Saturday, July 9, 2011

The Sower and The Four Types of Believers


July 10, 2011
Fifteenth Sunday in Ordinary Time
Is 55,10-11. Rm 8,18-23
Mt 13,1-23
===

The Parable of the Sower is one of the most magnificent teachings of our Lord recorded in the Gospels. Every time one hears it, he may have mixed emotions to the point of asking, saan kaya ako dito?

And who may not ask? The parable is about a sower who scattered seeds on four places, the ground, the stones, the thorns, and the soil. The seeds grew but it had faced different fates. The seeds on the ground were eaten by the birds, like bird seed. The seeds on the stone grew a little bit but died eventually because there is practically of the sun’s heat and loss of soil. The seeds on the thorns were chocked because the thorns grew up with them. And as for the seeds which fell on good soil, they grew up and multiplied, some thirty, some sixty, and some a hundredfold.

As Jesus explains further the parable, we can see the different underlying personalities in the parable. God comes as the sower, and the seeds His Word. This comes to us every Mass, as we listen to the readings. This comes to us through the teachings of the Church. And most certainly, this comes from deep inside us through our conscience. As we live every day, we are all the more exposed to the Word of God that as his children, we are called to follow what it is saying, and follow it in thought, word and deed.

We may not know it, but Jesus classifies us like the four places where God’s Word is being scattered. We shall call it THE FOUR TYPES OF BELIEVERS. Let’s see who fails and who tops.

Some of us are told to be PATH-TYPE. They are the type of people who listen to God’s Word, but before they may know it, the evil one snatch in and puts in the believer bad sentiments. Slow people who, instead of giving the needed focus on the Word, are giving room for the devil to dwell inside him. Typical examples of this are those who sleep while listening to the Homily inside Mass, and those who refuse to go to Mass when invited by a relative or friend.

FAIL.

Some are STONE-TYPE. These are the people who listen to the Word, welcome it, but do not ponder much from it. They just listen, period. No understanding, no sign of surrender to God’s will. And so, when trials come, they tend to give up. They don’t believe anymore in what the Church has to offer, and instead go to somewhere they may feel God in another way. Examples of this are our brethren who were once Catholics but are now born-again Christians, members of Iglesia, Saksi, Daan, etc.

FAIL.

Some of us are THORN-TYPE. These are people who tend to HEAR God’s word but don’t care at all. They are more focused on the worldly tasks, i.e. their job, family, fame, political will, riches, and other things that have no connection to the Divine Providence. They are those who say, Anong Diyos? Ni hindi nga niya ako matulungan noong nangangailangan ako! Lahat ng ito, pagsisikap ko. Lahat ng ito, pinaghirapan ko. Walang Diyos at walang Hesus na tumulong sa akin. Examples of this are the typical call center agents who were swept away by the western-style secularization, and the freethinkers.

FAIL.

But above all these, there are people who listen to God’s Word, welcome it, and understand it in full detail. They are the SOIL-TYPE. We have no need to describe these people, since it is enough for them to entrust themselves to God’s Will, for they know that God will take care of their every need. And once they are blessed materially and spiritually, they fulfil their duty of sharing it to others and bringing souls nearer to God. Their motto is Solo Dios basta! The examples of this are the saints, and the Holy people who, though anonymous, are striving hard to bring God’s Kingdom here on Earth.

TOP.

Now, the message is so clear that we should ask ourselves, In which type of believer do we belong? It is only for us to answer and for God to confirm. Throughout the years of encountering God’s Word both through the Sacraments and through our daily endeavour with others, are we fully giving attention to it? Or are we like the other types that, in one way or another, do not give attention to God’s Word AT ALL?

And so, Jesus invites all of us who are faced by these four types of believers. All you who has ears, SHEMA! LISTEN!

If you are a Path-type, listen and welcome God, and he will take away the evil one from your being.
If you are a Stone-type, listen and welcome God, and he will guide you out of your misunderstanding, towards a brighter understanding of His will for you.
If you are a Thorn-type, listen and welcome God, and he will wipe away the worldly being in you. Let him teach you the path of Divine righteousness, something which is different from your view of fulfilment.
And if you are a Soil-type, continue to listen and welcome God in your being. Continue to be His servant. Continue to be of service to him, to the Church, and to your brothers and sisters in need. Continue to be blessed and be a blessing to others. Continue to bear fruit, thirty, sixty, even a hundredfold!

And so we pray...

Jesus, you are the sower who continues to scatter the Good News of Salvation throughout the world. You don't let us be like the path, stone or thorns who do not give proper attention to your utterance. You would want us to be like the good soil wherein you dwell, grow and multiply within our beings. Continue to shower us with your blessings, that as we listen to your word and ponder from it, we may grow and be fruitful Christians who may lead others to your Father, some thirty, some sixty and others a hundredfold.

You live and reign forever. Amen.

