Showing posts with label Easter. Show all posts
Showing posts with label Easter. Show all posts

Sunday, April 14, 2013

DO YOU LOVE ME?


April 13, 2013
THIRD WEEK OF EASTER
John 21, 1-19

Meme courtesy of Magnilay Tayo
The apparition of Jesus in today's Gospel passage is the last to be told in John's account. It happened just while the apostles are fishing along the sea of Tiberias, trying to go back to their lives after Jesus' death and resurrection. For some of them, it is an encounter of joy for they saw Jesus again, but for Peter  it is an encounter full of memories and destiny.

DOMINUS EST!

John recognizes the one who commanded them to cast the net on the right side of the boat, catching a great number of fish. Full of joy, John said to Peter, It is the Lord! It is He who cured the sick, drove away demons, raised Lazarus to life, and fed thousands during his ministry. It is he who was condemned by the authorities, yet raised to life and now lives forever and ever.

Upon hearing this, Simon Peter jumped into the sea, and swam towards Jesus. Overjoyed, he waited on the Lord during that glorious morning which would change his life forever. He had the best conversation of his life, one which would shape his destiny as head of the Church which Jesus founded.

Do you love me?

Jesus asked Peter thrice if he loves Him. It may be a simple question repeated three times, which could be answered by anyone, but for Peter, it opened a part of his painful past. It reminded him of that morning when his Lord was beaten and questioned by the authorities, the morning when he denied Jesus thrice before the cock crowed. Hindi naman sa nakulitan, but it really made Peter a little sad. For him to be questioned by his Master, it's like saying to him, akala mo nakalimutan ko?

At that decisive moment, Peter answered, Yes, Lord! You know all things; You know that I love You.  Peter knew that what was done was done, yet there will still be a chance to seek forgiveness and be united again. With his answer, it's like saying, Opo, alam kong di ninyo nalilimutan, ngunit alam kong pinatawad na ninyo ako.

Jesus replied, Feed my lambs. Tend my sheep. Feed my sheep. With this reply, Jesus turned Peter, from the fisherman to the Shepherd of His flock. He gave him the leadership of the Church which he founded upon the rock. Even if it takes his life, Peter would proceed and lead the Universal Church through its initial days. The memory of the denial was vanished; it was replaced by the glorious task of leading the faithful towards believing in God and in Jesus.

Come, follow me!

We are all like Peter. We try to live our own lives, yet God calls us for something more. We draw closer to Jesus, especially when we have problems and we know that He is there by the shore, waiting for us. We all denied Jesus in our sins and failures, yet he asks us all the more, Do you love me? We are tasked to love and take care of each other, as Jesus does for all of us.

The Lord asks us, Do you love me? How do we respond? Do we keep on running away? Do we try to hide ourselves? Do we say YES without even thinking what it means?  Do we offer our lives for Him and for the people saved by his blood?

Jesus waits by the shore. He asks us, Do you love Me? What will be our answer?

Sunday, April 7, 2013

MAY AWA ANG DIYOS!


Abril 07, 2013
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Divine Mercy Sunday
Ac 2,42-47 . 1Pt 1,3-9
Jn 20,19-31
===

Malapit na sa isang taon buhat noong unang beses akong makaakyat ng Manaoag upang magradyo. Sa bawat pagkakataon na nakakaakyat ako roon upang dalawin ang Mahal na Birhen, lalo akong nagkakaroon ng sigla na magpatuloy sa aking ministeryo Kahit na ang katumbas nito ay matinding pagod dahil manggagaling ako sa trabaho bago umalis, walang hihigit sa pagdulog sa dambana ng Mahal na Ina na tumatawag.

Hinding-hindi ko malilimutan yung mga pangyayari bago ang una kong sabak sa U-Speak. Bago akong graduate noon, at alam ko na mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, subalit wala pang dalawang linggo pagkatapos ng aking graduation ay may isang kumpanya na tumanggap sa akin upang maging English Instructor. Ang nakakapagtaka pa, nangyari ito dalawang araw bago ako umakyat sa Manaoag. Sabi ko noon, Ang Diyos talaga ang gumagawa ng paraan. May awa talaga siya sa mga nagtitiwala sa kanya. Nakikinig siya sa mga makasalanang tulad natin upang sa gayon ay lalo natin siyang mapapurihan at maibahagi natin ang kanyang salita sa iba.

Awa. Sa ating pagdiriwang ngayon ng Linggo ng Mabathalang Awa, ito ang namamayaning salita. Karamihan sa atin ay deboto ng Divine Mercy sa maraming mga dahilan. May mga gumaling matapos magdasal ng chaplet, o di kaya'y dumalaw sa National Shrine sa Marilao noong Mahal na Araw bilang panata. Kung pag-iisahin natin ang sari-saring mga dahilan, makikita natin ang pangungusap na, May awa ang Diyos.

Sa kanyang pagpapakita sa mga takot na alagad, ang kanyang bati ay Sumainyo ang kapayapaan! Halata pa rin sa kanila na hindi nila alam kung ano ang gagawin ni paniniwalaan; kahit si Tomas na nagpupumilit na bumalik sa dating pamumuhay ay di-naniwala nang ibalita sa kanyang Muling Nabuhay si Hesus. Ngunit ang muling pagharap ni Hesus sa kanila ay nagbalik ng pananampalataya at sigasig sa kanilang puso na nanlamig. Ang awa niya ang siyang nagpatatag sa kanila upang ipakilala si Hesus hanggang sa dulo ng daigdig.

May Awa ang Diyos.

Totoo, may awa ang Diyos, kasi kung wala siyang awa, malamang di na dumating sa daigdig si Hesus upang iligtas tayo. Sa kamatayan niya sa Krus mababanaagan natin ang dakilang pagmamahal at habag ng Diyos para sa ating mga makasalanan. Sa kanyang muling pagkabuhay makikita natin ang luwalhati ng Panginoon, naghahatid ng pag-asa at lakas ng loob sa lahat ng lumalapit sa kanya. Ang awa niya ay nagpapakilala sa atin ng Isang Diyos na hindi nagpaparusa, kundi nagn

anais na ilapit tayo sa kanya. Ang Awa ng Diyos ay naghahatid ng kapayapaan sa lahat ng mga lumalapit sa kanya kahit na di nila siya nakita.

Sa bawat sandali na titignan natin ang kanyang larawan, makikita natin ang dalawang sinag – isang pula at isang bughaw – mula sa kanyang puso. Ang puso niya na sinugatan ng sibat ang pinagmumulan ng lahat ng mga pagpapala na kailangan natin sa araw-araw, kung gagawin lamang natin ang naaayon sa kanyang kalooban. Ang puso niya na bukal ng biyaya ang siyang nagbibigay sa atin ng kalinga sa oras na namimighati o marami tayong problema.

May Awa ang Diyos.

Kahit na marami tayong mga ligalig sa buhay, may Diyos pa rin na nakikinig sa atin. Kahit na sinasabi nating walang nakakaunawa sa atin, may Panginoon na hindi nagdadalawang-isip na ilaan ang kanyang puso upang tayo ay magkaroon ng lakas upang magpatuloy. Kung magsusumikap lamang tayong ilapit ang ating mga makasalanang puso sa kanyang dagat ng awa, siguro ay walang-hanggang kapayapaan at buhay na ang ating mararanasan. Hindi na tayo magsusumikap magkasala, lalo pa tayong mag-aakay ng ating kapwa patungo sa kanya.

Ang Awa ng Diyos ay para sa ating lahat. Nag-aalinlangan pa rin ba tayong lumapit sa kanya? May takot pa rin ba sa ating puso kaya di natin mailapit ang ating sarili sa Diyos? Nagdududa nga ba tayo na nakikinig siya sa atin, na siya lamang ang makakapagligtas sa atin?

May awa ang Diyos. Nawa sa ating pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday, maalala nating nakikinig ang Diyos sa ating hinaing, na hindi niya tayo pinababayaan kahit kailan. Huwag tayong matakot na lumapit sa kanya. Manalig tayo.

O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang bukal ng awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo! Amen!

HESUS, KAMI'Y NANANALIG SA IYO!!!

Sunday, May 27, 2012

Make a change!

