Monday, March 26, 2012

Ancilla Domini

My apologies for not posting yesterday's Gospel reflection, due to my Graduation Ball. In turn, I would like to invite you all to read Ur Dose's Holy Week series, next week. Just as last year's reflections became the most read of all UD's renditions, this year's Holy Week series would also serve as your online guide for the rightful celebration of the Paschal Triduum. I hope you would join me in providing Ur Dose of the Lord's love for all of us this Holy Week. Peace!
~ SB ^^
===+===

March 25, 2011
SOLEMNITY OF THE LORD'S ANNUNCIATION
National Day of the Unborn Children
Is 7:10-14; 8:10 . Heb 10,4-10
Lk 1,26-38
=====

The dawn is seen today; in a few days, the morning star will be seen in full glory! We celebrate the Solemnity of the Annunciation a few days (a week to be precise) before the Holy Week of Christ's Passion, Death and Resurrection. While for others this is just an ordinary Monday, we can ponder deeply on this rare coincidence, and reflect on Mary's role in the Saving Act of Jesus: his passion, death and resurrection.


Kaire, Kecharitomene! The Angel visits Mary in one busy day and reveals to her the Divine Mystery that will happen to her. You will conceive and bear a son, and You shall name him Jesus. With the grace of the Holy Spirit, Mary shall be hailed as the Mother of God and, as she said in her Canticle, From this day all generations shall call me blessed!


But this will never come to be without Mary's response: Ecce Ancilla Domini, fiat mihi secundum verbum tuum. Mary's acceptance became the key to unlock God's saving grace for all of us. More than anything else, her YES is the sign of her offering of self so that Salvation may be given to all.


This salvation we shall once again remember in the Holy Week. As Mary accepted God's will in the beginning, Jesus also opened himself to the Father's will on that dreadful night in the Garden of Olives. He experienced the pain of the scourging, the crowning of thorns, the carrying of the heavy cross. He experienced more than what he can endure, and yet he accepted this as the only way to save mankind.


Ancilla Domini. The Christian, as servants and handmaids of God, knows how to accept God's will in everything that happens in his life. Sometimes, we yell at the problems that come our way and blame God in the long run for the negativities we experience. But we do not see the grace of God that is entering through this dark cloud of troubles. We realize it, only when we fall down to the ground and give in to the problem.


Guys, we now ask ourselves as we celebrate the Solemnity of the Annunciation, How do we accept God's will in our life? Are we like the common tao of today's world who are so passive or has negative connotation on everything that is happening to his life? Or like Mary, do we see God's will unfold in the many challenges which we face? 


We are all Ancilla Domini. Let us do what is needed, and accept every circumstance not as we will, but as God wills.

Monday, March 19, 2012

Do Not Be Afraid!

March 19, 2012
Solemnity of St. Joseph, Husband of Mary
Patron of the Universal Church
2 Sm 7:4-5a, 12-14a, 16 . Rom 4,13.16-18.22
Mt 1,16.18-21.24a
=====

We have been afraid a number of times. I do not need to look back since each one of us know those certain times when we did get frightened because of something left undone, or something done right yet mistakenly failed, or a particular confusion in choosing the right things. Every time we feel this emotion, we usually palpitate. Our heart beats faster, we sweat more, and we actually go wild. 

Being afraid or frightened is one of the usual negative emotions that we experience and, though we are used to it, we still do not know how to cope up with it. While some seek advice from the older ones which help them do the right things, others take things in their hands and bring up an end to their anxiety by putting an end to their lives either slowly (drugs, excessive smoking and drinking and others) or quickly (suicide).

Fear is the same emotion that Joseph experienced upon hearing that Mary is with child. He haven't touched her yet, and now she's pregnant! We know that this happened through the Holy Spirit, but for Joseph this is a very deep and sensitive issue, and the Holy Spirit is a very impossible excuse. Yes, there is a prophecy and the people are hoping that the Messiah may come ASAP, but not through this way, as he might had thought of it.

Joseph fears much and he doesn't know what should do. He may be cited for being ignorant of whatever happened to Mary. Further, Joseph also fears for his wife, for this shame and disgrace is equivalent to death for her. He is in the crossroads, yet he must take a road.

