Sunday, September 25, 2011

We May Say NO Now, But...

September 25, 2011
Twenty-sixth Sunday in Ordinary Time
Ez 18,25-28 . Phil 2,1-11
Mt 21, 28-32
===

I have heard this saying before, In life, we have many choices. We have the utmost freedom to decide on something. It only leads us to two options: YES and NO. If we decide, there's no turning back!

Come to think of it, we usually encounter moments when we are given options. Like when we decide to study or visit our FB account, like going to school or going to the mall, like caring for our parents or thinking of ourselves first. We are challenged to pick between two opposing choices.

If we see something important, or a priority perhaps, we easily say YES. But if it does not fit our standards, if we see that we are not benefited from something, we easily say NO. Sometimes we say maybe, but still it leads us to the  crossroads; we still need to choose between yes and no. And if we decide on it, we certainly mean it. Otherwise, we are to be considered as taong walang isang salita.

But does it apply at all times? How certain are we when it comes to our decisions?

Take for instance the parable of Our Lord in today's Gospel: The father goes to his two sons to work in his vineyard. One says NO, but after reflecting decides to go to work. Another says YES, but did not go to do his father's will. 

Like the father in today's Gospel, we see how the Lord calls us in our everyday life: at home, in work, at school, even through the most timid moment of our lives. He always whispers in the ears of our heart:  Come, follow me. 

Many say YES, and joyfully follow his path at the start, knowing that he feels safe and no harm would come his way. They are those who say promptly, Naku! Ang galing-galing ko! Nagse-serve ako sa Simbahan! Kilalang-kilala ako! Lahat ng bagay sa Parokya, ako ang nakakaalam, higit pa sa alam ng pari! Di tulad ni  ... at ni ...! Yet when problems arise along the way, he comes to ask, Kala ko ba walang ganito? Walang gulong darating sa buhay ko? Eh bakit ganito? Bakit ganiyan? Bakit? It continues until such time the person realizes that he can't take it anymore. He gives up at the end. 

On the other hand, some say NO, and says it for aplenty of reasons, like there's no time, it's a waste of time, or it will not suit his interests. But just when he is about to leave the trail, divine inspiration comes and he just can't take it but burst out to the top of his lungs: JESUS CHRIST IS LORD!!! (Second Reading) He later sees himself serving God through the Church, proclaiming the Gospel through words and deeds, ever ready to defend it to the point of his death.

And speaking of people saying NO, there would be no perfect example among our common folk like St. Lorenzo Ruiz, the first Filipino Saint, and whose feast we shall celebrate this week. Living in a simple family life with good Christian and Marian ideals, he was falsely accused of killing a Spaniard. Instead of facing the brute of the authorities, he opted to go to Taiwan to spare his life. But instead of saving it, fate took him to Japan where he would preach the Gospel. 

For Lorenzo, this was not a part of the plan since he only wished to save his life. Tatakas lang ako, pero di naman ibig sabihin noon ay magpapakamatay ako sa pamamagitan ng Pagpapahayag ng Salita ng Diyos! Mahal ko pa ang buhay ko, ang pamilya ko, gusto ko pa silang balikan! Ayaw ko! AYAW KO!!! 

But later, he saw himself in front of the Japanese authorities giving him the offer: Say NO to your faith, you will be spared; continue saying YES to your Jesus, you will die. It was the turning point for him. In front of the brutal men, he professed the faith he loved and believed for so long his life:  Isa akong Kristiyano, at handa akong mamatay para sa Diyos. Kahit na isanlibo pa ang buhay na taglay ko, ibibigay ko para sa kanya. Gawin ninyo ang ninanais ninyo sa akin.

That meant Lorenzo's death by hanging on a pit, and yet it brought him the crown of martyrdom and glory of sainthood. He said NO at first, yet God's providence led him to saying the great YES. He never feared even death, since this would grant him the everlasting bliss of heaven.

In modern times, we can also see the experiences of many friends who said no yesterday because before God tapped them, they actually were doing other things: business, sex, money, fame, and other worldly ideals. Yet when the 'turning point' came, they realized their mistakes, repented before God and began serving Him in the Church. There is no going back.