Mayo 27, 2012
DAKILANG KAPISTAHAN NG PENTECOSTES
Ang Pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay
Gw 2,1-11 . 1Cor 12:3b-7, 12-13
Jn 20,19-23
===




Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.

Make a change! Madalas na nating naririnig ang mga katagang ito sa mga TVC, mga nababasa sa draryo, mga naririnig sa radyo, at sa kung saan-saan pa. Tayo ay hinahamon na palitan na ang lumang nakasanayan, at ihalili dito ang mga bagong pananaw. Kapag daw tayo ay nagpalit ng ganito o lumipat sa ganyan, siguradong gaganda daw ang pamumuhay.

Ehem.

Matapos ang metikulosong pag-iisip, nagdesisyon tayong magbago. Pinili nating talikdan ang dating ginagamit na shampoo, juice, sabon, atbp. para sa isang bagong brand. Makikita nating kontento tayo dito, at lalo nating tatangkilikin ang produkto. 

Ehem.

Matapos ang malalim na pagninilay, nagdesisyon tayong humalal ng bagong at sariwang mga mukha sa eleksyon. Naisip natin na kung ang mga lumang politiko na naman ang iboboto, perwisyo na naman ang hatid natin sa ating bayan, kaya mga bagong mukha naman sa pag-asang mas masigasig silang maglingkod sa bayan. Menos na rin ang kurakot sa ating gobyerno.

Ehem.

Madalas tayong namimili sa mga bagay-bagay, at umaasa tayong sa mga bago at sariwa, mas magkakaroon tayo ng kaginhawaan. Habang ang iba ay nananatili sa lumang nakasanayan dahil dito sila mas kumportable, ang iba ay mas ninanais na subukan kung ano ang maibibigay ng isang bagay na bago sa paningin. Baka mas epektibo, baka mas matatag, baka mas tapat sa akin. Iniisip natin ang mga posibilidad.

At madalas nga, di tayo nagkakamali sa ating mga pinipili. Nakikita nating mas hiyang tayo sa bagong sabon o shampoo. Napapansin nating mas tapat si bagong konsehal kesa kay lumang Mayor.   Nakikita natin, higit, na tayo ay nagkakaroon ng mas pakinabang sa mga panibagong bagay na ating nagagamit o mga bagong tao sa pamunuan na ating nakikilala. Tuloy, nagkakaroon tayo ng tiwala sa bagong-tuklas na bagay o tao na nakakainigan natin sa lipunan.

Subalit hindi lahat ng bagay na bago sa paningin ay maganda ang hatid. Tayong mga Katoliko, halimbawa, ay pinipiling sumanib sa mga 'bagong' grupo na makakapaghatid sa atin, diumano, sa kaligtasan. Hindi natin nakikita ang panlolokong hatid nila at pagkapahamak sa ating kaluluwa, bagkus nakikita natin ang ganda nilang panlabas, at ang engganyo nilang sumali tayo sa kanilang 'mas' buhay na mga pagtitipon. Mas nakikita natin, minsan, ang panlabas na anyo, at hindi nakikita ang kawalan na nasa loob.

===

Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo! 

Bumaba ang Banal na Diwa sa mga Alagad sa mistikong tanghali ng Pentekostes, at dito nagsimula ang lahat. Pinangako ni Hesus na sila ay makakatanggap ng higit na kapangyarihang makapagsaksi sa pagpanaog ng Espiritu, at ito'y nagkagayon nga. Ito ang simula ng pagyabong ng isang Simbahan na sumasaksi sa kaligtasang dulot ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus.

Pwede namang hindi nila ayunan ito, balewalain o takasan, tulad ng ginawa noon ni Tomas. Pwede naman nilang piliin na bumalik sa dating pamumuhay, tulad ng nakasanayan nila. Subalit pinili nilang tahakin ang bagong landas na dumarating para sa kanila. Pinili nila ang sa tingin nila'y magdadala sa kanila sa bago - at ganap - na pananaw sa buhay; pinili nila ang ikaliligtas nila. Pinili nila ang isang bagay na, bago man sa pandinig, ay alam nilang maganda para sa kanilang mga kaluluwa.

At hindi nga sila nagkamali. Sa pagsaksi ng buong sangkatauhan (Unang Pagbasa), pumanaog ang Banal na Espiritu sa kanilang lahat, at nagsimulang magpahayag sa iba't-ibang wika. Kahit na ito'y magdadala ng mas mabilis na kamatayan para sa ilan sa kanila, hindi sila natakot dahil ito ay mula sa isang Diyos na pinagkakatiwalaan.

===

Bagong buhay ang hatid ng Espiritu Santo sa mga tumanggap sa kanya. Sa ating pag-anib sa binyag at pag-ayon sa misyon ni Kristo sa Kumpil, iniaalis natin sa ating sarili ang dating pagkatao, at tinatanggap sa ating sarili ang isang panibagong pagkatao.

Bagong pagkatao! Hindi ito ang isang buhay na may super powers, tulad ng mga Avengers, o ng ibang superheroes, bagkus, ito ay ang buhay na, mahirap man, ay nalalaman nating lagi nating kasama ang Panginoon sa bawat sandali. Isa itong pagkatao na tinatanggap ang hirap, at binabago ito upang maging isang tanda ng kaligtasan - ng Krus - sa mundong umuusig.

Bagong pagkatao! Iba ito sa tinatanggap na pamantayan ng mundo, na umaayon sa kanyang mga kapritso at layaw. Ito ay isang pagkatao na nagmamahal sa mga Salita ng Diyos at isinasabuhay ito. Sa kanya nababanaagan ang mga bunga ng Espiritu, at hindi siya natatakot na maging saksi ng Mabuting Balita, hanggang sa sandaling ibigay niya ang buhay niya para rito.

Make a change! Tayo ay hinahamon sa dakilang kapistahan ng Pentekostes na tumayo at lumayo mula sa dating pagkatao - pagkataong may kasalanan, bisyo at pagkamakasarili. Panahon na nga na ating papasukin sa ating sarili ang Banal na Espiritu, at ibihis sa ating mga sarili ang bagong pagkatao na biyaya niya sa atin.

Kung ang mga alagad ay hindi nagsisi sa kanilang pagbabagong pinili, paano pa tayo?! Huwag nga nating sayangin ang pagkakataon na tanggapin ang Espiritu ng Panginoon sa ating buhay! Tanggapin nga natin siya, at hayaang baguhin niya ang ating luma at sira-sirang pagkatao. Ipaubaya natin sa matimyas na Espiritung ito ang ating mga kahinaan. At sa kanyang pagbago sa ating mga buhay, Ipakita natin sa mundong balot sa dilim na tayong mga nanibago ang pagkatao ay kayang baguhin ang katayuan nito. 

Make a change! Tanggapin natin ang Banal na Espiritu! Ngayon na!




VENI SANCTE SPIRITUS!

Sunday, May 20, 2012

Ang Pamana ni Hesus

Mayo 20, 2012
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT NI HESUS SA LANGIT
World Communications Sunday
Gw 1,1-11 . Efe 1,17-23
Mc 16-15-20
===


At umakyat na nga si Hesus sa Langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos.

Sa araw na ito, inaalala ng buong Simbahan ang pagtatapos ng misyon ni Hesus sa lupa. Umakyat na nga siya pabalik sa kalangitan at bumalik na sa piling ng kanyang Ama. Malungkot na sandali ito para sa mga alagad, dahil sigurado nang di na nila makakapiling si Hesus. 

Subalit hindi sila iniwan ni Hesus na walang pamana. Tulad ng mga magulang natin na nag-iiwan ng Last Will and Testament sa oras ng kanilang pagpanaw, nagkaloob rin ang Panginoon ng kanyang 'pamana:' mga tanda na magpapaalala ng kanyang pananatili sa piling ng mga Alagad, mga tanda na nananatili hanggang sa ngayon.


Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika. Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay.

Sa pamanang ito ni Hesus pinapakita niya na patuloy siyang kapiling ng mga taong sumasampalataya sa kanya. Hindi niya sila iniwanang ulila, at hindi ito mangyayari kailanman. Paano nga iiwan ni Hesus ang mga nananalig sa kanya, kung tanging sa kanya lang nakasandig ang pag-asa nila?

