sa Hatinggabi:
Is 9,1-6 . Ti 2,11-14
Lc 2,1-14
Misa sa Maghapon:
Is 52,7-10 . Heb 1,1-6
Jn 1,1-18

===


ET VERBUM CARO FACTUM EST, ET HABITAVIT IN NOBIS!

Dumating na muli ang ating pinakahihintay. Sumilang na ang ating Tagapagligtas, ang Salitang naging tao upang tayo ay tubusin mula sa kamatayan. Ang kanyang pagiging Salita ay buhat pa noong una, Sa pasimula'y naroon na ang Salita, kasama na ng Diyos ang Salita, at ang Salita'y sumasa-Diyos. Sa kanyang matinding awa sa ating hirap na pinagdaraanan, siya ay nagnais na pumarito upang turuan tayo ng daan tungo sa Ama. Kaisa natin siya sa lahat ng bagay liban sa kasalanan, at karamay natin siya sa lahat ng pagsubok at hirap nating pinagdadaanan, sa lahat ng tuwa at galak na tinatamasa. 

Ang kanyang pagdating ay ating pinaghandaan sa iba't-ibang pamamaraan: mga dekorasyon sa tahanan, mga regalo para sa kaibigan, mga pagsasama-sama, ngunit higit rito ay ang paanyaya ng Simbahan na ihanda ang sarili sa pamamagitan ng isang pusong nagsisisi at handang bumalik sa kanya, bukas ang puso sa pagtanggap kay Hesus. 

Siguro napansin ninyo ang iisang tono ng mga pagninilay ko sa nagdaang Adbiyento. Lahat ay tungkol sa paghahanda, lahat ay kinikilatis kung nakapaghanda ba tayo ng mainam, o hanggang panlabas lang. Isa sa mga naging tanong natin ay, masaya ka ba sa iyong paghahanda?

Ano nga ba ang totoong kasiyahan? Paano mo masasabing masaya ka? Nasaan ka?

Ang henerasyon natin ang siyang tumatayong saksi sa realidad na dahan-dahan nang nawawala si Christ sa CHRISTmas! Mula sa mga simpleng mga pagbati (Happy Holidays!) hanggang sa mga kinikilos ng mga kabataan (magsisimbang-gabi na nakapang-gangster), hanggang sa mga pambabara ng mga "kristiyano" tungkol sa mga pagdiriwang natin (Hindi totoo ang Pasko!), hanggang sa mga status sa Facebook (SMP ka ba?), makikita natin na dahan-dahan nang nawawala ang tunay na halaga ng Kapaskuhan sa puso nating mga Kristiyano. 

Hinahanap ng tao ngayon sa kung saan-saan ang kanyang kaligayahan: sa mga mall at nagpapalamig o nagwi-window shopping, sa mga party at nagpapa-sosyal. Para sa atin, ang Pasko ay panahon upang makipagsosyalan at pumorma ng matindihan. Bale wala kung may nasasaktan siyang kapwa, basta ang mahalaga para sa kanya ay nakakaporma siya at nakakapagsaya ng para sa sarili niya.

Ang iba naman, sa mga pang-aabuso sa katawan hinahanap ang kasiyahan: drugs, sigarilyo, alak, babae. Hindi makuntento sa kung anong biyaya ng Diyos sa kanya, mas gusto niya itong nasasaktan o nakakatikim na madilim na kaligayahan. Walang ibang panginoon liban sa sarili niya at sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

Nasaan nga ba tayo ngayong Pasko? Maraming kuwento, maraming mga likong pamamaraan, subalit sa araw na ito ay muling pinapaalala sa atin na may isa at ISA lamang na maaaring maghatid sa atin ng totoong kasiyahan sa panahong ito: SI HESUS. Ang kanyang pagsilang ay hudyat ng biyaya ng Diyos sa ating lahat na madalas binabalewala, tinatakwil, o hindi kinikilala, bagkus ay pinagpapalit sa mga bagay na mabilis mawala o maglaho.

Mga giliw, sa ating pagdiriwang ng Pasko ngayon, kung mababasa mo ito, sana maunawaan mo na SI HESUS AT SI HESUS ANG PUNO'T DULO NG PASKO. Kaya ka nagpaparty ay dahil kay Hesus. Kaya ka nag-aayos ng dekorasyon ay dahil kay Hesus. Kaya ka nagdiriwang ng holiday sa araw na ito ay dahil kay Hesus. Nasaan man tayo ngayong Pasko, hindi natin mailalayo ang ating mga sarili kay Hesus, ang Salitang nagkatawang-tao at isinilang para iligtas tayo. 

Kung kaya muli nating tanungin ang ating mga sarili, Nasaan ka ngayong Pasko? Sana huwag mong ilayo ang sarili mo sa tunay na dahilan ng lahat ng pagdiriwang at paghahanda natin ngayon. Minsan mo lang tanggapin si Hesus, at tunay na magbabago at magkakaroon ng saysay ang iyong buhay. Sa gayon, masasabi mong tunay na may Diyos, at siya'y kapiling mo sa bawat araw ng iyong buhay.