Saturday, July 2, 2011

TANGGAP na TANGGAP

July 03, 2011
Fourteenth Sunday in Ordinary Time
 Zec 9,9-10. Rm 8,9.11-13
Mt 11,25-30
===
Noong Biyernes, nagnilay tayo tungkol sa paanyaya ni Hesus na magpahinga ang lahat ng mga napapagod na. Saan nga ba ulit magpapahinga? Siyempre, sa kanyang mapagmahal at banal na Puso. Di ba nga, kung sa wika natin, ay nababalewala ang PUSO, sa wika ng Diyos, ito ay pinagmumulan ng pamamahinga at kabanalan para sa atin.

Iisa lang ang Mabuting Balita natin noong Biyernes at ngayong Linggo. Iisang paanyaya, iisang taong nag-aanyaya upang magpahinga tayo. Iisa ang mga taong iniimbitahan, walang iba kundi tayong lahat.
Pero sa araw na ito, magnilay naman tayo sa panalangin ni Hesus sa simula ng ating Ebanghelyo. Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mgabagay na ito sa marurunong at inilahad sa mga may kaloobang tulad ng isang bata. Ito nga ang ikinalulugod mo!

Matatanong natin, Bakit nga ba hindi pinatungkulan ni Hesus ng kanyang pagtuturo ang mga marurunong sa Israel noong mga panahong iyon, sa halip ay itinuon niya ang kanyang intension sa mga maralitang umaasa sa paglingap ng Diyos: mga balo, mga inaalihan ng diyablo, mga bata, at yung mga nasa lower class ng lipunan?

Di ba nga, kapag wala tayong sakit, hindi na natin iniisip na magpatingin sa doktor kasi nga maayos naman ang pakiramdam natin, at saka lang tayo pumupunta sa kanya kapag masama ang pakiramdam natin?  Ito rin ang nais na iparating ni Hesus sa kanyang panalangin. Hindi na kailangan ng mga marurunong ang pagtuturo, ang mga Punong Pari, mga Pariseo, Saduceo, at yung mga matatanda ng bayan. Ang tama sa kanila ay palaging tama, hindi ito magbabago sa katagalan ng panahon.

Para nga sa kanila, sagabal si Hesus sa kanilang mga balak at sumasalungat sa kanilang mga paniniwala. Kaya nga sa bandang huli, dala ng kanilang mga ‘tamang’ paniniwala, ipinapatay nila si Hesus at pinag-usig ang kanyang mga alagad. Hindi sila nagtagumpay, at sa Muling Pagkabuhay ni Hesus, lalong tumatag ang kanyang mga itinuro sa taong-bayan.

Sila na nakapakinig kay Hesus, at mga nakakita sa kanyang mga kababalaghan, sila ang higit na biniyayaan ng Diyos. Bakit? Tulad ng isang bata na nakikinig sa utos ng kanyang magulang, nakikinig silang lahat sa mga turo ni Hesus. Kahit na walang pinag-aralan, iniintindi ang bawat salitang nagmumula sa kanilang Rabbi. At kahit na pinagkakaitan at kinakalimutan ng lipunan, sila ang pilit na tumutupad sa kalooban at tunay na hangad ng Diyos, taglay ang kababaang-loob at kalinisan ng puso.

Silang mga maralita ng Israel, kahit na pinakahamak sa mata ng tao, ang mga mapapalad sa paningin ng Diyos. Dala ng kanilang pagtitiwala sa kaligtasang bigay niya sa kanila, ay nagpapakilala ang isang Diyos na nagmamahal sa kanila, nakikinig at nagkakaloob ng pamamahinga na nagmumula sa Puso ng habag: lumapit kayo sa akin… at kayo’y pagpapahingahin ko!

Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak, at yaong marapat na pagpahayagan ng Anak. At umabot sa ating panahon ang kagandahang-loob ng Panginoon sa pamamagitan ng Inang Simbahan na nagpatuloy ng mga nasimulan ni Hesus. Sa pamamagitan ng Banal na Iglesya Katolika, ay umabot sa ating kultura, kamulatan at pagka-unawa ang mga tinuro at ginawa ni Hesus. Sa bisa ng Binyag, ay tinawag tayo na anak ng Diyos na iniligtas mula sa kasalanan. At patuloy na ipinapasa sa atin ang Mabuting Balita na nagmumula sa Panginoon.

Dito papasok ang tanong: Paano ba natin tinatanggap ang salita ng Panginoon: tulad ba ng mga marurunong na pinagwawalang-bahala ito, o tulad ng isang maralita na wala nang inaasahan kundi ang Diyos? Sa ating pakikinig sa Salitang banal ng Panginoon, pinipilit ba nating isabuhay ito at maging halimbawa sa iba? O tulad ng mga marurunong, hindi na ba natin kailangan ang kahit na ano mula sa Diyos sapagkat iniisip na nating nasa atin na ang lahat, at sagabal lang siya sa ating mga plano?

Isang bagay lang bilang pagtatapos. Kung tinatanggap natin ang Salita ng Diyos, at tinutupad ang lahat ng nakasaad doon, tiyak na tayo rin, tulad ng mga maralita ng Israel na pinagkalooban ng biyaya na makita ang Panginoong Hesus ng harapan, ay magiging marapat na panahanan ng kanyang Espiritu, na siyang magdadala sa atin sa ganap na pamamahinga, isang pamamahinga na tanging Diyos lang ang nagbibigay at nagkakaloob.