And this may also happen in our own lives. Just when we thought we are refusing to God's offer to serve him, we continue with our lives and then we come to this certain point where one thing led to another, and this leads us to saying,  Yes, Lord. I will serve you! Without fear nor guilt, we open ourselves to God's will and cry the Gospel with our life. This comes better than saying yes in the first place but just for the sake of pride.

In life, we have many choices. We have the utmost freedom to decide on something. It only leads us to two options: YES and NO. If we decide, there's no turning back...

But When God calls us, he waits for us to come to him. Learn from the example of St. Lorenzo Ruiz: We may say NO now, but just wait, let God move little by little in our lives, and we can clearly see ourselves later following the trail of our Lord Jesus, even to the point of dying for the glory of His name!

QUESTIONS FOR REFLECTION: 
> When God called me, did I say no, only realizing that I would be later called to His will in my life?
> Like Lorenzo Ruiz, am I prepared to die for my faith if God's will leads me to it?


Saturday, September 17, 2011

MAGPASIKAT!!!

September 18, 2011
Twenty-fifth Sunday in Ordinary Time
Is 55,6-9 . Phil 1,20c-24.27a
Mt 20,1-16a
===

Magpasikat (clap-clap-clap)... Magpasikat (clap-clap-clap)... Dito sa S********, tayo ay magpasikat!!!

Ang mundo natin, puno ng pasikatan. Paramihan at pagandahan ng magagawang stunt, teaching style, dance moves, pag-awit ng kahit anong kanta, pag-rap, kahit paramihan ng tsismis na masasagap, basta yung masasabi ng tao na doon siya magaling, doon siya magpapasikat. Kahit saan kang tumingin sa ating lipunan: showbiz, politics at (ang totoo 'raw', mas bihasa sa pagpapasikat ang mga taong-) simbahan, gumagawa tayo ng anumang paraan upang makilala, upang magpasikat. 

Gusto ng tao na umangat, at makilala ng higit na nakakarami. Kahit na madalas itong nagdadala sa kanya ng kapahamakan, wala siyang pakialam basta makilala siya at magkaroon ng 'say' sa  lipunang kanyang ginagalawan. Minsan, nasisita na siyang papam-pam, KSP, Papansin, pero keri lang basta doon siya magkakaroon ng big break.

Aminin man natin o hindi, ganito ang madalas na pinagdadaanan natin. Pasikat para magpakilala. 

Ganito rin sana ang magiging eksena sa Ebanghelyo natin ngayon. Sa talinhagang ikinukwento ni Hesus, may isang may-ari ng ubasan na  naghanap ng ga trabahador upang gumapas ng kanyang ani. Limang beses siyang  lumabas sa kalsada upang maghanap, every three hours mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw. Lahat ng nakikita niyang nakatambay, inaaya niyang magtrabaho para sa kanya. Siyempre, may sweldo kaya mas pursigido ang mga manggagawa.

Sa pagwawakas ng araw, pinatawag ang lahat ng nagtrabaho para sa kanilang sweldo. Naunang tumanggap ang mga nagtrabaho isang oras bago ang pagtatapos ng araw (5:00 PM). Sunud-sunod na ito hanggang sa umabot ang swelduhan sa mga naunang nagtrabaho (6:00 AM). Sila ang nagbabad sa init ng araw, nagpawis ng mainam, upang makatanggap ng napag-usapang sweldo, eto't kapareho lang ang natanggap nila at ng mga nahuli sa kanila!

Sabi nga ng isa, Ano ba yan, boss?! Buong maghapon kaming nagpagod at naghirap, bakit di mo man lang dagdagan ang sweldo namin? Bakit pareho lang ang tinanggap naming lahat, kahit ang mga isang oras na nagtrabaho ganun rin ang sweldo? It's unfair!?!

Ang sagot ng may-ari, Di ba iyan ang pinagkasunduan, isang salaping pilak? Di ko naman kayo dinaya. O naiinggit ka lang at inakala mong hahanga ako sa pagpapasikat ninyo? Hala, kunin mo na ang sweldo mo at umuwi ka na.