Panginoon, kapiling ka namin sa bawat araw. Sa aming pagdiriwang ng Pasko, maunawaan nawa namin na ikaw ay patuloy na sumasaamin, kapiling at gabay. Maligayang Karaawan sa iyo! Amen.


Monday, January 9, 2012

We are the Baptized!

January 09, 2012
FEAST OF THE LORD'S BAPTISM
Is 42,1-4.6-7 . Ac 10,34-38
Mk 1,17-11
========== 

October 28, 1990. I always look back to the day I was baptized, the very special day  when I was called from nothingness into being, from being a child of sin into being a child of God. Though I fall and break my soul bigtime, I would still go back to this day to remind myself,  I am baptized! I have a Holy Mission! I must not depart from it, no matter how unworthy I am.


Today, while some of us remember the Transfer of the Image of the Black Nazarene from Intramuros to Quiapo in Manila, the whole Church remembers that day when Jesus begins his earthly ministry. He draws through the Jordan River to be baptized, and with this to recognize the redemptive mission he is going to bear for each one of us. He is baptized by John the precursor, and from the heavens a dove hovered over him. A voice is heard, You are my beloved Son; in You am I well-pleased.

John recognizes him as Somebody greater than I; I am not even worthy to untie the thongs of his sandals. He who is great draws nearer to his creation to live with them, to manifest himself through them. He who rules over the waters and the skies wills to be baptized through these powerful elements. He who is spirit and truth is hovered over by a dove. He who is the Son of Man is declared by the powerful voice as God's beloved Son.

The Baptism of Jesus marks the beginning of his service of redemption to the nations. Through this holy initiation, Jesus in turn begins to baptize ... in Holy Spirit. This is through his teachings, healing and miracles. He worked, preached and prayed, and through these he invited the lesser ones to believe in God's providence, while he contradicted the earthly values of the pharisees, scribes and elders. 

But is this the culmination of His mission? No! Jesus came into the fulfillment of his ministry when he carried the Cross and Died and Resurrected! Through this, we are also called to turn from our earthly ways and on to life with God. He was baptized in water and blood, so that we may also be born from death to new life in him.

We draw the Christmas Season to an end today. We realize that we do not end with Jesus staying as an infant; we see him today as a full-grown adult, at the onset of his mission, and fresh for the proclamation. From his birth in a manger, we now see him prepared to draw others to his Heavenly Father. As the shepherds and Wise ones worshiped him in his humble stature, now he calls the people of every age and place to place their trust in God and in Him.

As for us, we ask ourselves, We who are also baptized in the Faith, do we live ourselves as such? Let us examine ourselves if we live everyday in the statutes of the Church and in the decrees of God. Are we willing to offer much, if not all, of our lives for the sake of others? Can we truly consider ourselves as Christians and Children of God in word and deed?

We are truly the Baptized! Like Jesus who was baptized today as he begins his ministry of love and sacrifice, let us also be reminded of our own baptisms in the Name of the Father, the Son and the Holy Spirit. As we are reminded, let us truly live by it and for it!

Sunday, January 8, 2012

ANG TUNAY NA DIWA NG PASKO: Nagpakita ngayon!

Enero 08, 2012
DAKILANG KAPISTAHAN NG EPIPANYA
Dies Pro Negritis
Is 60,1-6  . Efe 2-3a.5-6
Mt 2,1-12
===

Noong Pasko, marami akong natanggap na regalo. T-shirt, pabango, canister, libro, coin purse, speaker para sa laptop. Kung tutuusin, parang may kakaibang powers ang mga taong nagbigay sa akin ng mga regalo dahil pawang kinakailagan ko ang mga ito. Palagi akong umaalis, kaya kailangan ng mga T-shirt para di madaling maluma ang mga luma ko na ring T-shirt. Hindi naman ako palaging nagpapabango ngunit malamang ay imbitasyon na iyon upang bigyang-pansin naman ang aking sarili. Pinamigay ko ang aking lumang coin purse, ngunit may isa pang dumating at pumalit samantalang di ko naman sinasabi iyon sa iba.

Mga regalo. Mga biyaya. Madalas na pinagkakaabalahan, pinaghahandaan at pinagkakagastusan. Ang primero intencion ay upang mapasaya ang kapwa, at masiyahan sa anumang maibibigay natin. Pero sa kaabalahan natin at pagkapagod sa nagdaang mga pagdiriwang, nakita ba natin sa ating puso ang tunay na diwa ng Pasko?

Nasa regalo? Wala!

Nasa mga party? Wala!

Nasa mga kaliwa't-kanang paputok? Wala rin!

