February 06, 2011
Fifth Sunday in Ordinary Time
Is 58,7-10 . 1Cor 2,1-5
Mt 5,13-16
==========
Fifth Sunday in Ordinary Time
Is 58,7-10 . 1Cor 2,1-5
Mt 5,13-16
==========
Menudo. Mechado. Nilaga. Lengua. Tapsilog.
Hmmm! Masarap sa pandinig, di ba? Kapag ganito ang ating handang ulam, malamang hindi natin mapigilang tumakbo papunta sa hapag-kainan. Lalo na't hinahanda lang naman natin ang ganitong mga putahe kapag may special occassion. Lagi tayong nananabik na tumikim at makakain ng ganitong kasarap na pagkain.
Iyan ay dahil sa pambihirang paghahalo ng mga sangkap at sa milagrong dala ng kalikasan. Ang tawag dito: ASIN. Sa tamang timpla, ay nakakamit ng mga nanay ng tahanan ang pambihirang lasa na nasa bawat lutuin.
Bawal na bawal para sa kanila ang makulangan o masobrahan ng asin. Kapag nagkulang, magiging mapakla ang ulam; kapag sumobra, kidney stones ang pupuntahan ng kakain ng ulam niya. Ngunit kapag sakto lang ang naibigay nitong panlasa sa ulam, tiyak na ito'y kasasabikan ng sinumang makakatikim ng kanyang niluto.
Masarap, di ba? Ganyan ang ulam na nilahukan ng asin.
At para kay Hesus, ganito rin ang ating katangian bilang kanyang mga tagasunod. Kung paanong ang asin ay nakakapagpasarap sa pagkain, gayun din, tayo ay tinatawag upang maging asin sa ating kapwa: nagbibigay ng lasa sa buhay-pananampalataya ng ating kapatid.
Paano ito?
Tulad ng asin, na natutunaw subalit nakakapagpalasa sa pagkain, ang Kristiyano ay tinatawag upang ialay ang buhay at ilaan ito para sa kapwa, habang siya ay dahan-dahang namamatay sa kanyang sarili at nabubuhay sa piling ng Panginoon. Hindi tayo magiging ganap na Kristiyano hangga't hindi tayo nakakapag-alay ng serbisyo sa Diyos at sa kanyang bayan.
Masama ang kulang sa asin. Tulad natin, masama ang palaging nakukuntento sa kung ano ang nariyan na, at walang pakialam. Ang Kristiyano, ay gumagawa ng paraan at naglalaan ng higit na serbisyo sa ikakarangal ng Ngalan ng Diyos.
Masama rin naman ang sobrang asin. Napakasimple: kapag yumayabang na tayo dahil sa ating mga ginagawa, tayo ay nawawala na sa biyaya ng Diyos, at ang ating itinataas ay ang ating mga sarili.
At kung ganito ang ating katangian, kulang o sobra, wala na tayong pakinabang at tayo ay nararapat na itapon sa labas, sa apoy na nag-iinit sa ibaba. Ngunit kung sapat ang ating asin na taglay, kung patuloy tayong nabubuhay sa tawag ng Diyos na mahalin siya nang higit sa lahat at mahalin ag kapwa higit sa sarili, makakasiguro tayong ating tatanggapin ang biyaya ng Diyos sa langit!
Ngunit hindi lang sa asin naka-focus si Hesus! Meron pa siyang isang paghahalintulad.
Noong Miyerkules, ay nagpabasbas tayo ng mga kandila, tanda ni Kristong liwanag ng mundo. Nakita natin itong dahan-dahang nauubos habang nakasindi at nagliliwanag.
Ganito rin ang tawag sa atin ni Hesus: magbigay ng liwanag sa ating kapwa sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa. Mahirap gawin ito, lalo na sa mga panahong ito. Ngunit sa gabay at tulong ng ating Panginoon, ay magagawa rin nating maialay ang ating serbisyo, ang ating sarili upang maging mga ALTER CHRISTUS, mga katulad ni Kristo, sa ating mundo ngayon.
Pero kung tatanungin ninyo ako kung bakit mas nagtuon ako sa asin, isa lang ang sagot ko...
kasi MASARAP ANG ULAM, lalo na kapag saktuhan sa asin!

We are, indeed, called to be the "Salt of the earth" to add flavor not only for ourselves but for others as well.
ReplyDeleteMay God guide you in your endeavor.