ISANG PANALANGIN…
Panginoong mahabagin, salamat dahil minarapat mong ipahayag sa amin ang iyong salitang nagkakaloob ng ganap na pamamahinga para sa amin. Sa halimbawa ng isang bata, tanggapin nawa namin ang salitang ito ng bukal sa puso, at sikapin nawa naming mabuhay ayon sa iyong mga atas. AMEN.


Thursday, June 30, 2011

Pusong ng Pagmamahal. Puso ng Pamamahinga.

July 01, 2011
SOLEMNITY OF THE SACRED HEART OF JESUS CHRIST
Dt 7,6-11 . 1Jn 4,7-16
Mt 11,25-30
===

Siguro, iilan na lang ang hindi nakakaalam na ang Puso ang itinuturing na sentro ng mga emosyon ng tao. Kapag tumibok daw ang puso, ibig sabihi’y may nais tayong patungkulan ng pagmamahal. Kapag nasaktan ang puso, ibig sabihin, nasawi na tayo sa pag-ibig. Kapag naman nasobrahan tayo sa taba, ang uwi niyan ay atake sa puso, at kapag nasobrahan pa nga ay libingan na ang dulo.  Puso na nga siguro ang isa sa mga naaabusong bahagi ng katawan natin, madalas pa nga ay pinagwawalang-bahala ito.

Subalit kapag inilagay natin ang Puso sa Kristiyanong dimensyon, iisang bagay ang unang pumapasok sa isipan natin: ang Kamahal-mahalang Puso ng ating Panginoong Hesus. Isang Puso na hindi nagkakamali sa pagpili ng mamahalin. Pusong hindi nag-aalangan na magmahal kahit na sa taong pinakakinakalimutan na. Pusong iniaalay ang buhay ng palagian para sa mga makasalanan.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay nakatuon sa isang paanyaya: Lumapit kayo sa akin, kayong mga nahihirapan at nagpapasan ng mabigat, at kayo’y pagpapahingahin ko. Isa itong paanyaya ng isang mahabaging Diyos, na nalalaman ang ating mga paghihirap, mga tiisin at problema. Alam ng Diyos na ito ang ating mga pamanhik, mga naisin, mga hirap at tuwa. Alam nga ito ni Hesus, at dahil dito’y nag-iimbita siya: Lumapit kayo sa akin… pagpapahingahin ko kayo!

At saan pa nga ba magmumula ang pahingang ibibigay ni Hesus, kundi mula sa Kanyang Mabathalang Puso! Dito niya ibinibigay ang kanyang mga biyaya, dito niya ibinubuhos ang kanyang awa sa atin, at dito bumubukal ang lahat ng mga pagpapalang nagmumula sa kanyang Ama para sa ating lahat na makasalanan!

Bakit hindi na natin nakikita ang biyayang ito? We always spend our every day in worldly affairs, in sex and drugs. We tend to place the burden in ourselves, and often forget the Divine Providence that God lays in store for us! Trabaho tayo ng trabaho, lakad ng lakad, kung anu-ano na ang mga pagkakaabalahang ginagawa natin. Pinapatay na tayo ng stress, pero tinatago lang natin ito sa ating nga sarili, ni hindi nga natin naisip na ipagkatiwala ito sa iba!

Akala ba natin, wala nang makikinig sa atin? Iniisip ba nating wala nang dadamay sa atin, na wala nang magmamahal?

DEUS CARITAS EST! Hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. (Ikalawang Pagbasa)  Ang Diyos ang bukal at kabuuan ng pag-ibig! Sa Pusong mahal ni Hesus, naroon ang isang nakakaintinding Diyos, isang nakakaunawang Diyos, isang nagmamahal na Diyos! Habang ang buong mundo ay kinalimutan na tayo at binalewala, narito si Hesus! Narito ang Puso niyang patuloy na nagmamahal at umaakay sa atin!

Ang Pagmamahal na ito ay nakikita rin natin, nalalasap at nararamdaman. Ito ay nasa Banal na Sakramento ng Eukaristiya! Sa Katawan at Dugo ni Kristo na ating natatanggap, tayo ay nabibigyan ng pagkakataon na maramdaman at maranasan ang hiwaga ng pagmamahal at pagpapahingang handog ni Kristo para sa nagtitiwala sa kanya. Ito na nga ang dakilang pagpapahiwatig ng pagmamahal ng Diyos!

Kung sa ating lengwahe, ang puso ang pinaka-inaabusong bahagi ng katawan ng tao, sa lengwahe ng Diyos, ito ang pinagmumulan ng pagmamahal niya at pamamahinga para sa tao. Hindi natin makikita ito sa kahit saan pa, kundi sa isang Puso na dakila at mapagmahal, isang Puso na pinagmumulan ng mga biyaya at awa para sa ating lahat. Ito ang Puso ni Hesus. Ito ang Puso ng Pamamahinga at Pagmamahal.



Sanctissimi Cordis Iesu, miserere nobis!