Sabi ng sekular na media, ang pagbibigayan at pagpapatawaran ang tunay na diwa ng Pasko... Kaso mababaw lang iyun. Ito ay mga bunga lamang na magmumula sa ating pagkakilala sa tunay na diwa ng Pasko!

Eh nasaan nga ba ang tunay na Diwa ng Pasko?

Narito sa isang batang isinilang sa sabsaban sa gabing mapanglaw na pinaliwanagan ng kaningningan ng tala at sinaliwan ng papuri ng mga Anghel. Siya nga ang tunay na diwa ng Pasko! Siya na kinilala ng mundo bilang kanyang tagapagligtas ay ating pinagpipitagan ngayon, minamahal at tinatanggap bilang siyang Daan, Katotohanan at Buhay!

Si Hesus ay inaalala natin sa araw na ito bilang batang dinalaw at sinamba ng mga Pantas buhat sa ibayo. Sila ay mga marurunong na tao na nagmula sa malayong lugar, sumasamba sa mga anito at diyus-diyosan at sumasampalataya sa kapangyarihan ng kulam at astrolohiya. Malamang ay di sila magkakasama sa simula ng paglalakbay subalit sa isang punto ay nagkasama-sama, upang tuparin ang iisang misyon: Nasaan ang isinilang na Mesiyas? Nakita namin ang kanyang tala sa silangan at narito kami upang sumamba!

Si Hesus ay inaalala natin sa araw na ito bilang batang inalayan ng handog ng mga Pantas: ginto, kamanyang at mira. Ang mga handog na ito ay tanda ng pagkakilala sa pagiging Hari, Pari at Magdurusang Tagapagligtas ng Panginoong bagong-silang. Animo'y alam ng mga Mago na ang batang kanilang dinalaw ay may isang dakilang misyon na tutuparin, iyan ay ang iligtas ang sangkatauhan mula sa walang-hanggang parusa.

Hindi ito kailangan ni Hesus sapagkat sadyang napakabata pa upang gamitin ang mga ito, subalit ito ay may ibang pakahulugan. Nagpapahiwatig ito na ang bata na tinalikuran ng mga Hudyo (sa pagkatao ni Haring Herodes) ay kinikilala at pinaglilingkuran ng mga Hentil (sa pagkatao ng mga Pantas)! Ito ay isang bagay na binigyang kasukdulan sa kanyang kamatayan sa Krus na kung saan ay inudyukan ng mga Punong Pari ang bayan upang ipapatay siya matapos ng lahat ng milagrong kanyang ginawa, at di-naglaon ay kumalat sa iba't-ibang lugar sa daigdig ang Ebanghelyo, na tinanggap at niyakap ng mga taong nakapakinig rito hanggang sa nakaabot sa ating kultura at estado sa lipunan.

SI HESUS NGA ANG TUNAY NA DIWA NG PASKO! Siya ang pinakamahalagang regalo na nagbuhat sa Diyos para sa atin. Nang dahil sa kanya tayo ay nagkaroon ng dahilan upang magdiwang at magsaya, magbigay ng regalo at magpatawad sa pagkakamali ng iba. Madalas naipagpapalit natin siya sa ibang materyal na bagay, subalit di nga ba't lahat ng ito ay dahil ipinakilala niya ang tunay na pakikipamuhay sa piling ng Diyos?

Nagpapakilala si Hesus sa bawat isa sa atin, di lamang sa Pasko, kundi sa araw-araw. Sa mga pagsubok at tagumpay, sa iyak at tawa, sa mga taong malapit sa atin, at sa pagkakataong akala natin ay wala nang susuporta sa atin. Nagpapakilala siya at kasama natin siya sa araw-araw. Samantalang nagiging abala tayo sa mga bagay na walang-kabuluhan, nasubukan na ba nating tumahimik kahit sandali at pagnilayan ang pagpapakilalang ito ni Hesus?

Sa Martes, babalik na tayo sa Karaniwang Panahon, ang panahong ang Simbahan ay nagninilay sa buhay at ministeryo ni Hesus. Samantalahin natin ang panahon. Kung hindi natin siya nasumpungan sa Pasko dahil sa ating pagka-abala, subukan nating kilalanin siya sa loob ng panahong tahimik at walang masyadong pagdiriwang. Sa patuloy na pagpapakilala sa atin ni Hesus, makita na sana natin siya, hindi na bilang isang batang nasa sabsaban, kundi bilang isang taong inilaan ang lahat sa kanyang buhay upang tayo'y mailigtas. Makita nga sana natin siya bilang isang biyaya sa ating buhay, nang sa gayon ay mapaglaanan rin natin siya ng lahat, at maipagkaloob niya sa atin ang lahat!

Sunday, January 1, 2012

BAGONG PAGSISIMULA...
(Ur Dose First Anniversary Post)


Enero 01, 2012
DAKILANG KAPISTAHAN NI SANTA MARIA, INA NG DIYOS
Ikawalong Araw o Oktaba ng Pasko ng Pagsilang
Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan
Bl 6,22-27  . Gal 4,4-7
Lc 2,16-21
===


Bagong taon na naman.