Nagpursigi ang trabahador na buong araw nagpagal - nagpasikat kung baga - sa pag-asang higit pa sa napag-usapan ang igaganti sa kanila, ngunit sa dulo ng lahat ay naging pantay ang may-ari sa lahat ng nagtrabaho. Para sa may-ari ng ubasan, walang nauna o nahuli. Ang mahalaga, ang  lahat ay makagawa at sila ay mabigyan ng hustong bayad. Pantay-pantay, walang pagpapasikat.

 Ang nahuhuli ay mauuna. Ang nauuna ay mahuhuli.

Habang inaakala nating mahalaga ang magpasikat upang magkaroon ng pangalan sa sociedad, iba ang pamantayan ng ating Panginoon. Sa kanyang mga mata, tayo ay pantay-pantay, nauna man tayong tawagin sa kanyang biyaya o ngayon lang nakaunawa sa kanyang mga handang ipagkaloob sa atin basta ialay lang natin ang ating sarili sa kanya.

Ang Panginoon ay hindi tumitingin sa dami ng tsapa o uniporme na suot-suot natin sa ating mga gawaing-simbahan. Hindi niya binibilang ang dami ng organisasyon na sinasaniban natin. Ni hindi nga niya tinitignan ang dunong ng tao pagdating sa utos ng Inang Simbahan o sa Salita ng Diyos. Sa kanya, mahalaga ang puso, ang intensyon ng ating mga ginagawa, kung sa atin bang mga sarili ay inuuna natin siya higit sa ating mga sariling interes.

Hindi mahalaga sa Panginoon ang magpasikat; mahalaga sa kanya ang puso natin at intensyon...

Paano ba tayo gumalaw sa harapan ng Diyos at ng  kapwa: Nagpapasikat rin ba tayo na umaasang mas higit ang ating matatanggap sa bandang huli, o nagpapaubaya sa kalooban niya, at gumagawa sa kapayakan?


Wednesday, September 14, 2011

Tayo ang Tagumpay ng Krus!

September 14, 2011
FEAST OF THE EXALTATION OF THE HOLY CROSS
Nm 21,4b-9 . Phl 2,6-11
Jn 3,13-17
===



GAYON NA LAMANG ANG PAG-IBIG NG DIYOS... INIHANDOG NIYA ANG KANYANG ANAK... ANG SINUMANG MANAMPALATAYA SA KANYA... AY MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN!!!

Sa  ating mga Kristiyano, isa sa mga banal na tanda ang banal na Krus. Mapa-born again o Katoliko, itinatangi ang Krus na pinagpakuan at kinamatayan ng ating Panginoon. Nagtatalo tayo sa pagsamba sa mga imahen (daw... hindi naman totoo!), ngunit ang bagay na parehong meron sa asembleya ng Born-again at sa ating mga santwaryo at simbahan ay ang Banal na Krus.

Bakit? 

Simple lang. Sa Krus nasumpungan ng tao ang kanyang kaligtasan! Saanman natin dalhin, basta Kristiyano, hindi natin maitatanggi na ang Krus ay tumatayong simbolo ng ating katubusan mula sa kasalanan at kamatayan. 

Sa Pilipinas lamang, makakakita tayo ng konkretong example ng pagtatampok sa Krus. Halos saanmang bayan, may simbahan na itinalaga sa Banal na Krus. Iba't-ibang kuwento: may nakita sa dagat, may natuklasan sa puno, may lumalaki, may ligas, may pinagputol at pinagtatagpo minsan sa isang taon, at iba pang mga kuwento. May mas higit mang pagdiriwang tuwing Buwan ng Mayo, kaugnay ng Santacruzan o ang pag-alala sa pagkakahanap ni Santa Elena sa mahiwagang Krus, ipinagdiriwang pa rin na may kasiyahan ang araw na ito: ang Pista na tinalaga ng Inang Simbahan.

Pagninilayan natin, mga kapatid, ang hiwaga na dala ng krus sa ating mga iniligtas sa kamatayan ng ating Panginoon. Tatlong bagay, mga kapatid.

Ang Krus ang tanda ng kagalingan natin. Si Hesus na ipinako sa Krus ang makabagong pagsasatanda ng tansong ahas na itinaas ni Moises sa ilang. Noong panahong iyon, nagkalat sa kampo ang mga ahas na nakakammatay. Siyempre, kapag natuklaw ka, tedok ka. Ito ay nangyari dahil sa pagkasuway ng lipi ng Israel sa atas ng Panginoon. Ngunit sa kanilang pagsisisi, nahabag ang Panginoon sa kanila at nutusan si Moises na magtaas ng ahas na tanso sa ilang. Ang sinumang lumingon roon ay hindi mamamatay.