Tuesday, June 28, 2011

Stood and Guided

June 29, 2011
SOLEMNITY OF SAINTS PETER AND PAUL, APOSTLES
Ac 12,1-11 . 2Tm 4,6-8.17-18
Mt 16,13-19
===

We stand unshaken on one rock!
We are guided on one teaching!
We have no fear, we continue our journey,
As One Church: Holy, Catholic and Apostolic!

Never would we stumble upon the devil’s snare,
Nor do the darkness reign over us.
Always does the Lord love us,
Through his blood, he saves us!

To Peter the Fisherman he entrusts the Church,
Giving him the Keys of the everlasting Kingdom.
Hades will never triumph over it;
Death would never prevail in its ports!

Paul stands bearing Christ the Light,
Guide to the gentiles and stronghold of nations.
Once did he persecute the community of believers,
But he died defending the faith sealed on the Cross.

Peter and Paul! Your blood strengthens the faith!
Your life is holy simplicity, your martyrdom great victory!
You led the flock to the knowledge of the Divine;
You left an example through a life of love and sacrifice.

Blessed would always be the Ecclesia!
Blessed forever is the believer in Christ the Lord!
Trials would always come along our way,
But we will always stand, strong and pure!

Blessed be Peter, the leader and key-holder!
Blessed be Paul, the eminent teacher!
Two great Apostles and Fishers of men,
Two great Pillars, Inspiration and Witness!

Pray for the Church, the Pope and Bishops,
Pray for the Clergy, Laity and Religious.
Pray for the continuous propagation of the Faith
Amongst peoples, tongues, race and nations.

We stand unshaken on one rock!
We are guided on one teaching!
Christ leads us to Eternal Life,
At the end of days, with Him we live!


Saturday, June 25, 2011

Mahal tayo ng Diyos, kaya may Misa!

June 26, 2011
SOLEMNITY OF THE BODY AND BLOOD OF JESUS CHRIST
(CORPUS CHRISTI)
Dt 8,2-3.14b-16a . 1Cor 10,16-17
Jn 6,51-58
===

Kamusta ang Misa na dinadaluhan mo ngayon? Pang-ilang Misa mo na ito sa buwang ito? Sa taong ito? Sa tanang buhay mo? Nabibilang mo pa ba sa daliri mo kung ilang Misa na ang pinuntahan mo?Kung ilang beses mo nang pinakinggan ang Salita ng Diyos to the sleeping point? O kung ilang beses ka nang pumila para tanggapin ang Ostiya na parang simpleng pagkain lang para sa iyo?

Ano ang pakiramdam na muli ka pang nagkaroon ng pagkakataon upang maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa Sakramento ng Eukaristiya? Naa-appreciate mo pa basi Hesus sa anyongTinapay at Alak? Nakikita mo ba sa likod ng pagkain at inuming ito ang pagmamahal sa iyo ni Hesus? Ramdam mo bang buhay sa iyo si Hesus?

O isa na naman itong Misang ito sa mga nagdaang Misa na   pinagwalang-bahala mo? Dumalo ka lang ba para masabing, ‘yan! Nakasimba na ako! Tapos na ang obligasyon?’

Marami bang tanong? Sandali!

Naisipan ko lang naman na itanong ang mga ito dahil madalas na kasing nakakalimot ang mga kapatid natin sa kung ano’ng meron sa Banal na pagdiriwang! Dala ng makabagong mga pananaw, dahan-dahan na ring nawawala sa sirkulasyon ang pagkilala sa presensya ni Hesus sa Misa. Kesyo isang makalumang bagay na lang daw ang Misa, kasama ng pagkilala sa ating pananampalataya sa kabuuan nito.

Sa totoo nga nyan, parang kakaiba na ang turing sa iyo kapag sinabi mong, ‘nagsimba ako’ sa mga kamag-anak mo na nagtatanong kung saan ka galing. Mas tatanggapin pa nila kung sasabihin mong nagpuntaka sa mall o sa bahay ng kumare kesa sa manggaling ka sa simbahan upang making ng Misa. Dagdag pa diyan ang turing sa iyo na para kang santo dahil dumalo ka sa Eukaristiya, at dahil dyan ay hindi ka na nila maabot.

Makabago, no? At tunay na kakaiba sa ating panahon. Pero ito nga ang totoo! Kasabay ng pagkawala ng pagkakilala sa IsanTatlong Diyos, ay nawawala na rin ng dahan-dahan ang respeto sa Banal na Sakramento. Mula sa pananamit (pasintabi sa mga naka-micromini at backless dyan!), hanggang sa karumihan ng ating mga kaluluwa (tapatan po, sino sa inyo ang nangumpisal bago ang Banal na Misang dinaluhan ninyo?), napakalayo na ng ating pagkilala sa Sakramentong ito ng kaligtasan natin. Mula sa hapag ng kabanalan at pagkakaisa, ito ngayo’y naging isang ordinaryong bagay na lang sa atin para puntahan at daluhan.

Buksan ulit natin ang ating kamalayan! Hindi lamang ordinaryong tinapay ang ating tinatanggap sa bawat Misa! Sinabi nga ni Hesus sa karamihan, Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan! Muli ko siyang bubuhayin sa huling araw! Ang katawan niyang ibinigay sa atin sa Huling Hapunan ay ang parehong Katawan na ating tinatanggap sa Banal na Misa. Ito ay nagdudulot ng iisang biyaya, Buhay na walang hanggan. Buhay na kasama at kapiling ng Diyos. Buhay na palagi niyang ipinagkakaloob sa atin!