Sa ating paglingon sa nakalipas na taon, makikita natin ang ating sarili na batbat ng pagod, stress at sugat dala ng di-mabilang na mga bagyo, pagsubok at pagkadapang pinagdaanan ng bawat isa sa atin. Pumapasok tayo sa pintuan ng panibagong taon na puno ng panibagong pag-asa na magiging mapagpala ang taong ito para sa atin.

Ano nga ba ang maaasahan natin sa Bagong Taon na ito? Bagong bahay ba? Mas magandang trabaho at sweldo? Bagong committment? Ikakasal ka na ba? Magkakaanak? Magiging mas famoso sa pagsulat ng reflection sa blog? gagraduate ka na ba? O mas maganda, MAMAMATAY KA NA BA SA TAONG 2012? 

Anuman ang ating kahinatnan, dalawang bagay ang nagpapahiwatig ng katotohanan sa pagpasok ng bagong taon. Una, lahat tayo ay tatanda at magtatanda. Ikalawa, may dahilan ang lahat ng ating pagdadaanan at pinagdadaanan. Saanman natin ipagpalagay ang ating sitwasyon, itong dalawang mahalagang bagay ang nagpapakitang totoo at palasak sa lahat ng bagay na pinagsisimulan natin. Niloloob ng Diyos ang lahat ng bagay, at sa pagpasok ng 2012, di rin nga ba totoo na ang lahat ng ating pagdadaanan sa loob ng 12 buwan at 366 araw ay naka-ayon na sa kalooban ng Panginoon?

Naka-ayon na nga ito sa kalooban ng Panginoon, ngunit kailangang alam natin kung paano aatakihin ang isang sitwasyon, na ayon rin naman sa atas at tagubilin ng Panginoong Hesus at ng Inang Simbahan. Mahalaga higit sa lahat na nakikita natin ang bawat pangyayari ayon sa kalooban ng Diyos at alam nating ganapin ang ating mga dapat gawin ayon sa atas ng Panginoon sa bawat isa sa atin. 

Dito pumapasok ang di-mabilang na mga huwaran na ipinapakilala sa atin ng Simbahan, upang magsilbing ating mga inspirasyon sa gawaing mabuti. Sila ang mga taong banal na na-master na ang pagkilala sa kalooban ng Diyos at paggawa ayon rito sa kanilang salita at gawa.

Sa pagakataong ito, ipinagkakaloob sa atin ng Simbahan ang walang dili't iba kundi si Inang Maria upang magsilbing patnubay sa panibagong taon. Sa halimbawang pinapakita sa ating Ebanghelyo ngayon, makikita natin ang larawan ni Maria na tahimik na nagninilay sa mga hiwagang nangyayari sa kanyang paligid. Sa kanyang puso dahan-dahan niyang pinagbubulay-bulay ang kalooban ng Panginoon na nangyayari sa kanya.

Tulad ni Maria, tayo rin naman ay tinatawagan na pagnilayan sa katahimikan ng ating puso ang kalooban ng Diyos sa ating buhay. Kahit na tayo'y nakapaloob na sa panahon ng modernong sistema, nandito pa rin ang Diyos at nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng iba't-ibang pangyayari na nagaganap sa araw-araw nating buhay.

Pinapakinggan nga ba natin ang kanyang tinig? Di nga ba siguro kaya may Bagong Taon na dumarating ay dahil patuloy tayong tinatawagan ng Diyos na pakinggan ang tinig niya?

Tularan nga natin si Inang Maria sa ating pagsaliksik sa plano ng Diyos sa ating buhay. Kasingtindi man ito ng bagyo, o kasinglinaw ng mga tagumpay, huwag tayong manhinawang tignan sa mga mata ni Maria ang dakilang  kalooban ng Maykapal sa isang panibagong taon ng pagpapala at biyaya.

Bagong Taon na naman. Panahon ng bagong pagsisimula. Simulan nga natin ito kasama si Inang Maria!

MANIGONG BAGONG TAON, KAPATID!
at
HAPPY FIRST ANNIVERSARY, UR DOSE!

Friday, December 30, 2011

HOLY IN ALL SIMPLICITY... That's the Family!

Dec. 30, 2011
FEAST OF THE HOLY FAMILY: JESUS, MARY AND JOSEPH
Gn 15,1-6.21,1-3  or Hb 11,8.11-12.17-19
Lk 2,22-40
===

This day is usually celebrated in the Philippines as Rizal Day, the day when the great Philippine patriot died a martyr's death for the independence of our country. Call him a masonic heretic or whatever, we can still examine his early life as a Catholic and see that he grew a really splendid childhood in the guidance of his parents, Don Francisco Rizal and Doña Teodora Alonso. From the basic Latin Catholic prayers under his mother's tutelage to the first schooling in Biñan upon his father's decision, we can see Jose grow in Christian and scholastic wisdom thanks to the help of his parents. Perhaps without Teodora and Francisco, we could never have the great man in history as Dr. Jose Protacio Rizal.