Sa pagtaas kay Hesus sa Krus sa Golgota, nasumpungan ng sangkatauhan ang kagalingan sa sakit nila sa kaluluwa at espiritu. Anumang kahinaan ng ating puso, sa ating paglingon sa Krus, tayo ay  nakatitiyak na gagaling tayo at magiging ganap sa biyaya ng Panginoon na inialay ang buhay para ilitas tayo.

Ang Krus ang tanda ng kababaan ng Anak. Inihandog ni Pablo ang Imno ng Kenosis: Bagamat siya'y Diyos ay  hindi nanatili si Hesus na kapantay ng Diyos...Nagpakababa...Nagkatawang -tao at namuhay na isang alipin...naging masunurin hanggang KAMATAYAN SA KRUS. Walang anumang Diyos ng ibang daigdigan ang nakapantay sa ginawang kadakilaan ng Panginoong Hesus. Sa kanyang kababaang-loob, tunay na naipakilala ang isang  Diyos na mapagmahal at handang dumamay sa ating katayuan. Kilala tayo ni Hesus.

Namatay si Hesus at pinahamak ng tao, ngunit ito ay kanyang tinanggap sapagkat sa gawaing ito lamang maibibigay sa atin ang ating ikakaligtas  at ikakabanal. Hindi naman siya pinabayaan ng kanyang Ama sa sandaling iyon: itinampok siya ng Diyos...binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan...lahat ng nilikha ay sasamba...at ipapahayag...SI HESUKRISTO ANG PANGINOON sa kadakilaan ng Diyos Ama! At dahil dito, tayo ay makakalapit na sa ating Panginoon na walang agam-agam at walang takot sapagkat sa iisang Hesus na nag-alay ng buhay, tayo ay ginawang buhay!

Mahal na Patrong Santa Cruz
Tanza, Navotas City
(my patron)
Ang Krus ang tanda ng pagmamahal ng Ama. Kung hindi naman talaga sa pagmamahal ng Ama sa atin, hindi tayo padadalhan ng isang Hesus na nagdadala ng ganap na kaligtasan para sa ating lahat. Hindi ito darating sa kaganapan kundi sa pamamagitan ng Banal na Krus. Kahit na ang modernong mundo ay tinatalikuran ang tandang ito, tayo na binigyan ng tatak ng kaligtasan ay nakakakilala sa isang mapagmahal na Ama na laging nariyan upang tayo'y gabayan at pagpalain.

Sa Krus, nasasaksihan ng tao kung paanong ang isang bagay na tinuturing na problema ay napapagaan at nagiging maluwalhati. Niyayakap natin ito, at pinapasan sa paniniwalang kasama natin ang Panginoon sa ating buhay, at hindi tayo pinababayaan sa bawat sandaling may pagsubok tayong pinagdadaanan. Mas lalong mararamdaman na mahal tayo ng Panginoon kung ating pinapasan, tinatanggap at minamahal ang krus ng  ating mga buhay. Sa huli, alam nating ito ang magdadala sa atin sa tiyak na kaligtasan.

Tayo ang Tagumpay ng Krus! Kung naiintindihan at napagtatanto natin ang hiwaga ng Banal na Krus sa Kristiyanong pamumuhay, at naia-apply ito sa ating pamumuhay sa araw-araw, masasabi nating tayo nga ang bunga at tagumpay ng Banal na Krus at ng taong pinako at namatay rito. Hindi natin masasabing nagtagumpay ang Banal na Krus kung tayo mismo ay hindi naisasabuhay ang aral na matatamo natin mula rito.

Oo, mahirap ang daan patungo sa kaganapan ng mga bagay na ito sapagkat sa araw-araw ay nakaka-encounter tayo ng kaliwa't-kanang mga problema, subalit dito lamang makikita ang pagmamahal na handog sa atin ng Panginoon. Huwag matakot na pasanin ang Krus! Ito ang magtatakda ng ating pagtatagumpay sa buhay na ito patungo sa kabilang kaganapan!