Ang tinapay na ito ang nagdadala sa atin sa ganap na pagkakaisa at pagbubuklod bilang iisang Simbahan, Iisang katawan in Christi capitis! Sabi nga ni Pablo, yamang isa lang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay! (Ikalawang Pagbasa) Sabi nga nila, sa bawat Misa ay nagsasama ang langit, lupa at ang mga kailaliman upang magsalo sa iisang piging ng kaligtasan. Ang patikim ng langit sa lupa, iyan pa nga ang tawag sa Misa, dahil sa mahiwagang pagkakaisangi to. Nakakapangilabot kung iisipin subalit pinagwawalang-bahala na rin ito sa panahon natin ngayon.

Marami tayong mapagninilayan tungko sa Sakramento ng Eukaristiya, na siya nating ipinagdarangal ngayon. Pero bago tayo lumalim, ay pakaisipin natin ang paraan ng ating pagtanggap sa panahong ito. Ang Eukaristiya ay hindi lamang parang TV show na pagkatapos panoorin ay tapos na; ito ay isang sagradong kaganapan. Ito ay ang pagpapakita ng Diyos ng kanyang pagmamahal, at ito rin ang manifesto ng ating pagkakaisa! Nakikipag-usap si Hesus sa atin sa bawat Misa, at higit pa riyan ay ipinagkakaloob niya muli’t-muli sa atin ang kanyang Katawan at Dugo para ating pagsaluhan.

Kung may bagay pa nga na hindi nagbabago sa ating panahon, ito ay ang pag-ibig ng Diyos. Ito ay palagian nating nararanasan sa Eukaristiya. Kapag nawala na ito sa ating sirkulasyon, marahil ay kasabay na nitong mawawala ang ating pagkilala sa Diyos at sa ating kaligtasan. May Misa, kasi mahal tayo ng Diyos. Nagkakasala man tayo, subalit sa bawat pagsimba natin ay patuloy nating nararanasan kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa atin. Ito ang totoo!

Ito ang hamon sa atin sa araw na ito: Mahalin ang bawat Misa na ating dinadaluhan. Ipagpitagan ang dakilang gawain ng Diyos para sa ating lahat na makasalanan. Ihanda ang ating sarili bago tanggapin si Hesus sa komunyon. Magsuot ng mga nararapat na damit bago pumunta sa Misa. Pakinggang mabuti ang bawat Salita ng Diyos sa Liturhiya. Tumugon ng nararapat na sagot at awitin. Sa ibang salita, Ituring ang Misa na pinakamahalaga sa ating mga lingguhang gawain, at isunod ang ating mga naisin at ginagawa sa araw-araw sa lingguhang Pagdiriwang ng kabanalan at pagkakaisa.

Sa mga darating na pagkakataon, ay magkakaroon na ng pagbabago sa ating mga pagdiriwang, lalo na sa mga pagsagot natin sa Misa. Ang dating And also with you, ngayo’y magiging And with your spirit.Dati, Lord ,I’m not worthy to receive you, ngayo’y magiging Lord,I’m not worthy that you should enter my roof. Malapit na ring magbago ang mga pagtugon sa Filipino Mass. Isa itong malawakang pagbabago sa ating paraan ng pagdiriwang, subalit iisa pa rin ang ipinagdiriwang at iisa pa rin ang ating tatanggapin rito, ang Katawan at Dugo ni Kristo. Kung ngayon pa lang ay hindi na natin pinahahalagahan at nauunawaan ang hiwagang Eukaristiya sa paraan ng pagdiriwang natin, paano pa kapag dumating na ang pagbabago? Tameme na tayong lahat?

Kaya nga, buksan natin ang mga puso natin at muli-muling tanggapin si Hesus. Siya ay dumarating sa anyong tinapay at alak upang ipaunawa sa atin ang kanyang mga naisin. Siya ang magbubukas ng ating mga isipan sa mga naisin niya para sa ating mga buhay at para sa kanyang minamahal na sambayanan. Muli’t muli niyang ipinapahiwatig ang kanyang pagmamahal para sa atin, at ang hangad niyang ibigay sa atin ang buhay na walang hanggan. Palagi naman niya itong inilalaan sa atin sa Sakramento ng Eukaristiya. Ang kulang lang ay ang ating pagtanggap at pagmamahal rito. Mahal tayo ni Hesus, kaya may Eukaristiya!

Panis Angelicus!

Thursday, June 23, 2011

ANO'NG MERON?

June 24, 2011
SOLEMNITY OF THE BIRTH OF JOHN THE BAPTIST
Is 49,1-6 . Ac 13,22-26
Lk 1,57-66.80
===
Maulan at bumabagyo sa araw na ito. Wala pang pasok, kaya makakapagpahinga tayong lahat na may pasok. Pero sa ilang bayan, magandang pagkakataon ang araw na ito upang magbasaan at magpista dahil sa selebrasyon ngayong araw na ito.