Being an upright man, he decided that he will divorce her quietly. He thought this is the best thing to do, since he couldn't think of having Mary stoned to death because of him. Everything will be alright, perhaps, if he does things silently. Since it was his honor which was at the line, he must save himself first, thus his decision.

But lo, an Angel visited Him in a dream and said, Joseph, Son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home! ... She will give birth to a child and you shall name him Jesus. 

He woke up and everything changed. In all obedience he took Mary as his wife and accepted the responsibility of being an Adoptive Father to the Savior. He worked and provided everything for his family. Though it took him sometime to absorb these things, still he opened himself up to God's providence and he was blessed for this. His fear was changed into total faith, and this led him to something better.

This is Joseph's story, a story of fear and faith, of doubt and trust.

We have always been afraid of anything and everything which was set against our desires and wants. We fear that our parents may know our failing grades, that our special someone may not accept our personality, that we may be ridiculed in front of many people. We have so many fears and anxieties that it covers our world more than we think it is.

But we should not end in fear! Sometimes we need to dig deeper and see God's will unfolding in every situation of our life. There is no other way of letting go of our fears than entrusting it to the Lord, knowing that he will guide us along the way. We entrust our anxieties to Jesus and discover God's wonders working instantly in our lives. It takes belief and trust for us to realize that something better is indeed happening in our lives which was once covered by fear.

Look at Joseph! He felt afraid, just like we do. Like us, he didn't know what to do when a grave situation was shown to him. Like us, he tried to take things in his own hands because he thought of himself over everything else. 

But better look at Joseph when he opened himself to God's will! He didn't let his fear rule once the divine reality was revealed to him. He showed his commitment to Mary and Jesus until the hour of his death. He was never disappointed after he followed God's commands. He just trusted God and every good thing came.

We are always afraid, but do we set time to stop, listen to God's voice in our heart and follow what it dictates? There is no other way we can come to this point than through an intimate and sincere conversation with God. A good prayer life is one great way of appreciating God's voice and entrusting to him our fears and anxieties. 

Do not be afraid! As we celebrate today's solemnity, may we be guided by Saint Joseph in knowing what is the Lord's will for us. He once accepted God's will which dispersed all the fear in his heart; let us indeed come to his guidance for us to understand God's providence. Thus, every fear in our heart shall be swept away, and every blessing will come in our lives.

O dearest Saint Joseph, I consecrate myself to your honor and give myself to you, that you may always be my father, my protector and my guide in the way of salvation. Obtain for me a greater purity of heart and fervent love of the interior life. After your example may I do all my actions for the greater glory of God, in union with the Divine Heart of Jesus and the Immaculate Heart of Mary. O Blessed Saint Joseph, pray for me, that I may share in the peace and joy of your holy death.
Amen.

Sunday, March 18, 2012

Gayun na lamang

Marso 19, 2012
Ikaapat na Linggo ng Cuaresma
Linggo ng Laetare
2Cro 36,4-16.19-23  . Eph 2,4-10
Jn 3,14-21
=====


Laetare! Magalak! Kalahati na ng Kuwaresma ang nagdaraan, at sa araw na ito ang puso natin ay napupuno ng kagalakan dahil alam na nating malapit nang matapos ang ating mga pagtitimpi at pagdurusa. Ilang tulog na lang, muli nating masisilayan ang hiwaga ng Muling Pagkabuhay, at sigurado ay gayun na lamang ang saya na madarama natin sa pagpasok ng Paskuwa.

Gayun na lamang.

Kapag nakakarinig tayo sa kaibigan natin ng kuwentong sinamahan ng parirala na Gayun na lamang, ano'ng madalas na pumapasok sa isipan natin?

Hindi madali yung ginawang desisyon ng isang tao.

Ganung katindi yung impact sa kanya nung tao o pangyayari.

Hindi peke yung nararamdaman ng isang tao.