Ang pamana ni Hesus ay patuloy niyang pinagkakaloob hanggang sa panahong ito. Hanggang sa wakas ng panahon, nangangako si Hesus na mananatili siya sa piling natin. Sa sandaling dumulog tayo sa kanya para sa ating pangangailangan, nakatitiyak tayo na pinakikingan niya ang mga daing natin, at kung naaayon sa kanyang kalooban ay kanyang ipagkakaloob.

Patuloy tayong sinasamahan ni Hesus sa ating misyon sa daigdig. Mula sa mga simpleng pakikipag-usap tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos sa piling ng ating pamilya, hanggang sa pagtahak sa matatarik na mga bundok upang ipakilala si Hesus sa mga taong hindi pa siya nakakaniigan, sinasamahan nga niya tayo at pinagkakalooban ng kakaibang lakas at tatag ng loob upang mapagtagumpayan ang banal na adhikain.

Ito ang pamana ni Hesus. Sa kanyang pag-akyat sa kalangitan, hindi niya tayo iiwanang nag-iisa, patuloy natin siyang kapiling. Nananatili siya sa atin hangga't may pananampalataya tayo sa kanya, pinatatatag niya tayo basta tayo'y di tumitigil sa pag-asa, pinalalakas niya tayo sa pag-ibig basta nananatili tayo sa kanyang pagmamahal.

Umakyat si Hesus sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. Mula dito, sinisiyasat niya ang bawat nating gawi. Hamon sa atin ngayong dakilang kapistahan na patuloy na mabuhay sa kanyang pananatili. Tinatawag nga niya tayo sa araw na ito, na patuloy na lumakad sa kanyang landas, nang sa gayon ay maramdaman natin at makita natin sa kanyang buhay ang kanyang pamana.

PAGNILAYAN:
> Pinahahalagahan ko ba ang pamana ng Panginoong Hesus sa aking buhay?

Sunday, May 13, 2012

MAGMAHAL... higit sa lahat!

Mayo 13, 2012
Ikaanim na Linggo ng Muling Pagkabuhay
Gw 10,25-26.34-35.44-48 . 1Jn 4,7-10
Jn 15,9-17
===

Magmahal. Isa sa mga salitang pinoy na madaling sabihin, subalit malimit na naa-abuso, binabalewala at nabibigyan ng ibang pakahulugan. Sabi nga nila, hindi daw marunong magmahal ang modernong pinoy. Ang dating kundiman, napalitan na ng rap; ang dating harana, napalitan na ng text; ang dating 'sinisinta kita, o irog,' napalitan na ng 'i luV u... <3,' at higit sa lahat, kung noon ay magmahal hanggang huli, ngayon ay magmahal na lang hangga't may pera. Ang saklap.

Nagbago na nga ang panahon, at kasabay nito ay nagbago na ang pananaw ng tao pagdating sa pagmamahal. Subalit sa araw na ito na iniaalay natin sa mga Ina, dumarating muli si Hesus na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagmamahal, lalo na sa mga taong madalas na umaabuso rito.

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: 
magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.

Mula pa sa simula, ipinakita ng Panginoon ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagkatawang-tao, pakikimuhay sa ating piling, pagpapahayag ng Magandang Balita, pagpapagaling, at iba pa. Diyos siya, subalit di niya ito pinansin at bagkus ay ibinigay niya ang lahat na meron siya - kahit ang kanyang buhay - upang tayo ay maligtas at manumbalik sa piling ng Diyos na ating Ama. Ang pag-ibig ni Hesus ay ang pag-ibig na hanggang kamatayan, at ito ay lalong nabigyan ng luwalhati sa kanyang Muling Pagkabuhay.

Madalas nating natatanong kapag naririnig natin ang pagbasang ito, Ano'ng epek? Namatay si Hesus sa Krus; ibang klase ang pagmamahal niya at di natin kaya yun. Oo, willing tayong magmahal, oo, handa tayong ibigay ang anuman, subalit hindi natin kayang ibigay ang mismo nating buhay para sa ating minamahal. Parang eksena na nga lang sa pelikula na hindi pwedeng mangyari sa realidad. Ito ang pag-ibig ng tao ngayon, nakabase sa mga materyal na pananaw na nakakalimutan - o tinatalikdan - ang tunay na esensya ng pag-ibig, ang pag-aalay ng buhay.

Wala nang makahihigit pa sa pag-aalay ng buhay 
ng isang tao para sa kanyang mga kaibigan.
Kaibigan ko nga kayo kung tinutupad ninyo ang aking utos.

Bigat ng mga sinabi ng Panginoon, no? Subalit ito ang sukatan para makita kung tapat ba tayo sa kanya. Ito ang pinakita ng mga Martir sa kanilang dakilang paghahain ng buhay para sa Mabuting Balita; ito ang isinabuhay ng mga Santo na kahit na di sila namatay na tulad ng mga Martir ay bukas-palad nilang inialay ang buhay sa paglingap sa mga kapatid nating nabibigatan at nahihirapan. Samakatuwid, hindi natin talaga kailangang mamatay upang matupad ang utos ng Panginoon; kahit na ang pagtupad sa ating mga tungkulin para sa pangangailangan ng iba ay sapat na upang maipakita nating tapat tayo sa kanya. Kung tayo ay tumutupad sa utos ng Panginoon, handa tayong ibigay ang anumang meron tayo para sa kanilang kapakanan - kahit na ang mismo nating buhay.

Tayo ngayon ay bumabaling sa mga Ina. Marami tayong tawag sa kanila, at alam natin ang istilo ng kanilang pamumuhay. Madalas nila tayong pinagagalitan, inookray, pinag-iinitan. Madalas, tayo pa ang nagagalit sa kanila, nagagawa pa nating mag-rebelde. Ngunit nakita na ba natin ang mga paghihirap nila para sa atin?

Kung may halimbawa ng pagmamahal na wagas, ang una nating maaalala, sumunod sa pagmamahal ng Diyos, ay ang pagmamahal ng ating mga Ina. Buhat pa sa simula ng ating buhay hanggang sa oras ng kanilang pagkatanda, tuluy-tuloy nilang ibinibigay ang ating mga pangangailangan. Patuloy nila tayong ginagabayan. Patuloy nila tayong hinahatid sa dapat nating kalagyan sa lipunan. Kung magmahal ang isang ina, handa siyang ibigay ang lahat ng meron siya. Hindi siya isang santo o martir (pero maraming santo na Nanay) subalit isa siya sa mga tapat na sumusunod sa atas ni Hesus.

Ito nga ang utos ko sa inyo: MAG-IBIGAN KAYO!

Si Hesus na mismo ang nagbibigay sa atin ng ating misyon sa panahong ito. Laganap na sa daigdig ang pagkapoot, digmaan, pananakop at kung anu-ano pang tanda ng kasamaan at sekularisasyon. Hinahamon tayo ng Panginoon na sa kabila ng lahat ng ito, ay patuloy tayong magmahal ng higit sa lahat. Hinahamon nga niya tayo na patuloy na ibigin ang kapwa at ialay ang buhay - hanggang kamatayan - para sa kanila. Tulad ng ating mga Ina na walang pag-iimbot na ibinibigay ang ating pangangailangan, iabot nawa ang ating mga kamay para sa ating mga kapus-palad na kapatid. 

Sa panahong wala nang pagpapahalaga ang mundo, ipakita nga natin ang ating tanda ng pagiging alagad ni Hesus. Magmahalan nga sana tayo... HIGIT SA LAHAT!


Maria, Reyna ng Rosario ng Fatima,
ipanalangin mo kami!

Sunday, May 6, 2012

Stay Connected.

May 06, 2012
Fifth Sunday of Easter
Ac 9, 26-31 . 1Jn 3,18-24
Jn 1,1-8
===

We have learned much about plants in our young days. From the roots, water and other nutrients pass through the trunk into the stem and branches. As the branches receive the nutrients, it makes its product - the fruits. Separated from the main trunk, the stem or branch is worthless; one is important to the other. Basic Biology.

This basic Biology is the main logic of the words of Jesus in today's Gospel: I am the true vine; you are the branches. 

Sometimes we encounter circumstances where we doubt God's presence in our lives. We scream from the bottom of our souls, waah!!! We don't know where to cling to. Black reality.