Mapalad ang tao na naituturing na tagumpay ng Banal na Krus!

Sunday, September 11, 2011

Pinatawad tayo... Magpatawad rin naman tayo!

September 11, 2011
Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time
Sir 27,30-28,7 . Rm 14,7-9
Mt 18, 21-35
===

Nagtanong si Pedro, Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid, pito po ba?

Sinabi ni Hesus, Huwag lamang pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito...

===

Sa maraming pagkakataon, narinig na natin ang salita ng pari o kaibigan na ganito ang nilalaman: Pinatawad tayo ng Diyos, magpatawad rin tayo! Minahal tayo ni Kristo hanggang Krus, magmahalan rin tayo tulad ng pagmamahal niya! 

Kapag narinig natin ito, parang napapataas lamang tayo ng kilay sa di-pagkapaniwala sa sinabing ito ng pari o kaibigan. Madalas nga nating sinsagot, weeh. Totoo? Napakadali para sa inyong sabihin iyan, kasi hindi ninyo alam ang masaktan ng iba.

Aminin natin, sa panahon at mundong panay sarili at yabang ang umiiral, hindi na natin magawang magpalipas ng ilang sandali sa piling ng ibang tao, lalo na kung di rin naman kasama sa circle of friends natin. Mas ninanais pa natin na yung mga taong malapit lang talaga sa atin ang ating palaging kausap, kasama sa kung saan-saan. 

Mas madalas pa nga, hinahabol natin ang mga taong nakasamaan natin ng loob dahil  nais nating gumanti sa kanila. Kahit na magmakaawa pa sila dahil di naman nila sinasadya ang ginawa nilang kamalian, wala tayong pakialam at patuloy tayo sa pagsakdal laban sa kanila. tsismis dito, trial by publicity diyan, panira kung saan-saan basta makaganti lang tayo.

Masarap pa niyan, tayo pa ang mga taong pumupuno ng simbahan tuwing Linggo. Tayong mga nagsisimba at nagpupuri sa Panginoon, tayo pa ang may ganang  manakmal ng kapwa natin, at magmayabang at gumawa ng iskandalo laban sa iba. Siyempre, hindi lahat ay ganito ang pag-uugali. subalit aminin man natin o hindi, karamihan ng mga 'taong-simbahan' ay may ganitong pananaw sa buhay. Magaling sa loob ng Simbahan, ngunit sa komunidad ay ugaling-halimaw ang turingan. 

Dito sinasabi ng Panginoon, Tulad ng ginawa ng hari sa sakim niyang alipin, gaganapin rin ng Aking Ama sa Langit ang pagganti kung hindi kayo marunong magpatawad sa iba.

Kung ika'y isang tunay na Kristiyano, alam mong pinatawad ka na ng Panginoon at higit pa rito, sapagkat inialay ni Hesus ang kanyang buhay para sa iyo. Kung ika'y nagnanais na magpasan ng krus at sumunod kay Hesus, kailangan na kaya mong patawarin ang iyong kapwa, gaano mang kasakit ang lahat niyang ginawa sa iyo. Ito ang nararapat na katauhan ng isang sumasampalataya sa Diyos at kabilang sa kawan ng Panginoon. Mahirap iyang ganapin, ngunit sa sandaling patawarin mo ang taong nagpapahirap sa iyo, gaano mang kasakit ang ginawa niya laban sa iyo, isang kakaibang pakiramdam ng paglaya ang iyong mararamdaman.


Hindi naman kailangang ipilit kung mahiap pa rin sa ating patawarin ang ating kapwa. Dito papasok  ang hiwaga ng panalangin at paghihintay. Ipagdasal natin sa Panginoon ang kapakinabangan ng taong umuusig sa atin. Hintayin natin ang pagdating ng tamang oras na tayo ay pagtagpuin ng panahon at buksan ng Panginoon ang puso natin sa kapatawaran. Ang Banal na Espiritu na ang magdadala sa atin sa ganap na pagpapatawad, pag-unawa at pagmamahal.