Kapag minahal ka ng isang tao ng gayun na lamang, ibig sabihin kaya niyang gawin ang lahat para sa relasyon ninyo o sa pagsasama ninyo. Kapag galit sa iyo ang isang tao ng gayun na lamang, gagawa at gagawa siya ng paraan para mapatahimik ka lang. Siguro nga, ang phrase na gayun na lamang ay may sobrang lalim na pinaghuhugutan, na dahil sa lalim nito ay nakakapagdulot ng mga imposibleng mga gawain para sa isang tao.

Ano pa kaya ang Panginoon?

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya niya ibinigay ang kanyang bugtong na Anak!

Iniisip ng ilan sa atin, naku! Petiks lang yan para kay Lord, madali lang para ibigay si Hesus sa atin. Akala lang natin iyon. Para sa isang Diyos na nagmamahal sa atin at ayaw na tayong muli pang mawalay sa kanya, isang malaking desisyon ang isugo ang kanyang bugtong na Anak upang iligtas tayo.

Para sa karamihan, ito ay isa na lamang sa mga lumang kuwento na hindi na dapat binibigyan ng malalim na pakahulugan. Mahalaga sa mundo ngayon ay ang mga bagay na ikakasiya ng kanyang katawan: pera, sex, kapangyarihan, at ang paggawa ng kasalanang akala niya ay tama. 

Bukod riyan, para sa makabagong tao, wala nang saysay ang pananampalataya, at hindi na dapat bigyang-pansin ang relihiyon. Kaya nga uso at talamak na ang komunismo at mga pundamental na "iglesiya" na nagsasabing sila ang tamang daan tungo sa kaligtasan. Wala nang hokus-pokus daw, basta magbigay lang ng salapi at maghanap ng tagasunod, ayos na!

Subalit, sa pagpapatuloy ng salaysay ni Juan, ipinadala ng Ama si Hesus upang ang sinumang sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng walang hanggang buhay! Siya ang liwanag na tumatanglaw sa atin sa kadiliman ng ating buhay. Maraming kumukutya at hindi tumatanggap sa kanya, at sa kanila'y parusa ang naghihintay sapagkat tinalikdan nila ang pinagmumulan ng liwanag at kabutihan sa kanilang buhay.

Tunay na mapalad ang mga tao na tumatanggap at sumusunod sa kanya sa lahat ng oras sapagkat gayun na lamang ang pagmamahal ng Diyos para sa kanila. Kahit na kutyain sila ng mundo, kahit na kung anu-anong masamang pakana ang ikalat ng diyablo, patuloy siyang nagiging masigasig sa pagsasabuhay ng kanyang pananampalataya. Siya ang binibigyan ng higit na pagpapala dahil gayun na lamang ang pagnanais ng Diyos na iligtas ang makasalanang nagbabalik-loob sa kanya.

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo at sa akin; isinugo niya si Hesus upang mamatay para sa atin. Paano natin ito tinatanggap? 

Pinapaalala sa atin ngayong Linggo ng Laetare na higit sa anumang biyaya sa atin ng Panginoon, ang mahalaga ay ang kanyang pagsugo kay Hesus upang tayo'y mailigtas. Sa kabila ng problema at pagsubok, huwag tayong panghinaan ng pag-asa sapagkat sa totoo lang, Gayun na lamang ang pag-ibig sa ating lahat ng Diyos! 

Isinugo niya si Hesus at sa kanyang kamatayan sa Krus ay pinalitan ang ating katauhang namamatay at dinamtan ng bagong buhay sa kanyang piling! Palagi nating kapiling ang Espiritu Santo upang patnubayan tayo sa ating gagawin sa araw-araw. Pinupukaw tayo ni Maria at ng mga Banal upang pagnilayan ang dakilang pagmamahal sa atin ng Diyos. Wala nang ibang pagmamahal na makakahigit rito. at ang dulot nito sa atin ay lubos na kasiyahan!

Ganito tayo kamahal ng Panginoon, kaya may dahilan talaga upang tayo'y magsaya!

Sunday, March 11, 2012

Mag-alab sa paglilinis...

Marso 11, 2012
Ikatlong Linggo ng Cuaresma
Exo 20,1-17 . 1Cor 1,22-25
Jn 2,13-25
=====

Kung alam nating tama ang isang bagay, hindi lamang natin sinasabi ito, bagkus atin itong pinaglalaban. 