This reality is deepened in the words of the Lord:  I am the true vine. Apart from me you are nothing.

We remember at times the fact that we are going to be measured depending on the deeds we have done in this life, yet we always forget it. We continue to do failures and become a failure to others. Though sometimes we go back to God's fold thru confession, we still fall thus bringing the forgiveness we received in vain. Epic fail.

This epic fail is more expressed in Jesus' words: (My Father) takes away every branch that does not bear fruit ... people with gather them and throw them to a fire and they will be burned.

Dear friends, Jesus comes to us today as a Vine in which we are connected and sustained. Everything he did in his earthly life is done for a purpose, for us to be drawn nearer to God his Father, and to be sustained through his grace. As we have received our faith in Baptism, we form part of the big tree of salvation who is Jesus himself. We shall also come back to him once we are through with our journey here on Earth. Like a vine - or any tree - in which the stems and branches depend on the big trunk to live, we are also connected to Jesus so that we may live in holy happiness.

Through the Sacraments, we are continually nourished and guided with His Word and His Body; likewise, we are encouraged all the more to bring out Christ in our lives and so to bear fruit that would tell His favor upon us. Just as the good fruit shows the goodness of a certain tree, our good works would tell how great our God is. Though sometimes it takes years and years of perseverance for us to bear it good, still it matters since it would be counted in our favor at the last of days. Huli man at magaling, nabibilang pa din!

As we proceed with our day-to-day endeavors we are encouraged to go back to our roots, to our faith and be captivated by just how big the benefits it would give us. Yet we can still forget the importance of God in our lives that we are able to live it the other way around. A lot of us can still go back to Jesus as we repent, but there are a few who are pleased with the torn-out ways and die with it. What's life for them? I don't know.

I am the Vine, you are the branches. Without me, you can do nothing.

We now ask ourselves, are we still connected to Jesus? Do we still live as branches linked to one trunk? Or are we withered because of the presence of "I" in our lives, without placing the greater importance in God?

We are called to enliven our connection with Jesus and be serious in our one Christian life. Without him, we are nothing, so let us always stay connected to Jesus.

Sunday, April 29, 2012

Shepherd for the shepherds

May 15, 2011
Fourth Sunday of Easter
Good Shepherd Sunday
World Day of Prayer for Vocations
Ac 4,8-12 . 1Jn 3,1-2
Jn 10,11-18
===

Sometimes, we say that the religious life or the priesthood is one of the most out-of-this-world occupations this time around. Aside from being old school in terms of ways, appearance and demeanor, there are some priests (NOT ALL!...) whom people can't just take because of their 'Padre Damaso' behavior: suplado, maldito, pintasero, and sometimes medyo bastos. When one priest or religious does something wrong, expect it to be on the broadsheets the next day; when another priest is given a significant award or citation, expect nothing in the news tomorrow. We can't blame it. They are considered by the significant majority as weirdos, as people who are not in with the modern norms, as an evidence of a civilization which is almost in its 'doom,' as others do say. 

But for us Christians, we consider the religious life as a blessing, a gift of God to the Church. Their consoling words, their unending prayers, and their friendly company make up for the loneliness, emptiness and sadness which we usually experience through everyday. Isn't it true that when we talk to a priest, brother or nun, the burden seems lessened, the problem lightened, and our view more illuminated? As shepherds in their own little way, they fulfill the task entrusted to them by the Lord to lead the flock to the Father.

I am the good shepherd,
and I know mine and mine know me,
just as the Father knows me and I know the Father;
and I will lay down my life for the sheep.

Throughout his public ministry, Jesus used every means possible to bring the Kingdom of Heaven to all of us here on Earth. He healed the sick, cast out demons, exhorted some good people, fed the thousands,  raised some dead people, and preached the Gospel throughout Israel and Judea. More than the credit he gained, he gradually led his believers to the fulfillment of God's Will in due time.

I am the Good Shepherd. 
A Good Shepherd lays his life down for the sheep.



Jesus showed a perfect example of offering his life for the sake of all of us. As he was hung upon the Cross, he showed the ultimate end of being a Savior. As he dies, he drew everyone to himself, and offered them back to the Father as a sign of the fulfillment of every written prophecy. He left no one behind, as everyone is included in the plan of God's salvation. 

This is why the Father loves me,
because I lay down my life in order to take it up again.
No one takes it from me, but I lay it down on my own.
I have power to lay it down, and power to take it up again.

But as he gives his life, he takes it up again! In his resurrection, Jesus shows that he has all the power to conquer sin and death, which separated us from his Father. He lives for us, the sheep, as he once died for our cause. He never dies, for he is risen over death and expiration has no more power over him. He continuously guide us towards the green pastures, which is Heaven alone.

This mission of the Lord is continued by the ministers of His Church. It is really consoling to see its clergy and religious continuing Christ's task of shepherding the flock. Yes, they have flaws just like the rest of us, but despite this, we can still see clearly the mark of God's loving compassion. They continue to shepherd us In persona Christi capitis, and we are more imbibed by the presence of Jesus in them.

But during the course of time, shepherds come and shepherds go. As our elder heads retreat from the ministry, new ones come and take their place. As I said earlier, these shepherds of ours are considered by the modern world as weirdos and out-of-this-world citizens. Yet, how sweet it could be when among the people of our society, one stands differently and decides to follow Christ's call! How great it is when we lead the people of God in praising his Holy Name and celebrating the Holy Banquet of salvation!

Vocations, though scarce, can lead us to something great! And it is our task, as the Church, to continuously pray for it. Jesus calls us ultimately, by name, to partake in his mission of leading the people of God towards the Kingdom, and it is more than better if we respond with a big Amen instead of saying pass and regret it later. If we can follow the shepherd, we can certainly be shepherds ourselves!

Let us pray for more vocations as we observe today's celebration. We can help somebody discern deeper with our spiritual support, which is prayer. Let us not turn out heads back at this need of the Church. As Jesus offered his life as the Good Shepherd, so we should also ask his grace to call among his children to follow his steps.


The world needs more shepherds. We can ask them from no one else but the Shepherd who is the Lord and Master of all Shepherds!


Sunday, April 22, 2012

Nasugatan para Magpahilom

Abril 22, 2012
Ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay
Gw 3,13-15.17-19 . 1Jn 2,1-5a
Lc 24,35-48
=====

Minsan, sa aking buhay estudyante, naranasan kong masaktan sa mga desisyon na pinili ko. Maraming sumita sa akin; ayon sa kanila, hindi daw ganoon ang nararapat kong gawin kundi ganito. Dapat ay inisip ko munang malalim ang lahat ng galaw ko upang mas maipakita ko ang aking kakayahan. Subalit nagpakita ako ng katatagan sa desisyon na aking ginawa, na 'mali' para sa kanila. 

Marami pa akong naranasang paghihirap dahil sa aking mga ideya, subalit sa bandang huli naranasan ko ang tamis ng tagumpay bunga ng aking pananaw. Akala ko ay hindi ako makaka-survive, subalit kay bait ng Diyos! Naramdaman ko rin ang suporta ng mga taong tunay na tinuring akong isang kasama at di ako pinabayaan sa gitna ng kawalan. Lagi ko iyung binabalikan ngayong wala na ako sa buhay-kolehiyo, at naiisip ko na kailangan ko nga sigurong pagdaanan ang persekusyon ng mga taong tinuring kong umiintindi sa katayuan ko subalit di pala, upang makita ang realidad at ang matamis na pagtatagumpay na bunga ng aking pagsusumikap.

Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon! Ito ang unang naratnang pangungusap ng dalawang alagad galing Emaus bago nila ipahayag ang kanilang pagkakita kay Hesus noong hinati niya ang tinapay. Kahit na sila ay may diskumpiyansa, nakakapagtaka na nakita ng iilang tao ang Guro na alam naman nilang namatay sa Krus at sa pagkapahiya... na buhay! Na kapiling nila! Na binabalikan sila upang patunayan ang katuparan ng lahat ng kasulatan!