Tandaan natin ang lagi nating kinakanta: Walang sinuman ang nabubuhay at namamatay para sa sarili lamang. Tayo'y  may pananagutan sa isa't-isa! (Malapit ito sa Ikalawang Pagbasa: Tayo ay sa Panginoon, mabuhay man tayo o mamatay!) Kung minamahal tayo ng Panginoon, tayo rin ay dapat magmahalan! Kung pinatatawad niya tayo, tayo rin at palagi ay dapat magpatawaran! Ito ang magdadala sa atin sa Kistiyanong pagkakaisa.

===

May nagsabi sa akin, Bitoy, ingat ka, baka matawag kang hipokrito dahil sermon ka ng sermon pero di mo naman inilalagay sa katotohanan ang mga sinasabi mo.

Ganito ang estado ko sa buhay. Hindi po ako tulad ng mga tipikal na Christian at Catholic blogger na hindi ninyo kilala ang ugali ngunit pinupuri ninyo dahil magaling sa pagsusulat. Hindi ko po isusulat ito para magtaas ng sariling bangko. Isusulat ko po ito sapagkat nais ko pong magpapakilala sa inyo.

Wala po akong maipagmamayabang na credentials. Isa lamang po akong ordinaryong Laikong-lingkod na nagninilay sa Salita ng Panginoon at ibinabahagi ito sa iba.

Nagkakasala rin po ako! Hindi ako perpekto, iyan ang linya nila. Ito naman ang linya ko, Makasalanan rin po ako. Nahihirapan ako sa pagtanggap sa kahinaan ko, ngunit dahan-dahan ay pilit akong tumatayo. Hindi ko man po palaging naipapahayag ang aking naisusulat, hindi po nangangahulugan na ako ay hanggang salita lamang.

Mahal ko po ang aking ginagawa. Kilala ko po ang aking pagkatao. Mas maganda ang kinalalabasan ng anumang gawin ko kung ito'y aking pinagpapaguran ng bukal sa kalooban. Masaya po ako at alam kong ang Panginoon ang siyang nag-uudyok sa akin na gawin ang mga bagay na ito.

Minsan nga natatanong ko sa sarili ko kung bakit sa kabila ng paglilingkod ko sa buong Simbahan sa pamamagitan ng blogsite na ito, ay patuloy pa rin ako sa mga kamalian ng kahapon. Isa po ito sa mga bagay na hangad ko ring mabago sa aking katauhan sa parating na panahon. Hindi po palaging ganito ang katauhan ko; tatanda rin ako at mas mapapasabak sa magulong mundo bilang tunay na Kristiyano.

Tinatawag ako ng Panginoon sa ganitong landas. Kahit na kaliwa't-kanan ang mga puna, ang mahalaga ay naibibigay ko po ang isang taos-pusong serbisyo sa sambayanang Kristiyano, lalo na po sa inyong patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa lahat ng hangarin ko sa buhay.

Sa sandaling ito, Ako po ay naghahandog ng isang taos-pusong PAUMANHIN sa lahat ng mga nasasaktan ko at kinamumuhian ako mula pa noong unang sandaling dumating ako sa buhay nila. Sa inyo na patuloy kong nasasaktan, alam ko man o hindi, sa salita man o gawa, ako po ay naghahandog sa inyo ng patawad na nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Sana po ay maunawaan ninyo ang aking kalagayan sa buhay. 

Pare-pareho lang po tayo sa paningin ng Diyos. Pinapatawad niya tayo lagi-lagi at oras-oras. Sana po ay patawarin at unawain rin po ninyo ang aking mahinang katauhan.

Wednesday, September 7, 2011

Sa Bukang-liwayway...

September 08, 2011
FEAST OF THE BIRTH OF THE BLESSED VIRGIN MARY
Mi 5,1-4a or Rm 8,28-30
Mt 1, 1-16, 18-23
===

Sa bukang-liwayway...
ang iyong paglingap ang siyang susubaybay.
Hindi man namin tiyak ang aming dadaanan,
sa iyong pagsubaybay, kami'y makakarating sa paroroonan.

Sa bukang-liwayway...
ang iyong pagmamahal ang siyang magpapainit
sa aming mga kaloobang nanlalamig sa kawalan
at sa mundong sa kasalana'y napipiit.

Sa bukang-liwayway...
ang iyong pagmamahal ang kinasasabikan.
Magkamali man kami, ika'y patuloy sa pag-akay;
tumalikod man kami, ika'y patuloy na kakalinga.