Naalala ko yung panahong nag-defense kami para sa Thesis. Palagay nami'y tama ang lahat ng aming ni-research at sinurvey. Kinakabahan man kami, lakas-loob pa rin naming prinesent at tinalakay ang aming Thesis sa harap ng mga panelist. Pagkatapos ng matinding tanungan, ayun, pasado kami. Ilang hinga na lang at makaka-graduate na kami.

Pagnanais, paghahangad. Sa anumang usapan, kung alam natin na ang isang bagay ay may katuwiran, ay nagpapakita tayo ng higit na interes dito at hindi natin tinatantanan ang mga bagay-bagay hangga't hindi naaayon sa estado na sa ating palagay ay nararapat para sa bagay na ito. Kung hindi naman ito masunod, ay mas lalo tayong nagpapakita ng personal na atake rito upang maitama ito ayon sa sarili nating panlasa. 

Si Hesus ay nagwala! Sa pagnanais niya na maitama ang bagay-bagay, pinaalis niya ang mga nagtitinda ng kalapati at hayop sa loob ng Templo ng Jerusalem. Isinaboy rin niya ang mga barya na itinatago ng mga nagpapalit ng pera doon. At kasabay ng kanyang paglilinis sa Templo, kanyang ipinahayag sa madla,  Huwag ninyong gawing palengke ang Tahanan ng aking Ama! Ang tahanan ng Diyos ay isang sagradong dako kaya hindi nararapat na ito'y pamugaran ng mga bagay ng mundo. 

Nagmukha man siyang kahiya-hiya sa mata ng mga Hudyo ay ayos lang para sa kanya. Tama para kay Hesus na gawin niya ito sapagkat sa kasulatan ay nasusulat, Ang pagmamahal ko sa iyong Templo ay parang apoy na nag-aalab sa aking puso. Higit sa anuman, mahalaga na may respeto at dignidad na umiiral sa loob ng Bahay-dalanginan kaya kahit na kagalitan siya ng mga saserdote ay pinagpatuloy niya ang kanyang tamang gawain. 

Maraming nakakalat na marurumi sa mga 'templo' nating sarili, iyon ay ang mga buhay natin at sariling katawan. Mula sa stress na iniinda natin sa araw-araw na mga problema sa trabaho, pamilya at kung saan, hanggang sa dumi ng kasalanan na kumakadena sa ating kaluluwa at espiritu at humahadlang sa atin sa paglapit sa Diyos. Sa loob ng maraming panahon ay hinahayaan lang nating nakakalat ang mga duming ito sa ating pagkatao na hindi na natin ninanais na gumawa ng paraan upang maiwasto ang ating kahinaan at pagkakamali.

Ang Kuwaresma ay panahon upang ayusin ang ating buhay ayon sa hinahangad sa atin ng Diyos. Ginigising tayo ng panahong ito upang itama ang lahat ng mga baluktot at itapon sa basurahan ang mga kalat sa ating mga buhay. Sa halimbawa ni Hesus na nagpakita ng pagnanais na maitama ang pagkakamali sa loob ng tahanan ng kanyang Ama, tayo rin ay tinatawag na itaboy ang lahat ng hadlang sa atin sa isang buhay na nararapat sa Diyos at ipanumbalik ang ating sarili sa kanya. 

Sa pamamagitan ng mga Sakramento at mga pagninilay, nagbubukas sa atin ang isang bagong kamalayan at napapaisip tayo na, Oo nga, dapat na akong kumilos, dapat nang iayon ko ang buhay ko sa nararapat at ninanais ng Diyos para sa akin.

Nakapaglinis na ba tayo ng bakuran? Ni minsan ba sa buhay natin ay siniyasat natin ang ating mga puso at tinignan kung naaayon ba sa kagustuhan ng Diyos ang ating ginagawa? O hinahayaan lang natin ang ating mga sarili na patuloy na marumhan sa kalat na dulot ng kahinaan at kasalanan natin?