As we ponder much on the nationalism brought about by this day, we also look on our faith and see that we are also celebrating the Feast of Jesus, Mary and Joseph, the humble and simple, yet sanctified Family of Nazareth. The three main characters of this family show how God chose to save the human race, that is through the basic unit of society, the family. Beyond the usual glam and pomp of families and clans of the old ages and even of the present era, especially those of 'royal' lineage, we see these three people in all their simplicity: Joseph the silent carpenter, Mary the hardwoking mother, and Jesus the one subject to their guidance on Earth. Nothing can be seen in them as special, except the fact that they work and pray in God's favor.

The Gospel episode for today, the last Friday of 2011, revolves on the presentation of the infant Jesus to the temple. In order to fulfill the demands of the law, Jesus' parents took him to the Temple in Jerusalem to be presented to God, along with their sacrifices so that Mary may be purified in the sight of the Jews. As we may hear, it is the custom that every male which opens the womb is to be consecrated to the Lord. This is one important event in the life of the Jewish family, and we can imagine the immense joy that a couple has in offering the firstborn male as a sign of gratitude to God who created them and gave them everything they need.

He who is God-made-flesh is presented to God, in order to confirm his saving mission which he had from the moment of birth. Mary who is ever-virgin is cleansed in the sight of the law, confirming the maternal mission entrusted to her of taking care of her Son who is Emmanuel. Joseph, as we may realize, is silent in this episode, as in the other Gospel accounts; he is the one who carefully ponders in his heart the wonder of God which is taking place in his wife and son. Through this, Joseph himself is becoming sanctified with God's wonders.

What's more in this episode? We see two witnesses confirming the child's saving mission in the years to come. Simeon the old man who cradled Jesus in his arms and proclaimed, Now Lord, you may take your servant! My own eyes have seen the salvation you prepared for us!  Anna who also came in that  moment telling the passers-by that the salvation has come. It is clear to these two Jews, as we hope we do know, that this family has something special to do for our sake: Jesus, the destined for the fall and rise of many in Israel, Mary, whose heart shall be pierced with a sword, and Joseph the silent witness and guardian of the Holy Mother and Child.

Though they appear to us a simple and humble people, they still have a special role in our salvation. In order for Jesus to fulfill his saving act, he must first undergo the tutelage of his parents. Without their guidance, Jesus would never grow up as we know him. He would grow radical, not as a holy man but rather as a barbaric person. We may not even know Jesus at all! 

See, Joseph and Mary has much to do to make Jesus who he is. As parents, they had the hard role of molding him and making him a worthy person and favorable in the eyes of God. Parents as they are, they fulfilled their prime responsibility, and of this they are venerated and acclaimed.

Look at our families today, and ask ourselves: As parents, do we still guide our children to the right path of life? As children, do we still show respect to our parents? As a family, do we still work and pray and guide each other so that we can still consider ourselves as a family God wants us to be?

As we draw the year 2011 to a close, this may be a proper call for all families to reflect on the wonder of the Holy Family of Nazareth. Simple as they are, they still showed their  great participation in God's plan of salvation. This may also be our challenge in the coming New Year and everyday, that we grow within our family the everlasting love of God. Let us never be afraid to proclaim to the world that our families are also favored by God in work, prayer, and love for LIFE and one another.


Sunday, December 25, 2011

Pasko: Hirap tungo sa Luwalhati!

Dis. 25, 2011
PASKO NG PAGSILANG NG PANGINOONG HESUKRISTO
Misa sa Hatinggabi:
Is 9,1-6  . Ti 2,11-14
Lc 2,1-14
Misa sa Maghapon:
Is 52,7-10 . Heb 1,1-6
Jn 1,1-18
===


Verbum caro factum est, et  habitavit in nobis!

Kakaiba ang indayog ng mundo ngayon. Malamig ang hangin, madilim sa labas, nang biglang sumilay ang liwanag mula sa isang pakainan ng mga hayop.

Mula rito'y may isang sanggol na sumilang. Mahirap ang gabing iyon. Walang magpatuloy sa kanyang mga magulang sa bahay sa paligid. Walang makakasilay sa kanyang mga unang  sandali kundi ang hamak na asno, tupa at baka lamang. 

Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay nagkaroon ng di-magkandahulilip na kaligayahan sa buong mundo. Sa madilim na langit ay suminag ang isang malaki at maninging na bituin. Sa ihip ng hangin ay lumilipad ang koro ng mga Anghel na nagsisiaiwitan ng mga papuri ng Diyos. At doon sa pakainan ng mga hayop ay nagisnan ng mga magulang ng sanggol ang isang banayad na kapangyarihan na nagmula sa sanggol na bagong silang.