At sa sandaling ito napakita si Hesus sa piling nila. Sumainyo ang kapayapaan! Lubos na di makapaniwala ang mga alagad, na wari'y nagdududa o namamalik-mata dahil ang isang patay na ay di na mabubuhay. Subalit si Hesus, na nakasama nila sa mahabang panahon, ay hindi lamang tao... SIYA'Y DIYOS! Sa kamatayan niya sa Krus, nagapi niya ang kamatayan, at sa kanyang pagkabuhay binigyan niya tayo ng pag-asa na hindi na rin tayo mamamatay kailanman basta tayo'y nakatangan lamang sa kanya.

Nabatid ni Hesus na kailangan pa nila ng pruweba at alam niya ang pinakamadaling paraan ng pagpapatunay na siya nga ay buhay at kapiling ng kanyang mga alagad... May makakain ba diyan? Sa pagbigay nila ng inihaw na isda, kinain niya ito sa harapan nila. Dito nabuksang tuluyan ang kamalayan ng mga alagad. Hindi nga sila namamalik-mata.... BUHAY NGA SI HESUS! Ang Hesus na nakita nila noong isang malaking sugat na tinubuan ng katawan, ang Hesus na nagbata ng hirap, ang Hesus na pinako sa Krus, ang Hesus na itinakwil ng buong Israel, ang Hesus na namatay, ay narito... Buhay at kumakain ng isda!

Nabuksan ang kanilang pisikal na mata sa pagkakita sa Panginoon na buhay; at sa sandaling iyon hinayaan nila si Hesus na buksan ang kanilang mata ng diwa sa mga bagay na patungkol sa kanya, ang katuparan ng lahat ng mga isinulat sa kautusan ni Moises, sa mga aklat ng mga Propeta at mga awit tungkol sa akin (...) Kailangang magbata ng hirap at mamatay ang Anak ng Tao at muling mabuhay sa Ikatlong Araw. Ang pagsisisi at ang kapatawan ng mga kasalanan sa kanyang pangalan ay dapat ipahayag (...)!

Batid ng Panginoon na kailangan nga niyang pagdaanan ang mga bagay na ito upang maluwalhati ang Diyos at mailigtas tayong mga makasalanan. Sa kabila ng matinding hirap, siya ay nagtagumpay, at dahil dito ay malaya na tayo mula sa kamandag ng kasalanan. Sa kanyang pagtatagumpay, walang ibang makikinabang kundi tayong mga iniligtas niya sa Krus. Dinanas niya ang kamatayan, upang tayo ay mabuhay na kasama niya! Nasugatan siya ng lubha upang hilumin ang ating ketong bunga ng pagkakamali ng una nating magulang.

Nagawa na ni Hesus ang kanyang bahagi; ngayo'y pinapaalala niya sa atin, Saksi kayo sa mga bagay na ito. Ano man ang ating pinagdadaanan, mga minamahal na kasama, pinapaalala sa atin ng Panginoon na tayo ay mga saksi sa kadakilaan ng kanyang Paskwa, ng kanyang pagtawid mula sa dilim ng kamatayan tungo sa liwanag ng buhay. Saksi tayo, at tungkulin nating ikalat sa mundo ang kanyang kabutihan sa ating lahat!

Sa panahong ito ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, isang paanyaya ang umaalingawngaw, ang makita natin sa pagsubok ng buhay ang misteryo ng kamatayan at pagkabuhay ni Kristo. Sa kabila ng mga pangungutya at panunuya ng iba, tinatawagan tayong maging katulad ni Kristo na tahimik at walang imik na tinanggap ang mga masasakit na paggawad ng kanyang kapwa, sa pag-asang tayo ay magtatagumpay tulad niyang bumangon mula sa libingan sa luwalhati ng kanyang pagka-Diyos. 

Huwag tayong mawawalan ng pag-asa, basta patuloy lamang tayong kumapit sa kanyang kagandahang-loob. 

Hayaan nating buksan ni Hesus ang ating diwa; at ialay natin ang lahat nating kakayahan sa kanya. 

At sa sandaling nakita na natin ang tagumpay sa pagsubok nating pinagdadaanan, hamon sa atin na ikalat sa mundo kung paanong ang Diyos ay maunawain at mahabagin sa katulad natin.

Nasugatan siya upang mahilom ang ating mga sugat. Nagtagumpay siya upang tayo ay mabigyan ng pag-asa. Saksi tayo sa mga bagay na ito; ikalat natin sa daigdig ang kadakilaan ng Diyos!


Sunday, April 15, 2012

MERCY TOWARDS PEACE

April 15, 2012
Second Sunday of Easter
Divine Mercy Sunday
Ac 2,42-47 . 1Pt 1,3-9
Jn 20,19-31
=====


Jesus comes amid closed doors and, as he presents the wounds of his passion, declares, Peace be with you! The Father has sent me, so I send you.

Blessed John Paul II declared the Second Sunday of Easter as the Divine Mercy Sunday, as he emphasized the need for us to understand the whole message that the Word of God is giving us on this day. In his homily during its institution in 2000, he presented the connection of the messages of the Lord to Saint Faustina to his words to the apostles in today's Gospel. 

Jesus once told St. Faustina, On that day all the divine floodgates through which graces flow are opened. Let no soul fear to draw near to Me, even though its sins be as scarlet. My mercy is so great that no mind, be it of man or of angel, will be able to fathom it throughout all eternity. He wants the Church to recognize this day not only as the Octave day of Easter, but as a feast which puts more emphasis on his mercy which springs forth from the sacred blood and water which flowed out from the side of Jesus. The blood and water, symbolizing the Sacraments of Baptism and Eucharist, is the greatest instrument and manifestation of God's mercy for us.

His mercy leads us to peace! We examine the Image of the Divine Mercy and it resembles that apparition which happened on Easter night to the Apostles. As they were gripped with so much fear, Jesus shows himself and declares peace among the troubled followers. He sends the Spirit of peace among them as he sends them to the world to forgive and proclaim the Good News. He shows his resurrected glory to those whom he loved, and  their belief were more deepened with trust.

Trust is the key for the Doubting Thomas. We see the signature of the Image saying, Jesus, I Trust in You! We can't help but look back at the eight night after the Resurrection when Thomas, full of doubt upon what his brothers saw, wanted to place his hand and fingers on the sacred wounds of the Lord. But upon seeing the Lord first-hand, he fell to his knees and declared, Dominus meus et Deus meus! Through this declaration, Thomas trusted already that the Lord is already alive. At this the Lord declares, Blessed are those who do not see yet believe. 


We contemplate today on the Divine Mercy of Our Lord, and it is indeed a grace for all of us especially now that we are facing a lot of crises in and out of the country in general and of our persons as individuals. As we encounter lots and lots of challenges in our everyday life, we are called by the Lord to trust all the more in His Mercy. Where could we indeed find peace if not in God's infinite Mercy?

We should only open ourselves to His heart of infinite Mercy. he knows all our needs, but we just need to recognize first that it is his mercy that we should attain first before everything else. We can find artificial peace in the things of the world, and yet see it wither after some time. 

Let us dwell ourselves in the Mercy of God. He can only provide us the real peace and serenity, the peace the world cannot give. Let us trust in God's compassion for his wounds led us to the healing of our souls. Let us declare, Dominus meus et Deus meus! Iesu, in te confido!


Let us now pray the Chaplet of the Divine Mercy.

Saturday, April 7, 2012

Gabing Naliliwanagan

Abril 07, 2011
PASKO NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOONG HESUKRISTO
Dakilang Bihilya sa Gabi ng Pasko ng Pagkabuhay
Gn 1,1-2,2 . Gn 22,1-18 . Ex 14,15-15,1 . Is 54,5-14
Is 55,1-11 . Bar 3,9-15.32C4.48 . Ezk 36,16-17a.18-28 . Rm 6,3-11
Mc  16,1-7
===

Mula sa isang liwanag, pinagpasa-pasahan, hanggang sa maliwanagan ang mundong balot sa kadiliman... 

Ang pagdiriwang ng sagradong gabing ito ay isa sa mga hinihintay ng Sambayanang Kristiyano sapagkat inaalala natin ang dakilang katuparan ng pangako ng Diyos. Ngayong gabi, tuluyang sumambulat ang luwalhati ng Panginoon, at pinawi nito ang mapang-aping kamandag ng kasalanan at kamatayan sa ating mga nakatakdang tumanggap nito.