Wow! Ano'ng meron?

Ito siguro ang nasa isipan ng mga kapitbahay nina Elisabet at Zacarias noong sumapit ang sandaling isinilang na ni Elisabet ang kanyang nag-iisang anak. Isipin nyo naman, baog si Elisabet, Matanda na sila pareho, tapos nakapagsalita pa si Zacarias na napipi ng siyam na buwan? Napaka-imposible namang maganap ng mga nabanggit sa ating Ebanghelyo sa araw na ito!

Ngunit bago tayo magpatuloy, ay balikan natin ang mga nagdaang mga pagkakataon. Alam natin na sa panahon ni Hesus at ni Juan, ay itinuturing na sinumpa at pinarusahan ang mga mag-asawang hindi magkaanak, lalo na ang mga baog. Ang isang bagong-silang, at ang mga anak na nagmumula sa dalawang mag-asawa ay tanda ng biyaya ng Panginoon, na kinalulugdan sila ng Diyos. Ngayon, sina Elisabet at Zacarias ay isang banal na mag-asawa na naninirahan sa kaburulan ng Judea. Banal ang kanilang pamumuhay, at masunurin sa atas ng Panginoon. Pero may twist, sila ay walang anak. Baog kasi si Elisabet, at pareho na silang matanda kaya wala na talagang pag-asa na magkaroon pa sila ng supling.

Matatandaan natin na sa pagdiriwang ng Pista ng mga Hudyo, ay si Zacarias ang nakatokang manguna sa pag-iinsenso at pananalangin sa Dakong Banal ng Templo. Subalit may hiwagang nagpakita sa kanya, si Gabriel na Anghel ng Panginoon. Ipinahayag nito sa kanya na may isisilang siyang isang lalaki, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Propeta Elias. Siya ang magiging tagapanguna sa pagbabalik-loob ng mga Israelita. Siya nga ang mangunguna sa paglalaan ng daan para sa Panginoon.

Pero ano'ng nasa isip ni Zacarias? 'Ano'ng Meron? Ako? Magkakaanak?' Hindi talaga siya makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Gabriel. At napuno ang kanyang isipan ng pagtataka, na dahil dito ay kanyang nasabi, Paano ko pong matitiyak na mangyayari iyan? Ako'y matanda na at gayundin ang aking asawa. Dahil dito, ay naglapat ng mahiwagang tanda si Gabriel kay Zacarias. Dahil sa hindi ka naniwala sa mga sinasabi kong matutupad pagdating ng takdang panahon, ikaw ay magiging pipi. Hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga ito.

Lumipas nga ang ilang linggo at nagsimula na ang katuparan ng mga pahiwatig ng Anghel. Naglihi na si Elisabet! Isa itong tanda ng paglingap para kay Elisabet, Ngayo'y kinahabagan ako ng Panginoon. Ginawa niya ito upang alisin ang sanhi ng aking kahihiyan sa harap ng mga tao! Samantala, nalaman ito ng mga kapitbahay nila at nagtaka rin sila. Ano'ng meron? Si Zacarias naman, ayu't hindi makapagsalita, naipi kasi siya. Tahimik lang niyang tinitignan ang mga nagaganap sa kanyang paligid. Nagtataka't nag-iisip, Ano'ng meron?

Lumipas na nga ang siyam na buwan, at sa sandaling isinilang ni Elisabet ang bata, silang lahat ay tuwang-tuwa. Naging instant headline ang mag-asawa, at malamang ay naging laman sila ng kuwentuhan ng mga babae sa mga lansangan. Imposible nga naman itong mangyari, pero naganap! Ano'ng meron sa kanila?

Makalipas naman ang walong araw, ay naganap ang pagtutuli sa sanggol. Nais nilang lahat, Zacarias rin ang ipangalan sa bata, ngunit pinili ni Elisabet na ipangalan sa bata ang Juan, Yohannan, mapagbiyaya ang Diyos. Pinagtalunan pa nga ito ng madla, dahil sa tradisyon ng mga Hudyo, ipinapangalan sa mga ama at mga ninuno ang mga anak. Pero iba ang nais ni Elisabet! Ano na namang meron? Dahil diyan, ay hiningi nila ang payo ng ama ng bata. Humingi nga si Zacarias ng masusulatan at sinulat niya ang bagay na mas magdadala ng pagtataka sa taong-bayan. 

Ioannes est nomen eius!

At matapos nito, ay nawala ang pagkapipi at nakapagsalita na si Zacarias! Benedictus Deus Dominus Israel! Lubos itong pinag-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga naganap sa tahanan nina Elisabet at Zacarias, at ang kanilang tanong: Naku! Ano'ng meron sa batang ito? Obvious na sumasakanya ang Panginoon! 

Isinilang si Juan, at nagsimulang umalingawngaw ang tinig sa ilang.  Napakamahiwaga ng araw na ito. Sa pagsilang kay Juan Bautista, nagdala ng paglingap ang Diyos sa kanyang minamahal na bayan, isang pasimula sa kaligtasang paparating. Sa hindi nakakaunawa, mapapabulalas rin sila sa pagtataka, Ano'ng meron?

