April 23, 2011
THE RESURRECTION OF OUR LORD JESUS CHRIST
Vigil in the Holy Night of Easter
Gn 1,1-2,2 . Gn 22,1-18 . Ex 14,15-15,1 . Is 54,5-14
Is 55,1-11 . Bar 3,9-15.32C4.48 . Ezk 36,16-17a.18-28 . Rm 6,3-11
Mt 28,1-10
===
...Hæc ígitur nox est...
Kung meron mang magandang gabi sa kasaysayan ng buong mundo, sigurado ako, ito na iyun.
The Paschal Candlelight that this night brings dispels the darkness that the world is carrying for many generations of sinful men. The sounds that this night resonates brings to dumb silence the wailing of sin and death haunting over all the souls. The character that this night has brings to change every stumble and every fall that man had undergone through time unknown.
Everything in every time and place changed and came to a holy being because of this night. And this night has a name... EASTER NIGHT.
Sa mga nakalipas na mga henerasyon, hanggang ngayon, ipinagbubunyi ng Sambayanang Kristiyano sa buong mundo ang matagumpay na pagtawid ni Hesus mula sa kamatayan patungo sa buhay. Ang gabi na ito ang siyang katuparan ng ating kaligtasan. Sa gabing ito nasaksihan ng buong sansinukob ang kapangyarihan ng Diyos, na kahit ang kamatayan at ang impiyerno ay sumusunod sa kanya.
Sa nakalipas na mga panahon ay nasaksihan ng mundo ang pag-ibig ng Diyos na kahit na nagkasala na ang tao, ay ninais pa rin niyang may magligtas sa kanila mula sa tanikala ng diyablo. At ito nga ay ang kanyang bugtong na Anak, si Hesus, ang tupang maamo na inialay para sa lahat. Siya na pinatay ng mga Hudyo dahil sa 'paglapastangan' sa Diyos, ngayo'y muling nabuhay upang ipamalas kung paano siya itinampok ng Diyos na higit sa lahat.
Siya ang dahilan kung bakit napakaganda ng gabing ito. Gabi na higit sa lahat ng gabi. Gabing pinagpala, Gabing mahiwaga!
====
Siyam ang pagbasa ngayon, na kung iisa-isahin ay mamamalas natin kung gaano naging mapagmahal ang Diyos sa mundo at sa tao na kanyang ginawa sa kanyang imahe at kalikasan. Now, let's look first at every reading before we dwell into the Gospel so that we could understand every proclamation deeply.
Una nating makikita ang paglikha ng Diyos sa mundo at sa tao. Nilikha niya ito na ayon sa kanyang kagustuhan. Siya ay natutuwa sa kanyang mga ginawa, at wala siyang nilikhang mali o taliwas sa kanyang nais. Nilikha niya ang tao dahil nais niyang tayo ang mamahala sa buong sangnilikha. Subalit dahil sa pagkakamaliat pagkakasala rin ng tao kaya tayo ay nagkaroon ng dakilang kaparusahan: Kamatayan.
Ikalawa nating masasaksihan ang dakilang paghahandog ni Abraham kay Isaac doon sa bundok ng Moria. Kahit na alam niyang kay Isaac magmumula ang lahing pinagpala ng Diyos, sumunod pa rin si Abraham at handang inialay si Isaac sa Diyos. Nakita naman ng Panginoon ang pagiging masunurin ni Abraham, kaya lalo pa niya itong pinagpala.
In the third reading, we shall witness the love of God towards Israel, manifested on the wondrous passing of the whole nation through the Red Sea on dry land and away from the Egyptians. This is the event which defined the fidelity of God towards his chosen people, and how he listened to their cry.
The following readings show how God loved - and continues to love - Israel. He always remembers them especially at their times of trouble and never leaves them confounded (4th Reading), provides them with every material and spiritual blessing that they can have (5th Reading), including Divine Wisdom of knowing what is right and wrong (6th Reading). He desires everyone to rise up from the ashes of sin and cleanse us with the water of life, after which he will lead us to his Divine Dwelling wherein we shall consider him as God and he will consider us his chosen people. (7th Reading).
At sa wakas, sa sulat ni Pablo ay pinapaalala sa atin ang bisa at hiwaga ng Sakramento ng Binyag na ating tinanggap. Sa sakramentong ito, namamatay tayong kaisa ni Kristo sa Krus, at kaisa rin niya tayo'y nabubuhay na bilang kanyang kapatid at mga anak ng Diyos.