Sa mga pagbasa na ipapahayag, mababanaagan kung paano ang Panginoon ay nanatiling tapat sa kanyang pangako, mula noong lalangin niya ang tao bilang kanyang kalarawan at kawangis. Sa katapatan ni Abraham ay  nagkakaloob ang Diyos ng biyaya sa mga taong patuloy na nananalig sa Diyos sa kabila ng kadiliman ng mga pagsubok na dumarating sa kanila (Ikalawang Pagbasa). Sa kanyang pangunguna sa pagtawid ng bansang Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto ay pinakilala niya ang kanyang dakilang lakas na siya rin nating sandigan sa ating patuloy na paglalakbay patungo sa kaluwalhatian (Ikatlong Pagbasa).

Sa kabila ng lahat ng unos, lagi siyang tapat at hindi kumakalimot sa anumang kanyang bitawang pangako, dahil sa kanyang pag-ibig sa atin (Ikaapat na Pagbasa), at sa pamamagitan ng mga biyayang ating natamo sa Sakramento ng Binyag, tayo ay nalibing sa kamatayan ni Kristo at muling nabuhay sa kanyang dakilang pagbangon mula sa dilim ng libingan (Sulat ni Pablo).

Nagtagumpay si Hesukristo at ito nga ang totoo! Sa pagkakita ng kababaihan sa libingang walang laman, kanilang nasaksihan ang katuparan ng pangako ng Diyos. Nadatnan sila ng takot na baka ninakaw ang bangkay ng Guro, subalit sa mga salitang binitiwan sa kanila ng misteryosong lalaki sa tabi ng libingan, kanilang natanto ang kaluwalhatiang naganap sa gitna ng gabing ubod ng kadiliman.

Wala na siya rito - Siya'y Muling Nabuhay! Sa wika ng Anghel, tumatag ang kalooban ng mga kababaihan na noo'y may hapis na dinadala dahil sa kamatayan ng kanilang guro. Akala nila, iyun na ang katapusan ng buhay ng taong itinuring nilang Panginoon at Tagapagligtas, subalit ito pa lang pala ang simula ng kaganapan. Lalong tumibay ang kanilang pananalig at lumakas ang kanilang pagkasigasig na ipahayag ang Kristong nabuhay sa lahat ng panig ng daigdig.

Patuloy tayong nahihirapang lumakad sa gitna ng kadiliman ng mga pagsubok sa buhay. Madalas nating sinasabi, wala bang Diyos? Bakit lagi na lang ganito ang pinagdadaanan kong problema? Wala na bang katapusan ito? May mga nagpapakamatay pa nga dahil sa bigat na di na daw nila makayanan. Madilim na buhay ang kanilang kinasasadlakan, madilim na hinaharap ang patutunguhan, lalo na kung wala ang Diyos sa kanilang buhay.

Subalit sa libingang walang laman, dumarating ang pag-asa sa mga nawalan na nito! Muling nabuhay si Hesus para sa ating mga patuloy na nadidiliman ng mga problema! Muli siyang nabuhay para bigyan ng liwanag ang ating mga walang-katapusang gabi. Dumarating siya sa piling natin ngayong gabi, at sa bawat araw ng buhay, upang iparamdam ang pagmamahal niya sa atin, na hindi niya tayo pinababayaan, na patuloy niya tayong pinalalakas upang ating maharap ang dilim ng ating mga 'gabi:' mga pagsubok sa buhay!

Isang mainit na imbitasyon sa atin ngayong gabing naliliwanagan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon: Manatili tayo sa kanyang liwanag! Natapos na ang biyaheng Kuwaresma natin, at panahon na upang magpista sa dakilang liwanag handog ng Pagkabuhay ni Hesus. Huwag na sana nating talikdan ang biyayang buhat sa Diyos, sa halip ay lalo nating buksan ang ating sarili para sa biyayang nagbubuhat sa Gabing ito na naliliwanagan ng luwalhati ng Panginoong Hesus!

CHRISTOS ANESTI! ALITHOS ANESTI! 
ALLELUIA!!!


Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyo!
From: UrDose.blogspot.com

Saturday, June 11, 2011

Malaya sa Espiritu ng Katotohanan!

June 12, 2011
SOLEMNITY OF PENTECOST
Philippine Independence Day
Ac 2,1-11 . 1Cor 12:3b-7, 12-13
Jn 20,19-23
===
Sumainyo ang Kapayapaan! ... Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo! 

Maligayang Kaarawan sa ating Inang Simbahan! Opo, sa araw na ito ng Pentekostes, dumating ang ipinangako ni Hesus, at ang hinihintay ng mga Alagad, ang Espiritu Santo sa anyo ng dilang apoy. Sa araw na ito ng pagpipista ng mga Hudyo sa isang masaganang ani, ay ninais ng Panginoon na pasimulan ang pag-aani ng bunga ng pananampalataya kay Hesus. Nasaksihan ng buong mundo ang pagpapamalas na ito ng Panginoon (sa pananda ng mga pinagmulan ng mga bisitang nakikipista - Unang Pagbasa). 3000 katao ang nagpabinyag sa araw na ito sa Herusalem tanda ng kanilang pagtanggap sa turo at pananampalatayang si Hesus ang tagapagligtas ng Sanlibutan. Dito nagsimula ang pamumuhay ng Kristiyanong Komunidad na nagpapatuloy hanggang sa ating panahon.

Maligayang Araw ng Kalayaan!113 taon na ang nakalipas noong iwagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat at idineklara ang kalayaan ng ating bayan mula sa Espanya. Espiritu ng kalayaan ang umiral sa panahong iyon. Binuwisan ng dugo ng mga mandirigma, pinaglaanan ng pluma ng mga dakilang manunulat, at minahal hanggang kamatayan ng mga masidhing kababayan. Isipin natin, mula sa kilabot at bagsik ng mga 'mapang-aping' kastila, tumayo ang Pilipino at nakipaglaban upang makamit ang ating kalayaan.

Masasabi nga ba nating nagkataon lang ang pagtama ng pagdiriwang ng Independence Day nating mga Pilipino sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes? 

Maraming suliranin ang kinakaharap ng ating bayan ngayon. Una na ang patuloy nating pakikibaka sa RH bill, na tulad ng ibang mga balita ay daan-dahan nang tinatabunan ng ibang mga balita at nawawala na sa ere habang ang mga mambabatas ay binibigyan na ito ng madaliang paraan upang maipasa. Kapag idinagdag pa natin dito ang Divorce Bill at Same Sex Bill, at maipasa ang lahat ng ito, masasabi na nga nating isa na tayong bansa na pilit na sumusunod sa mga kanluraning bansa pagdating sa paglapastangan sa buhay upang makuha lang ang kanilang interes at paggalang.

Nariyan rin ang naganap na biglaang pagkamatay ng mga isda sa Pangasinan at Batangas bunga ng kawalan ng oxygen at ng pananamantala ng ilang nagmamay-ari ng mga kulungan ng isda. Dahan-dahang nauungkat ang mga kawalang-katarungan ng iilan sa mga niliha ng Diyos sa karagatan. 

Bukod pa rito ang tahimik na mga suliranin tungkol sa paglapastangan sa buhay, pamilya at tagapag-ingat ng inang kalikasan. Habang ang ilan ay nagpapatuloy sa pakikibaka para sa katotohanan, ang karamihan ay patuloy na nagkikimkim ng salapi, at ginagawa ang kanilang mga masamang balakin upang mawagian lamang ang kanilang luho.


Ito, bukod pa sa mga iba, ay mga isyu na hindi lang sumasalamin sa ating mga kinakaharap bilang isang bayang malaya, kundi bilang isang Komunidad ng mga mananampalataya na kinakasihan ng Espiritu ng Katotohanan na buhat sa Panginoon. Wala naman itong kwenta sa ilan, at ipinagkikipit-balikat ito, ngunit para sa iilang nagpapahalaga, ito ay isang tanda ng kanilang pagtugon sa panawagan ng binyag (baka nalimutan ninyo na, Pari-Hari-Propeta), pati na rin sa hamon ng pagiging tunay na makabayan (Makadiyos, Makakalikasan, Makatao at Makabansa).