Hindi lang naman kasi siya isang ordinaryong sanggol. Siya ang Anak ng makapangyarihang Diyos. Siya ang katuparan ng lahat ng mga propesiya at ng mga batas. Siya ang manunubos at tunay na tagapagligtas ng sangkatauhan. Siya ang Emmanuel - ang Diyos na sumasaatin!

Sa abang kahirapan, nakikita at  nasasaksihan ng isang tao ang kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos. Imbis na sa kadakilaan masilayan ng sanggol na ito ang unang mga sandali ng buhay, pinili niyang sa sabsaban lamang unang marinig ng mundo ang kanyang uha. Imbis na magagarang gamit at damit ang ipambalot sa kanya, ay hamak na basahang-lampin lamang ang mas ninais niyang ipambalot sa kanya. Maaari namang mayayaman ang unang maglingkod sa kanya, subalit mga hamak na pastol ang unang nakakita at  nakasumpong sa kanyang mapagmahal na mukha.

Bakit?

Dahil nais niyang maramdaman ang hirap ng ating abang buhay. Upang maunawaan niyang lubos ang pangangailangan ng tao. Nang sa gayon ay maitindihan natin ang pagmamahal ng Diyos na hindi sinukat ang ating kaabahan bagkus ay mas pinili pang yakapin ito at isabuhay ng buong-buo.

Ito ang Pasko: Ang salita ay nagkatawang-tao at nanahan sa piling natin! Pinili niyang tanggapin sa unang Pasko ang hirap ng pagiging isang tao, upang sa makalawang Pasko ay maipakita naman niya sa atin ang kanyang mapanligtas na kapangyarihan. Mula sa buhay na hamak ay tinanggap ng Sanggol na ito ang dakilang atas na ialay ang buhay para sa ating kaligtasan. Mula sa ating pagkasadlak ay nakikita natin ang Sanggol na ito na lumaki, naging marunong at di-naglaon ay iniligtas tayo sa pamamagitan ng krus at kamatayan.

May mga nag-iisip sa atin na ang Pasko ay para sa mga mayayaman lamang, na hindi kailan man naipadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal, na siya ay hanggang salita lamang.

Subalit ito nga ang hamon ng Pasko: Sa gitna ng rangya ng makabagong mundo, silayan natin ang isang sanggol sa gabing mahimbing na ubod ng hirap, dahil dito sa gitna ng kahirapang ito, masisilayan natin ang isang Diyos na mas piniling maging kaisa natin sa kahirapan upang maiahon tayo mula sa sabsaban ng paghihirap tungo sa liwanag ng buhay na walang hanggan!


MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!
Mula sa Ur Dose

Saturday, January 8, 2011

BINYAGAN NA YAN!!!

January 09, 2011
FEAST OF THE LORD'S BAPTISM
Is 42,1-4.6-7 . Ac 10,34-38
Mt 3,13-17

==========

Kapag nakita mo si bestfriend na may suot-suot na bagong sapatos o damit, at sinabi niya sa iyo, "Oi, best! Tignan mo ang bago kong sapatos!" Ano ang sasabihin mo? Di ba, "Bago ba yan? E di binyagan na yan!" sabay apak sa sapatos? Ganyan ang pagtingin natin sa halos lahat ng mga bagong bagay na nagkakaroon tayo. Kapag ginulo o binarubal ng kasama natin, o kapag namantsahan, o anuman ang mangyari doon, turing natin ay "nabinyagan" ang bagay na iyun. Tama ba?

Ganyan rin sa mga fraternity o sorority, may initiation. Bago ka makapasok sa grupo, padadaanin ka nila sa mga pagsubok para malaman kung hanggang saan ka matatag. Yan ang binyag sa kanila.

Sa maniwala tayo o sa hindi, nang tayo ay isinilang sa mundo, makalipas ng ilang buwan, ay nag-isip rin ang ating mga magulang ng kung ano ang unang gagawin sa atin bilang mga sanggol. At isa lang ang nasa isip nila... Binyagan na 'yang batang yan!
 
Anuman ang bagay na meron tayo, basta bago, binibinyagan natin... pinapaliguan, dinudumihan, inaapakan, binibigyan ng pagsubok, kahit ano ginagawa natin para maturing na 'binyagan' ang isang bagay o ang isang tao.

Sabi nga nila, sa binyag nagsisimula ang buhay ng isang nilalang. Ang simpleng panganganak, o ang pagsulpot sa lupa ng isang munting dahon ay hudyat na ang isang nilalang ay bininyagan na sa mundo, nagsisimula ang kanyang buhay. Ganyang kahalaga sa atin ang salitang "binyag"; kasingkahulugan nito ay ang salitang 'pasimula.'