=====
Ito ang misteryong bumabalot sa gabing ito, na ang kaganapan ay mapapakinggan natin mula sa pagsaksi ni San Mateo. Ang mga babaeng ligalig at nalulumbay sa pagkamatay ng Maestro ay nagulat sa kanilang nakita: isang bukas na libingan, isang anghel na nagbabantay, at mga tanod na lupasay sa lupa.
Nagtataka ang mga babae sa kanilang nasaksihan, subalit sinabi ng Anghel, Huwag kayong matakot...alam kong hinahanap ninyo si Hesus...wala siya rito...SIYA'Y MULING NABUHAY!!!
Nang sila ay sinugo ng Anghel upang ibalita ito sa mga alagad, nakita nila si Hesus na muling nabuhay. Sinabi rin niya sa mga kababaihan, Huwag kayong matakot. Sabihan ninyo ang mga kapatid na tumungo sa Galilea; doon nila ako makikita.
Siya'y muling nabuhay! Ito ang pinakamensahe ng magandang gabing ito. Ang Panginoong Hesus na namatay, ngayo'y buhay! Kapiling natin siya! Kaisa, karamay! Naranasan na niya ang pahirapan, naramdaman na niya ang mamatay, kaya ramdam at abot niya ang bawat isa sa atin. Ngayon nga'y ginugunita natin ang kanyang dakilang pagtawid tungo sa liwanag ng buhay!
Ang kanyang pagkabuhay ay nagdadala ng pag-asa sa atin! Para sa mga nakatanggap ng Sakramento ng Binyag, ito ang pinakarurok ng ating pinananampalatayan. Para sa buong Simbahan, ito ang dahilan ng ating pag-iral. At para sa ating nananamplataya, ito ang simula ng ating bagong buhay sa Diyos. Walang duda, ang ating ginugunita sa Magandang Gabing ito ay ang mismong sentro ng ating buhay bilang isang Kristiyano, at bilang isang nilalang ng Diyos!
Ilang beses na nga ba nating hindi pinansin ang hiwagang ito? Sa maraming Easter na na dumaan sa atin, ilang beses na nating narinig ang mga katagang He is Risen! subalit hindi ito itinimo sa ating puso; parang wala lang. Patuloy tayo sa pamumuhay sa ating sarili; patuloy tayo sa pagkakasala. Walang pakialam, walang nais na makialam. Walang dahilan para magbunyi. Basta tayo, tayo at tayo lang ang mahalaga!
Subalit pansinin natin ang Panginoon ngayon! Dumarating siyang muling nabuhay upang sabihin sa atin, Huwag kayong matakot! Napagtagumpayan ko na ang mundo! Damhin natin ang biyayang nagmumula sa kanyang puso na laging bukas para sa mga taong nais makahanap ng pamamahinga at lakas sa gitna ng sugatang buhay. Damhin natin ang kanyang pagmamahal at ang pagmamahal ng kanyang Ama sa atin na hindi ipinagkait ang kanyang anak upang tayo ay tubusin.
Ito rin ang siyang panawagan sa ating mga binyagan na inabot ng makabagong panahon: ang ipahayag sa lahat na merong Diyos na nagmamahal, na sinugo niya ang Anak niyang si Hesus upang iligtas tayo. Sa isang kabihasnang lumalaban sa sekularisasyon ng mundo, isang hamon ito para sa atin na bininyagan sa Tubig at Espiritu na isigaw sa mundo na merong isang gabing maganda na kung saan ang taong namatay sa Krus ay muling nabuhay, nagising na maningning sa kapangyarihan at lakas. At handa siyang lumapit sa atin upang pahirin ang mga luha natin sa mata, palakasin ang ating loob at bigyan ng kanyang Espiritu ng kaliwanagan.
Tunay nga na maganda ang gabing ito. Huwag nating sayangin ang biyayang dumarating sa atin. Tanggapin natin ang biyayang nag-uumapaw sa gabing ito na pinagpala sa lahat!
MAGANDANG GABI!!!
CHRISTOS ANESTI! ALITHOS ANESTI!
ALLELUIA!!!
A BLESSED EASTER TO EVERYONE!!!
From: UrDose.blogspot.com
"Una nating makikita ang paglikha ng Diyos sa mundo at sa tao. Nilikha niya ito na ayon sa kanyang kagustuhan. Siya ay natutuwa sa kanyang mga ginawa, at wala siyang nilikhang mali o taliwas sa kanyang nais. Nilikha niya ang tao dahil nais niyang tayo ang mamahala sa buong sangnilikha." Ito ang ORIGINAL BLESSINGS na bigay sa atin ng Panginoon bago paman ang ORIGINAL SIN..
ReplyDelete