Kung tayo ay tunay na gumaganap sa tawag ng Kristiyanong Binyag, tayo ay may ganap na lakas na maging bahagi ng pagpapanibago ng ating Inang Bayan! Kaya kung tatanungin natin kung nagkataon lang ang pagtapat ng Araw ng Kalayaan sa Kapistahan ng Pentekostes, posibleng niloob ito ng Panginoon, dahil sa gulo at windang na nararamdaman nating mga Pilipino sa ating kapaligiran ngayon, hindi malayong niloob itong maganap ng Diyos. Sabi nga ni San Pablo, Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan. (2Corinto 3,17) Sa kaliwa't kanang pag-uusig ng mga makasariling tao sa kalooban ng Diyos at utos ng Simbahan, masasabi nga nating pinagkaloob ito ng Panginoon, upang ipaalala sa atin na kapag hindi na tayo ginagabayan ng pamamahala ng tao, ay hindi magbabago ang utos ng Diyos.

Tandaan natin ang dalawang bagay, mga kapatid!


Una, Maraming kaloob at bunga, subalit ang Espiritu Santo ay naghahatid ng pagkakaisa sa lahat!  (Ikalawang Pagbasa) Ang nagmamahal at tumutupad sa atas ng Diyos ay pinanahanan ng Espiritu Santo. Kahit na ano'ng pinagkaloob sa atin ng Diyos, ito ay nagdadala sa ating maglingkod sa komunidad. Ito ay nagbubunsod sa atin na ialay ang buhay at paglilingkod para sa iba, na hindi naghihintay ng kapalit. Sa huli, ito ay binibigyan tayo ng lakas upang sa kabila ng mga pag-uusig ng iilan, ay maipakita natin ang iisang tinig, ang tinig ng Diyos.


Ikalawa, sa harap ng ligalig at takot, ang Espiritu Santo ang nagdadala sa atin tungo sa tunay na kapayapaan! Si Hesus na mismo ang nagpapahayag nito, Sumainyo ang Kapayapaan! Sa pagtahan sa atin ng Banal na Espiritu, ay dumaratal sa atin ang kapayapaan. Ito ang nagsisilbing tanda na sumasaatin ang Diyos. isang halimbawa nito ay si Maria, noong tanggapin niya ang kalooban ng Panginoon na dahil dito'y naging mapayapa ang kanyang kalooban na tanggapin si Hesus sa kanyang sinapupunan.


Pansin ninyo bang sa kabila ng 113 taon ng ating pagiging malaya, tayo ay nakakaramdam pa rin ng takot at karahasan? Nakikita pa rin ba natin ang bakas ng pagkakanya-kanya at pagiging makasarili? Kahit nga ang tinig ng Diyos ay pinagwawalang-bahala na rin sa ngayon! Hindi ko naman po sinasabing nawawala na ang Espiritu Santo sa atin, subalit sa harap ng mga paglalapastangan sa kalooban ng Diyos, hindi na po nakakapagtakang dahan-dahan na itong pinagwawalang-bahala sa ating panahon sa ngayon. 


Nasaan na nga ba ang biyaya ng Espiritu Santo na ating natanggap noong binyag? Tignan natin ang ating mga sarili at pakaisipin ito. Bukod sa buhay, ito ang pinakamagandang biyaya na kaloob sa atin ng Diyos, ang Espiritu ng kabanalan, kapayapaan, at katarungan. Ito ang naghahatid sa atin sa wastong pamumuhay at pagmamahalan kaisa ng ating kapwa. Ito ang gagabay sa atin upang piliin ang tama at magdadala sa atin sa tunay at ganap na kalayaan, kasama ng Diyos. Hindi natin ito makikita sa ibang lugar sa mundo, ngunit at higit, sa piling lamang ng ating Diyos sa langit. Kung taglay natin ang Espiritu Santo sa ating mga sarili, tunay nga na matatawag natin ang ating mga sarili na Kristiyano. Ito rin ang magbubunsod sa atin upang gumawa at magtulungan upang itaguyod ang ganap na kalayaan ng ating minamahal na bayan na matagal na nadidiliman ng takot ng nakaraan. 


Dobleng pagdiriwang ang araw na ito. Parehong pasimula sa isang malayang bayan at sa isang pinabanal na kawan. Dumalangin nga tayo sa Diyos na patuloy niyang isugo ang Espiritu Santo sa ating bayan, lalo na sa mga nangunguna rito. Dinggin nawa nila ang tinig ng Diyos at hindi ang kanilang sariling interes lamang. Dumulog tayo para sa Simbahan na nanatiling tapat sa kalooban ng Panginoon sa nakalipas na panahon upang manatili itong nagtuturo at lumalaban para sa katotohanan at kabanalan. 


Higit sa lahat, ipanalangin natin sa Banal na Espiritu ang ganap na pagpapanibago ng ating mga sarili, upang lalo siyang manahan sa ating kalooban, at magbunsod sa ating patuloy na gumawa, tumulong at magmahal sa iba, tanda na sumasaatin nga siya, at tanda na tayo man ay handang makiisa sa pag-unlad ng ating bayan dito sa lupa, bilang paghahanda sa ating pananahan sa makalangit na bayan.

Saturday, June 4, 2011

Kasama Ninyo Ako, may cellphone man o wala...

June 05, 2011
SOLEMNITY OF THE LORD'S ASCENSION 
World Communications Day
Ac 1,1-11 . Eph 1,17-23
Mt 28, 16-20
===

Malaki ang tulong ng social media sa ngayon: Cellphone, Facebook, blogging, YM. Ang dating mga mahirap abutin na lugar kung saan naroon ang ating mga mahal sa buhay, ngayon sa simpleng pindot lang ng mga button ay nakakausap, nakakamusta na natin sila, at nakakasalamuha. Parang hindi sila malayo sa atin. Sabi nga ng ilan, Global Community na tayong lahat, hiwa-hiwalay man dahil sa agwat at distansya, sa makabagong anyo ng komunikasyon lahat ay magkakalapit, lahat ay magkakapatid.

Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng Simbahan ang pag-alis ng isang dakilang tao, ng isang Panginoon. Umalis si Hesus, umakyat sa Langit pabalik sa kanyang Ama. Umalis siya makalipas ang apatnapung araw ng kanyang Muling Pagkabuhay. Natapos na ang unang bahagi ng kanyang misyon dito sa lupa. Natupad na ang kasulatan na isang taong banal ang darating sa atin, makikipamuhay, mamamatay ngunit muling mabubuhay. Naganap na ang lahat ng ito kay Hesus. At dahil nga natapos na ang kanyang bahagi, kailangan na niyang bumalik sa pinanggalingan niya. Kailangan na niyang umalis.

Subalit, bago siya umalis ay nagbilin muna siya sa kanyang mga alagad kung ano ang kanilang gagawin. Hindi niya iniwanang walang gagawin ang kanyang mga apostol at disipulo. Humayo kayo't gawing alagad ko ang mga bansa! Binyagan sila sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo, at ituro ninyo sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Sabi pa nga sa Unang Pagbasa, Tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko... 

Sa kabila ng takot na dinadala sa kalooban ng mga banal na tagasunod niya, pinalakas ni Hesus ang kanilang puso. Sa pag-aakalang hindi na nila kasama si Hesus pagkatapos ng lahat ng ito, ay kanyang winika: Tandaan ninyo, kasama ninyo ako hanggang sa katapusan ng panahon!

Tignan natin ang pananaw ng mga Alagad sa pag-alis ng Panginoon. Karamihan siguro sa kanila'y umiiyak. Ang ila'y nag-aalinlangan. Ang iba'y parang tulalang hindi alam ang nangyayari. Malayo nga sa kanila si Hesus, subalit sa mga huling tagubilin sa kanila ng Guro, sila ay nakakuha ng higit na lakas at tibay ng loob upang pasimulan ang isang panibagong yugto sa kanilang buhay, at sa buhay ng daan-daan at libu-libong taong nananampalataya kay Hesus. Hindi pa naman ito ang sukdulan ng lakas na kaloob sa kanila ng Panginoon, sapagkat tulad ng kanyang sinabi (at pinag-nilayan natin noong nakaraang linggo), ay may darating na isang makapangyarihang Espiritu na magbubunsod sa kanila upang simulan ang isang komunidad ng mga mananampalataya na nabubuhay at naglilingkod sa pagmamahalan.