Sa Simbahan, ay mas malalim ang kahulugan ng salitang 'Binyag.' Sa totoo nga lang, ito ay isa sa mga pitong sakramento ng Simbahan. Sa pagbuhos ng tubig sa sanggol o sa taong bibinyagan, ay nagsisimula ang kanyang panibagong katauhan. Wala na ang lumang pagkatao, siya ay nagiging isang Alter Christus. Isa na siyang tunay na anak ng Diyos at kapatid ni Hesus. Ganyan kahalaga sa ating mga Kristiyano ang Binyag. Ito ang nagpapasimula sa ating buhay na kasama ang Diyos.

Pasimula. Ito rin ang nasa isip ni Hesus nang siya ay magpabinyag sa Ilog ng Jordan kay Juan. Sa kanyang paglublob sa tubig, nagsisimula ang kanyang paghayag ng Ebanghelyo sa lahat. Dito nagsimula ang kanyang ministry. In short, dito nagsimula ang lahat!

Sa totoo lang, hindi na dapat nagpabinyag si Hesus, pero bakit niya ginawa ito? Ayaw nga siyang binyagan ni Juan Bautista, eh! Gusto ni Juan, siya ang binyagan, hindi magbinyag.

Pero ano ang sabi ni Hesus? Gawin na natin ito, dahil ito ang nararapat. Tinatanggap ni Hesus ang realidad na siya ang Anak ng Diyos, at para umpisahan ito, dapat siyang magpabinyag. Para kay Hesus, siya man ay dapat ring dumaan sa prosesong pinagdaanan ng karamihan sa Israel na nakinig sa tinig ni Juan.

At hindi nagkamali si Hesus! Pagkatapos siyang binyagan, ay bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyong kalapati. At isang tinig ang narinig mula sa Langit, Ito ang aking Anak na lubos kong kinalulugdan. Tinatakan ng Langit ang pagpapasimula ni Hesus. At dahil dito, ay maaari na niyang umpisahan ang paglilibot sa buong Judea para magpahayag. 

Pero Stage One pa lang pala ito! Antabayanan ang Stage Two...sa Unang Linggo ng Kuwaresma.

Mabalik tayo sa pasimula. Tandaan natin na tulad ni Hesus nang siya'y binyagan, tayo man ay nagpapasimula ng ating buhay bilang Anak ng Diyos noong tayo naman ang binyagan. Isa itong malaking biyaya mula sa Panginoon. Tinatakan ng Diyos ang ating pamumuhay. Tayo ay hindi na mga nilalang ng kasalanan, tayo ay mga iniligtas! At lahat ng ito ay nagsimula noong tayo ay binyagan.

Ang binyag ay isang pasimula. Huwag sanang manatiling simula ang lahat. Matatanda na tayo, at nalalaman na natin ang mga tama o mali sa ating pananampalataya. Atin itong isabuhay. Ating ikarangal na minsan sa buhay natin, ay sinabihan tayo ng ating mga magulang, Binyagan na yan! dahil diyan nagsimula ang isang panibagong yugto ng ating buhay.

O, bago ba ang sapatos mo? BINYAGAN NA YAN!!!

Sunday, January 2, 2011

SEARCHING...

January 02, 2011
SOLEMNITY OF THE LORD'S EPIPHANY
Is 60,1-6 . Eph 3,2-3a.5-6
Mt 2,1-12
==========

I remember that day last year when I lost my cellphone. When I slept the night before, it is still there in my bed. I know that it is secure there, since no stranger enters my room without my permission. In fact, its alarm have still rung by 5:00 am.

But everything turned the other way around. When I woke up by 8:30 am, the cellphone is not there anymore! I've searched for it everywhere in my room, even under my bed, but it is REALLY not there. Finally, I gave up, knowing that I could not find it anymore. Now, I'm suffering the consequences of a lost cellphone...

...good thing there is facebook! 

This is our reality, guys. Whenever we lost something, we search for it. We look for that one guy or girl who would "complete: us; others search-in just to find out if they are "called" to service of the Church.

This is our life. It is a continuous search for the ultimate goal. Day in and day out, we search for that goal in the things that we do, in the company of family, friends, and even in ourselves. Some succeed in their look-out, while others do not. We are all desperate to find that special something that would complete us. 

This is the quest of the Three Wise Men. Being sages of their own culture, they know that somebody greater than them is born. And with that, knowing that their calculations won't take them wrongly, they wandered along the vast desert to search for Him. 

They reached Jerusalem, but they did not find him there; instead, they were accepted with false entertainment from Herod, who at the time is king in Jerusalem. He was frightened that this child may overthrow him (The same reason why we celebrate the Feast of the Holy Innocents).

They proceeded towards Bethlehem, and with them is a guide, a star, which led them to the child. And upon seeing him, they gave him the renowned gifts of gold, frankincense and myrrh.

We look deeply into this and see this reality: we are like the Wise Men! We search all our lives for what would make us happy and contented in life. Some look for it in riches, others in company of friends.Some in sexual pleasures, leaving few in desperation.