Nagpapatuloy tayo sa paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma. Huwag tayong makalimot sana sa mga dapat nating gawin, buksan natin ang ating mga sarili sa Diyos, at alisin sa ating mga buhay ang mga bagay na hindi natin kailangan, upang sa pagpasok ng Paskuwa ng Pagkabuhay, maratnan tayo ng Panginoon na handang tanggapin siya at mapasakop sa kanyang nagliligtas na kapangyarihan.

Patuloy tayong mag-alab!!!

Sunday, March 4, 2012

Magbagong-anyo... loob at labas!

Marso 04, 2012
Ikalawang Linggo ng Cuaresma
Gn 22,1-2.9a.10-13.15-18 . Rm 8,31b-34
Mk 9,2-10
=====



Nasabihan ka na ba ng ganito? Naku, iyang taong iyan, maganda nga ang itsura, pero sobrang pangit ng kalooban!

Sa pagtanda ng isang tao, nagbabago siya ng anyo: mukhang kulubot, puting buhok, kubang buto, at kung anu-ano pa. Ang dating batang minamahal at kinakarga, ngayo'y wala nang kapasidad. Kaya nga siguro habang bata pa ang isang tao, naglalaan siya ng pera at panahon para magpaganda, magpapogi, at kung anu-ano pa na ikababata niya kahit sa kanyang pagtanda. Naka-focus kasi tayo palagi sa pagpapaganda at pagpapabata ng panlabas nating katauhan...

... at madalas nating nakakalimutan ang pangangailangan ng ating panloob na katauhan na magpanibagong-anyo rin, mula sa dating dumi ng kasalanan hanggang sa kaputian ng luwalhati ng Diyos!

Tunghayan natin si Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon na nagbagong-anyo. Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan sa tuktok ng bundok at doon nasaksihan ng tatlong alagad ang patikim ng kaganapan ni Hesus - Diyos na totoo at tao namang totoo. Nagbago siya ng anyo. Puting-puti ang kanyang kasuotan, na walang makakapagpaputi ng gayon. Lumitaw sina Moises at Elias at nakipag-usap sa taong nagsisilbing katuparan ng batas at propesiya. Tao man siyang itinuturing, sa sandaling iyon ipinakilala niya sa mga alagad ang kanyang tunay na pagkakakinlanlan.

Nagbagong-anyo si Hesus, at lumitaw ang pagkabusilak ng kanyang kalooban! Ipinakilala niya roon sa bundok na ang nakatagong katauhan sa katawan ng isang Hesus ay isang dakilang Diyos na hindi nagdalawang-isip na ialay ang kanyang buhay para sa ating kaligtasan.

Nagsalita ang tinig, Ito ang minamahal kong Anak... Pakinggan ninyo siya! Sa kanyang dakilang paghahain ng sarili, ipinapakilala ng Diyos ang kanyang minamahal na Anak na naging tao upang makipamuhay sa piling natin. Di niya pinagkait si Hesus upang atin siyang makapiling. Ang kanyang tinig, ang kanyang salita ang nagdadala sa atin sa panibagong buhay, basta tayo ay tumalima lamang.

At sa dami-dami ng mga tinig na pinapakinggan ng makabagong mundo, naglalaan pa nga ba tayo ng oras na makinig sa tinig niyang nakakapagpagaling ng ating mga dinadalang kahinaan at sugat? Ano pa nga ba ang mas mahalaga, ang tinig ng makamundong pagnanasa na maghahatid sa atin sa kawalan, o ang tinig ng Diyos na maghahatid sa atin sa isang ganap na pagbabagong-anyo mula sa dating kamatayan tungo sa bagong buhay?

Ito ang misyon ng Kuwaresma, mga kapatid: Magbagong-anyo tayo, di lamang sa labas na katangian, kundi at higit sa nilalaman ng ating puso at kalooban! Tumayo tayo mula sa ating pagkadapa sa kasalanan tungo sa liwanag ng pagkabuhay! Mahirap man, tayo ay humihingi ng biyaya sa Panginoon upang magawa natin ito sapagkat siya lang ang katunayan ng pagmamahal ng Diyos sa atin.