Sa ngayon, itong tagubilin ni Hesus ang nagsisilbi nating lakas sa harap ng araw-araw na pagsubok. Lalo na sa mga sandaling parang gulung-gulo na ang isipan natin, iyung hindi na natin alam ang ating gagawin. Doon sa mga sandaling iyon ng pag-aalinlangan at pangamba, na kahit ang mga teknolohiya sa ngayon ay walang maibigay na solusyon sa ikasisiya ng ating kalooban, umaalingawngaw sa kaibuturan ng ating mga puso ang isang tinig na nagsasabi, Kasama ninyo ako hanggang sa wakas ng panahon! Huwag matakot! Sa mga hindi pumansin rito, malamang ang kanilang gagawin ay wakasan na ang 'pesteng' buhay na ito. Subalit sa mga nakinig sa tinig na ito, tumanggap rito at inihimpil sa kanilang kalooban patungo sa kaliwanagan ng mga bagay-bagay, sila ay nagpapatuloy sa buhay na masigla, masigasig at may galak sa puso. Alam kasi nila na walang anumang pagsubok ang makakapagbagsak sa kanila. Wala, sapagkat kasama nila ang Panginoon.

Maitatanong natin, Sa panahon na ito na kinatatampukan ng makabagong teknolohiya at mga gadget na digital (android pa nga), paano natin nasasalamin ang hiwaga ng mga salita ng Panginoon na nagpapahiwatig ng kanyang pagiging kaisa natin sa lahat ng oras? Mas binibigyan pa ba natin ng pansin ang tinig ni Hesus o ang tinig ng makabagong teknolohiya?

Habang tayo ay nagpapatuloy sa ating Kristiyanong misyon dito sa lupa, hinahamon tayo ng ating Panginoon na ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan. Oo, nakakatulong ang makabagong teknolohiya at mga pamamaraan ng social communication, subalit pakaiisipin natin na ang ating pananalangin at pakikipagniigan natin sa Panginoon ang higit na mahalga, sapagkat sa kanya lamang natin maririnig ang mga salita na kahit na hindi natin siya nakikita ay nararamdaman nating nandiyan siya: Kasama ninyo ako, hanggang sa katapusan ng panahon!


(To read the message of Pope Benedict XVI for the 45th World Communications Day: http://sirbitz.blogspot.com/2011/06/message-of-pope-benedict-xvi-for-world.html)

Saturday, May 28, 2011

MAY TAMANG BALITA: MAY DARATING!!!

May 29, 2011
Sixth Sunday of Easter
Ac 8,5-8.14-17 . 1Pt 3,15-18
Jn 14,15-21
===

Sino na sa inyo ang nakapanood ng May Tamang Balita tuwing Biyernes? Ito ang isang katangi-tangi at kakaibang programa kung saan ang mga balita at mga pananaw ay pinepresenta sa isang katawa-tawang pamamaraan, ngunit informing pa rin. Satiric viewpoint, kung baga, ng mga balita na minsa'y nakakainis na kung panoorin o pakinggan. Ito ang nagpapatunay na ang Pilipino, imbes na seryosohin ang mga suliranin, ay nakakapaglaan pa rin ng panahon at oras upang tawanan at tignan ito in a much positive way. Iyan ang May Tamang Balita! Once-a-week lang yan.

Subalit para sa ating mga Kristiyano, ay naku! Tuwing Linggo, laging MAY TAMANG BALITA! Iyung balita na hindi nakakatawa, hindi nakakapanlibak at mas lalong hindi nakakapang-bagot. Ito talaga ang tamang balita na dapat nating laging pinapakinggan dahil hindi lang siya positive, kundi tunay na uplifting ang impact nito sa ating mga sarili, lalo na sa ating mga espirituwal na buhay.

At sino pa nga ba ang maghahatid ng Tamang Balitang ito? Walang iba kundi si Hesus! Ito ang kanyang Tamang Balita para sa atin ngayon: May isang darating!

Opo, mga kapatid! May darating! Matatandaan nating si Hesus ay nagbibilin na sa kanyang mga alagad noong gabi bago siya ipapatay. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala, pagtataka at kalungkutan. Iiwan na daw sila ni Hesus? Paano na ang mga nasimulan nila? Susuguin daw sila sa bawat sulok ng mundo? Eh paano nila gagawin iyun kung mga hamak lang silang mangingisda?

Alam ni Hesus ito, at ayaw naman niyang iwang walang lakas ang mga alagad niya, kaya may ibinahagi siyang balita sa kanila: Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan...

Lubusang pagtataka ang lalong bumakas sa isipan ng mga Apostol: Ano daw? Espiritu ng Katotohanan? Paano naman darating iyun? Subalit hindi pa naman talaga ito ang pagkakataon, at may darating pang sandali, ito ay sa darating na Pista ng Pentekostes kung kailan ang Banal na Espiritu ay bababa nga sa kanila sa anyong dilang apoy! Wow! May Tamang Balita nga! 

Pati tayo sa panahong ito ay nadadamayan ng Tamang Balitang ito. Tayo, sa biyaya ng Binyag, at sa Krismang ipinahid sa ating noo noong tayo'y Kumpilan, ay para na ring mga lalagyan na kinapapalooban ng Banal na Espiritu! Tayong mga iniligtas sa Krus at Pagkabuhay ni Hesus ay binibiyayaan rin ng Diwa ng pagiging Anak ng Diyos. At ito ang tunay na Tamang Balita para sa ating lahat.

Pero HEPP! Hindi lahat ay binibigyang-pansin ang Tamang Balitang ito! Lahat nga'y binigyan ng banal na biyayang ito mula sa Diyos, ngunit hindi lahat ay papansin dito. Halata naman di ba? Sa panahon nga lang natin ngayon, eh. Mas masisiyahan pa ang madla kung nakikita nating nahihirapan ang ating kapwa, lalo na kung tayo ang may-dahilan ng paghihirap nilang iyun. Wow naman, di ba! Eh kung mas natutuwa ka pa sa panonood ng May Tamang Balita tuwing Biyernes imbes na pagtuunan ng pansin ang Tamang Balita ng Kaligtasan tuwing Misa pag Linggo, eh wala ka na ring pinagkaiba sa kanilang lahat!

Eh paano malalaman na tumama na sa atin ang Tamang Balitang ito? Simple lang, si Hesus na rin ang magbibigay ng signs and symptoms: Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya. In short, sundin lang natin ang utos ng Panginoon, mahalin siya ng higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad ng sarili, at nakakasiguro tayong sasaatin ang Espiritu ng Kabanalan ng ating Panginoon! Nasa atin ngang mga sarili ang Tamang Balitang ito!

O, tanungin natin ngayon ang ating mga sarili: Natatalos na ba nating nasa atin ang Banal na Espiritu? Sa araw-araw nating buhay sa mundo, nakikita ba ng ating kapwa sa ating mga katauhan ang Panginoon? O tulad ng iba, mas natutuwa tayo sa mga bagay na panandalian lang ang sayang hatid sa atin? 

Dalawang Bagay ang mapupulot natin sa Tamang Balita ngayong araw, mga kapatid. Una, laging handog sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo upang maunawaan natin ang kanyang kalooban sa atin. Ikalawa, tinatawag tayong tuparin ang ating mga Kristiyanong tungkulin, ang umibig, manampalataya, manalangin at magkawanggawa. Kapag naunawaan na natin at natupad ang dalawang bagay na ito, ay handa na nga nating tanggapin ang darating na biyaya sa Linggo ng Pentekostes.

Mga kapatid, uulitin ko. Linggu-linggo tayong binibigyan ng pagkakataon na mapakinggan ang mga Tamang Balita buhat sa ating Panginoon. Sa bawat Misa na ating dinadaluhan ay nagkakaroon tayo ng mga bagong pang-unawa sa pag-ibig at kaligtasang dulot ng kamatayan at pagkabuhay ni Hesus. Higit pa ito sa bawat balitang naririnig natin sa bawat aaw ng ating buhay. Dahil sa ating Panginoon, Laging Tama ang Balita!