Ang pagsilang ni Juan ang nagbigay ng buhay sa tigang na sinapupunan. Walang anak sina Elisabet at Zacarias dahil sa pagkabaog at katandaan. Pero sa pagdating ni Juan, umusbong ang buhay sa kanilang kawalan. Imposible itong maganap sa kapanahunan nila, subalit pinag-adya ng Panginoon upang maging tanda ng kanyang pagmamahal sa mga taong tapat sa kanya.

Nagbalik ang boses ni Zacarias sa pagsilang kay Juan. Si Zacarias ang tipo ng taong kailangan muna ng pruweba para maniwala. Dahil dito, siya'y napipi. Subalit pinanganak si Juan at bumalik ang kanyang tinig. Malinaw na sa kanya ang lahat, at siya'y napasigaw sa papuri. Makikita natin dito ang kapangyarihan ng Diyos na mapag-ganap ang lahat ng bagay, na walang imposible sa kanya!

Si Juan ang tulay sa kaligtasan ng bayan ng Diyos. Pansinin natin, isinilang si Juan sa matatandang magulang, samantalang si Kristo ay isinilang kay Birhen Maria at age 14 or 16. Ito ang tanda ng pagwawakas ng Lumang Tipan, at pasimula sa Bagong Tipan kay Kristo. At si Juan ang tumayong tulay na nag-uugnay sa mga propesiya noon at sa katuparan nito sa pagdating ng kanyang pinsang si Hesus.

Eh, ano'ng meron, sa panahon natin ngayon? Malinaw na ang kapanganakan ni Juan ang nagpasimula sa pagdating ng kaligtasan sa Israel. Sa panahon natin ngayon na napapaligiran ng kawalan ng pananampalataya, tinatawag rin tayong manguna sa pagbabalik-loob ng ating kapwa pabalik sa Diyos. Hindi na natin kailangan ng mga kababalaghan upang tawagin ang ating mga naliligaw na kapatid pabalik sa tuwid na mga gawi. Kailangan lang nating maging tapat at mabuti sa ating iniisip, sinasabi at ginagawa. Pagmamahal na higit sa Diyos at sa kapwa bago

Matatanong natin sa ating sarili, Paano tayong tumatayong tanda sa pagdating ni Hesus sa makabagong panahon? Sa ating buhay-pananampalataya, makikita bang malinaw sa atin ang pagdating ng kaligtasan? Nagiging dahilan ba tayo ng pagbabalik-loob ng ating kapatifd? Tulad ni Juan, palagi bang Adbiyento sa ating mga buhay sa paghahanda sa Pasko ng Kaligtasan?

Ano mga'ng meron sa araw na ito? Simple lang ang sagot: Ang pagsilang kay Juan Bautista at pagsilay ng bukang-liwayway ng ating kaligtasan. Hamon sa atin ngayon na tulad ng kapanganakan kay Juan na nagdala ng tinig sa ilang, tayo rin ay magsilbing tinig at mukha ng kaligtasan na dumarating sa atin sa pamamagitan ni Hesus. Sa una, mapag-iisip ang ating mga kapatid at masasabi nila, Ano'ng meron? pero sa sigasig ng ating ministeryo at sa higit nating pananalangin, maaakay rin natin sila patungo sa Diyos.

Sunday, June 19, 2011

May nagmamahal, kaya may Nagbibigay

June 19, 2011
SOLEMNITY OF THE MOST HOLY TRINITY
Ex 34, 4b-6.8-9 . 2Cor 13,11-13
Jn 3,16-18
===


GLORIA PATRI ET FILIO, ET SPIRITUS SANCTO...

Sinabi ni Rizal, Filipinos don't realize that victory is the child of struggle, that joy blossoms from suffering, and redemption is a product of sacrifice. 

Sa kanyang buhay, itinaguyod ni Jose Rizal ang paglaya ng ating minamahal na bayan mula sa pagkaalipin sa mga Kastila. Sa pamamagitan ng kanyang mga panulat at akda, pinasimulan ang isang malawakang rebolusyon na nauwi sa pagpapalaya ng ating bansa mula sa mga mananakop. Higit sa lahat, inialay niya ang kanyang buhay upang sa pamamagitan nito ay mabuhay sa ating mga puso ang tunay na pagmamahal sa bayan na para rito ay dapat handa tayong ialay ang lahat-lahat.

It kills you to see them grow up. But I guess it would kill you quicker if they didn't.

Halos ganito rin ang pinagdadaanan ng makabagong ama sa ngayon. Sa mga pamilyang nawalan na ng ilaw ng tahanan, makikita natin ang mga haligi nito na doble-kayod at todo sa pagsisikap upang maiangat ang kanyang mga anak mula sa kanilang kabataan at maging ganap na tao sa lipunan. Mga ama na handang gawin ang lahat basta may maipakain lang sa mga nagugutom na supling; upang maipasok sila sa magandang paaralan; upang maibigay sa kanila ang mga pangangailangan nila.