Sa bukang-liwayway...
nagsimula ang aming kaligtasan.
Kaganapa'y sa iyo nagpasimula,
sa araw na ito'y aming ginugunita.

Buong-pusong pasalamat ang laan
ng aming puso' kalooban.
Papuri sa labi'y kaisa ng katauhan;
ang pagdangal ng isa'y pagdangal ng bayan.


TUWA nami'y iyo ring kagalakan,
HAPIS nami'y iyong ramdam.
LUWALHATI namin ang iyong nais,
kaya ang LIWANAG sa ami'y pinasisinag.

Pagdamutan ang aming handog na hangarin
sa bukang-liwayway, ngayon at palagi,
Aming minamahal na Ina, banal at timtiman
Ina ng Diyos at ng kanyang sambayanan:

Tunay kang mapalad sa babaeng tanan!
Pagpupuri  ng iyong puso'y tunay na dalisay!
Narito kaming iyong mga anak;
akayin kami kay Kristong Poong mahal!

Basbasan ang Simbahang Ikaw ang s'yang Reyna!
Pagpalain ang aming bayan at ang daigdigan!
Itulot mong ngayon at sa aming kamatayan,
Ngalan mo't ng iyong Anak ay aming ipagdangal!

MALIGAYANG KAARAWAN, 
INANG MARIA!

St. Anne and her daughter Mary

Saturday, September 3, 2011

I and my brother...

September 04, 2011
Twenty-third Sunday in Ordinary Time
Ez 33,7-9 . Rm 13,8-10
Mt 18, 15-20
===

Can it happen that we live on our own standards? I mean, can we live on our own ideals ONLY? No man is an island, as the song says of it. And indeed it is true. Most of the time, we need some guidance and understanding from our brother for us to continue and push through with our desires.

This thought calls to my mind those days when I was serving as Altar boy in our parish. I was the secretary then, but because of the incapacitated character of the coordinator and his assistant, I took charge of their positions. I thought that I could suffice already for the position that they are holding, and yet God called me years later to another status, as Worship Ministry secretary. I realized at that stance that I am not alone in giving the best of the liturgy for the community; I am a part of a team. I am a part of THE team. My ideas are having this new design because it is being beautified by others' thoughts. This made me appreciate the necessity of having a buddy or a partner. 

In the words of the Lord in today's Good News, we can feel the focus that Jesus wants us to dwell upon, that is in the words PARTNER, BUDDY, BROTHER. Just when we thought we are alone in this journey towards holiness, we look around and see that there is another beside us who is walking the same path.

If your brother sins against you, go and tell him his fault between you and him alone. If it doesn't work, join two witnesses. If still he does not change, consult the Church. If everything fails, then treat him a tax collector or gentile.

Jesus tells the importance of forgiveness in an intimate manner. While the world says, ah! Hindi na niya mapapansin ang kasalanan ko, he tries to stress to us the need for true repentance. It needs interaction, it must have a two-way communication. We cannot rest at the feeling of sanity na dahil hindi na pinapansin ng iba ang pagkakamali natin. We need to communicate for us to experience true forgiveness. And in that instance, providence and brotherhood comes in. There comes Christian love: Love one another as I have loved you.

Again, amen, I say to you, if two of you agree on earth about anything for which they are to pray, it shall be granted to them by my heavenly Father. For where two or three are gathered together in my name, there am I in the midst of them.

Prayer is our one-on-one communication with the Divine. But when our brother joins us, our prayer becomes more powerful and effective. Why? Because while one is enough, two heads are better than one.  Of course, to do this, we need a good company of a friend or brother. This happens most obviously during the assembly gathered at the Holy Eucharist. As one family of the redeemed, we partake on one prayer led by the High Priest, who else but our Lord Jesus himself. 

We see, our brother is important in building up our holy selves. Buddies are real proof of Christ's love for all of us. We cannot be real Christians if we do not show love for our brothers. We may ask ourselves, how real do we communicate with our neighbor? Sometimes we may feel isolation but we are reminded that we cannot live and die as a loner.

We need somebody to be with us.

We need somebody to forgive us and pray with us.

For where we show our love and concern with our brother/s, there enters the Lord.