Nobyembre 20, 2011
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGHAHARI NI HESUKRISTO SA SANLIBUTAN
Pagtatapos ng Taon Liturhikal (Cycle A, Year I)
Ez 34,11-12.15-17 . 1Cor 15,20-26.28
Mt 25, 31-46
===
Naalala ninyo pa ba ang mga poster noong May na nagsasabing malapit na ang katapusan? May mga nagsabing sa pagdating ng partikular a araw na ito, magkakaroon ng rupture, at makikita natin sa itaas ang pagdating ng isang makapangyarihang pigura sa kasaysayan ng tao, isang dakilang Hari. Huhukumin na daw tayo at malalaman na natin ang ating kahihintnan.
Akala ng lahat, end of the world na. Naghihintay ang lahat, sa katunayan ay naging trending topic ito sa Twitter at Facebook. Samantalang lahat ay naghihintay kung totoo nga ang balita, ako naman ay nagsusulat ng rendisyon para sa Ur Dose sa linggong darating. May bahid man ng takot, nagpatuloy ako sa aking ginagawa, dahil nalalaman kong hindi pa ito ang tamang oras at marami pang pagdadaanan ang sangkatauhan.
Dumating nga ang oras. May nangyari ba? Opo. Nagtago sa kung saan ang pastor (Opo, Born Again siya, at hindi lang po ito ang unang beses na ginawa niya ito.) na nagpakalat ng isang maling balita. Lahat ng mga naghanda, napatingin na lang sa langit, nagtatanong kung paano maibabalik ang lahat ng kanilang naibenta dahil sa paghahanda. Sa ibang salita, ang mga nagpaloko ay lagpak, at ang nanloko ay nagtago... na naman.
===
May darating. Totoo naman, may magbabalik upang hatulan ang lahat. Sa pagtuturo ng Simbahan, sinasabi na sa wakas ng panahon ay babalik ang Panginoon, taglay ang di-matinkalang kapangyarihan upang hatulan tayong lahat. Classic example dyan ay ang mapapakinggan natin sa Ebanghelyo ngayong ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan, mas kilala sa bansag na Christ the King.
Sa Ebanghelyo, maririnig nating darating ang Anak ng Tao bilang isang dakilang Hari na kasama ang mga anghel. Uupo siya sa kanyang trono at titipunin ang lahat ng nabubuhay at pumanaw ula sa lahat ng bansa. Paghihiwalayin niya ito sa dalawang grupo, ang Right group at Left group. Marami siyang sinabi, subalit sa kalaunan, ang mga nasa kanan ay makakasama niya sa kaluwalhatian, at ang mga nasa kaliwa ay babagsak sa apoy ng Gehenna.
Halikayo at pumasok sa kaharian ng aking Ama!
Napagnilayan na natin ang Ebanghelyong ito noong inalala natin ang mga pumanaw na Kristiyano (Nobyembre 02, 2011). Sa mga taong walang inasahan kundi ang Panginoon, at gumawa ng mga paraan upang matupad sa kanilang buhay ang paghahari ng Diyos, wala na ngang naghihintay sa kanila kundi ang Buhay na Walang Hanggan. Sabi nga ni San Ignacio, turuan mo akong magbigay ng ayon sa nararapat na walang hinihintay mula sa iyo. Ano'ng inaasahan ko, kung gayon? Sa Oras na ako'y papanaw, ako'y mapapabilang sa mga hinirang mo.
Para sa tunay na mananampalataya, walang mahalaga kundi ang kanyang kaligtasan na magmumula sa tunay na Hari ng Langit at Lupa. Oo, may mga darating na pagsubok sa kanyang buhay, subalit hindi ito magpapabagsak sa kanya bagkus ay lalo pa itong maggdaragdag sa kanyang pananampalataya. Si Kristo nga ang kanyang personal na Panginoon at Hari, at sa pagtanggap ng mga Sakramento ay naipapahayag niya ang kanyang pagkilalang ito. Ang mga Sakramento rin naman ang nagbibigay sa kanya ng kakaibang lakas upang ipahayag si Kristong Hari sa iba.
Magsilayas kayo! Doon kayo sa apoy ng Impiyerno!
Pero hindi lahat ay kumikilala sa paghahari ni Kristo. Siyempre, may mga taong sagad sa buto ang kasakiman at hindi na nakikilala ang Diyos. Mas marami sila sa mga tapat, at iisa lang ang hangad ng Dakilang Hari, na sila ay mapabalik sa tunay na kawan. Mas marami, mas masaya lalo na kapag nasa piling ng Diyos! Ayaw niyang may mapahiwalay sa kanya, ngunit abot sa sukdulan ng sukdulan ang kasiyahan sa isang makasalanan na manunumbalik sa kanya.
Pero paano kung di talaga sila mapabalik? Paano kung sa kabila ng panawagan ng Panginoon at tanda ng panahon ay manatili sila sa pagiging masama?
Sabi nga ni Pablo, lahat ay mapapasailalim sa kapangyarihan ni Kristo. Ang lahat ng di-sumunod ay mapapatapon sa pagdurusa sa apoy ng Impiyerno. Kung hindi natin aalalahanin ang mga bagay na ito, malamang ay mapapasama tayo sa kanila.
Anuman ang gawin ninyo sa mga munti ninyong kapatid, ginawa na ninyo sa akin.
Sabi nga ni Michael Jackson, If you wanna make the world a better place, take a look at yourself and make a change! Sa konteksto ng ating pananampalataya, if you wanna be a part of God's kingdom, take a look at yourself and make a change... for the better!
Sabi ko nga kanina, paano natin maipapahayag na si Kristo ay hari sa ating buhay? Siyempre, ito ay sa pamamagitan ng isang lubhang banal na pamumuhay. Hindi ito isang buhay na banal sa labas ngunit salawahan sa kalooban. Ang buhay na nais ni Kristong Hari ay isang buhay na banal inside and out! Kung alam natin ang mga saligan ng pananampalataya, siguradong alam natin ang ating gagawin sa oras ng pangangailangan ng ating kapwa.

May darating nga ba? Opo. Pero kailan? Huwag na nating tanungin sapagkat ni sila man sa Langit ay walang nalalaman ukol rito, liban sa Diyos.Sa pagkakalarawan nga ni Pablo, tulad ito ng magnanakaw sa gabi. Hindi mo naman mahihintay kung darating siya. Basta ang mahalaga, sa oras na iyon, tayo ay handa, sa pamamagitan ng isang buhay na ganap at kasiya-siya sa paningin ng Panginoon.
Sa pagdating ng hari, tayong mga lingkod ay magsusulit. Sa pagtatapos ng Taong Liturhikal, tanungin natin sa ating sarili, Sa pagbabalik ni Kristong Hari, saan kaya ako mapapabilang, sa kanan ba o sa kaliwa? Nagsusumikap ba akong mabuhay ayon sa kalooban ng Diyos, o nagwawalang-bahala lamang ako?
Tandaan natin, mawala man tayo, si Kristo ay si Kristo pa rin. Ngunit gayun pa man, nagpapakita pa rin siya ng pagmamahal sa atin. Huwag nating sayangin ang pag-ibig na ibinibigay sa atin ng Hari ng Sanlibutan. Ipagbunyi natin siya, ipagdangal, at isabuhay ang kanyang mga turo sa ating ikabubuhay.
CHRSTUS VINCIT!
CHRISTUS REGNAT!
CHRISTUS IMPERAT!
No comments:
Post a Comment