Araw ng Kapanganakan ni Rizal. Araw ng ating mga Ama. Dalawang mahalagang okasyon sa ating bayan na natapat sa araw ng Linggo, na sa Simbahan ay nakatakda sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng ating Banal na IsanTatlong Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo.

May Nagmamahal, kaya may Nagbibigay. Pinatunayan ito ni Rizal. Alam ito ng dakilang mga ama. Higit sa lahat, pinatutohanan ito ng ating Panginoong Hesus sa kanyang kamatayan sa Krus bilang pagtupad sa kalooban ng Ama.  Sa isang malinaw na pananalita, ipinahiwatig ni Hesus ang malaking pag-ibig ng kanyang Ama para sa ating lahat na dahil dito, ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 

Sa kanyang ministeryo sa bayang Israel, ipinahayag ni Hesus ang Mabuting Balita, nagpagaling ng maysakit, at nagpalayas ng masamang espiritu, na ilan sa mga tanda ng pagkakasugo sa kanya ng Ama mula sa Langit. Ngunit higit sa lahat ng ito, tinupad niya ang kalooban ng kanyang Abba sa kanyang kamatayan sa Krus at Muling Pagkabuhay. Sa mga nananampalataya sa kanya, ay isinusugo ang Espiritu Santo upang maging matatag siya sa pagganap ng Kristiyanong Misyon sa daigdig, ang magmahal sa Diyos ng higit sa lahat at ang magmahal sa kapwa gaya ng kanyang sarili.

Dakilang Pagmamahal, ito ang daloy ng pag-iral ng Santisima Trinidad. Ito ang dahilan ng kanyang pagtubos sa sa ating makasalanang lahi! Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, kahit na tayo ay patuloy sa pagsuway, ay patuloy tayong nabubuhay at ginagabayan sa ating mga sasabihin at gagawin. Ito ang siyang magdadala sa atin sa tunay na kaligtasan, basta sumasampalataya lang tayo!

Sa bandang huli, ipinahayag ni Hesus, Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. Isa ito sa mga bagay na ating nararamdaman ngayon, hindi lang sa labas ng ating Simbahan, kundi pati na rin sa loob ng Kawan ng Diyos! Tama si Rizal nang sabihin niyang nakakalimot na tayong mga Pinoy na kailangan ng pagsakripisyo upang makamit ang pagtatagumpay ng Inang Bayan. Ngunit sa Kristiyanong pananaw, may mas malalim na interpretasyon rito, at tunay nga na nangyayari sa ating lipunan sa ngayon!  We are already forgetting in greater strides the Gospel of Redemption of God our Father revealed in Jesus Christ and enlightened by the Holy Spirit! 

Sa modernong panahon na kinapapalooban ng teknolohiya at magaang pamumuhay, dahan-dahan nang inaalis sa sistema ng tao ang mga tamang pananaw tungkol sa Diyos at tungkol sa Banal na Pamumuhay. Wala nang kuwenta ang Diyos, ang mahalaga ay ang kanilang mga sariling pagsusumikap para maiangat ang sarili at ang pamilya sa kahirapan. Masakit, pero ito ang ating realidad sa ngayon. At ang realidad na ito ang magdadala ng kaparusahan sa kanila na hindi tumatanggap sa Mabuting Balita ng ating Panginoon!

Tignan natin ang ating mga sarili at pakasuriin: Pinapahalagahan ko pa ba at sinasampalatayanan ang Misteryo ng Dakilang Pagmamahal ng Banal na IsanTatlo? Sa aking pamumuhay, patuloy pa ba akong gumagawa para sa banal at mabuting dahilan, o tulad ng nakakarami ay pinawawalang-halaga ko na lang ang pagtubos sa akin ni Kristo? Dala ng aking pagmamahal, handa ba akong ibigay ang aking sarili para sa paglilingkod sa iba, tulad ng halimbawa ng aking Panginoon? 

Marami tayong ipapanalangin sa araw na ito, tulad ng mga ama natin, o ng mga taong patuloy na lumalaban para sa ganap na kalayaan ng ating bayan. Subalit sa ngayon, wag makakalimot na mag-alay tayo ng panalangin para sa mga kapatid nating natangay na ng agos ng makabagong panahon at hindi na sumasampalataya sa Diyos. Marami na sila sa ating paligid ngayon, marami at higit na dumarami. Ipanalangin natin na sana ay magabayan sila ng liwanag ng Banal na Espiritu upang muli silang makaunawa sa tinanggap nilang pananampalataya at makabalik sa ating komunidad.

Gawin rin natin ang ating mga tungkulin bilang Kristiyanong mamamayan, at patuloy tayong mabuhay sa kabanalan at katuwiran. Mahirap na ngang mabuhay ng ganito sa ngayon, subalit huwag matatakot! Kasama natin ang Diyos. 

Sa atin na sumasampalataya sa IsanTatlong Diyos, patuloy nawa nating maunawaan ang mga salita ni Rizal, that victory is the child of struggle, that joy blossoms from suffering, and redemption is a product of sacrifice. Naganap ito sa misteryo ng ating kaligtasan. Kaligtasan na bunsod ng isang Dakilang Pagmamahal. May Nagmamahal, kaya may Nagbibigay.