But guys! Here is happiness! It is in the infant born in Bethlehem! It is in the crucified in Golgotha! The Jews rejected him, but the gentiles accepted him with profound dignity. For all of us, Jesus appears today and everyday as guide, as rabbi. He is the key to eternal happiness. And those who find him will be sure to have found that ultimate happiness and contentment. Those who find him would offer not only gold, frankincense or myrrh, but most of all, they would offer the gift of their lives.

More than everything we've been searching for in this world of exile, Jesus completes us, our identity. This is because He is Emmanuel! God is with us! We could continue searching for something that can make us happy in this world, but remember this, WE CAN NEVER BE HAPPY WITHOUT CHRIST IN OUR LIVES.

Let's continue with our search. But I pray that at the end of this search, may we find the true treasure, the real contentment and happiness that we may experience. May we find Christ!

Saturday, January 1, 2011

LET'S BEGIN THE NEW YEAR WITH MARY!

January 01, 2011
SOLEMNITY OF MARY, MOTHER OF GOD
New Year's Day
World Peace Day
Nm 6,22-27 . Gal 4,4-7
Lk 2,16-21
==========

Perhaps, the most anticipated and most prepared-for day of the year is when we welcome it on January 01. The excitement to start anew with a smile on our lips and hope in our hearts motivates us to begin another year full of graces and challenges alike. So before I begin this reflection, let me greet you a very peaceful and prosperous 2011 ahead for you, and your family and friends.

Well, let me ask you. How did you start your New Year? With the company of family and friends? In the revelry of fireworks and bottomless food and drinks? Did you spend the whole night jumping, or eating the twelve fruits on the table? Did you find time to give your parents and family a hug? Did you begin it by making a sign of the Cross and a little prayer before everything else? How did you begin the New Year?

We all have our different strategies in welcoming the New Year. Nevertheless, we start this year anew and leave the old one in the grace of God. With Mary, His Mother, we invoke His grace for us to have true peace in the world for the year to come.  


Anno Domini 2011...

Well, as we know of it, today is not the beginning of the year in our Liturgical Calendar; our New Year began on the First Sunday of Advent, that was Nov. 28, 2010. Still, the Church, through Pope Gregory XIII in 1582, recognized this day, January 1 of each passing year, as the beginning of the Civil Year. In fact, the calendar which we are using today is known as the Gregorian Calendar, named after his honor.

We also hear of the Roman god Janus. Being the two-headed god of beginnings and endings, he is regarded as the Roman god of time. His two faces look in two opposite directions, like one face is taking a glimpse of the past, the other heading towards the future. He serves as everybody's example in going on with each passing year; leaving the old one and moving on with the new. That's also the reason why the first month is called January.


Well, I've mentioned Mary in the beginning of this reflection. Today is also a very special day offered in her honor. Aside from the start of a New Year, we also celebrate today the Solemnity of Mary, the Mother of God. We look on today's Gospel passage and read thus,

Mary had kept all these things, reflecting on them in her heart.

Through the council held at Ephesus, the whole Church acclaims Mary as the Theotokos, the God-bearer, who bore Him in her womb for nine months, and gave birth to him on the lonely night, witnessed by the shepherds. Through this, the Savior, the Emmanuel was brought to being in this world, being one with us on all things but not sin.

When we speak of Mary as the Mother of God, we speak of Mary as the Mother who gave birth to Jesus the God-made-man. She who had been conceived without sin, she who gave her fiat to the archangel has all the right to be made known as the Mother of God. As St. Cyril of Alexandria said, "For if our Lord Jesus Christ is God, how is the holy Virgin who gave (Him) birth, not (Theotokos)?" 

But though she is experiencing quite acclaim in our times, we look at her and see her reflect on all these things. She took all these in her heart and pondered from it. Never taking everything for granted, never boasting whatever grace she received from God. She just sits on a corner, and meditate on the wondrous events deep within her heart.She is truly an example of a humble and caring mother who would always do everything for her child; a Mother who always reflects on the wonders of God to man.

But Mary is our Mother too! She always looks after our care and guides us in our every endeavor in life. Maybe, another reason why this day is dedicated to Mary is because we entrust our whole year to her Motherly Protection. We know that she would never let us down, and leave us whenever we are down. Her care was tried-and-tested by God (through Jesus) and man (through St. Joseph). And so, the whole year would be sure to be a year of graces and blessings if we entrust it to her guidance.


As we start the Year 2011, we continually ask the Lord that whatever joy we felt as we welcomed the New Year would extend to the next 364 days. We pray to Mary, the Theotokos, that we may be an instrument of peace to others. We start the year by entrusting it to her care, knowing that as she gave birth and cared for the Son of God in the flesh, she would also take care of our frail beings, and lead us to her son, Jesus.

So, let me ask you again? How did you begin your New Year? It would simply be better if we begin it with the things that would guide and form us to become a holy and new person. I have a good suggestion. LET'S BEGIN THE NEW YEAR WITH MARY! 

Happy New Year 2011!