Tuesday, February 1, 2011

BROWNOUT!!!


February 02, 2011
FEAST OF THE PRESENTATION OF THE LORD
World Day for Consecrated Life
Mal 3,1-4 . Heb 2,14-18
Lk 2,22-40
==========

ISIPIN ninyo ito: isang gabi, habang ang lahat ay busy sa bahay. Si tatay, nagbabasa ng dyaryo sa kanyang maliwanag na kuwarto. Si nanay, naghihilamos sa banyo. Ang mga bata, nanonood ng cartoons sa sala. Katatapos lang nilang kumain sa kanilang maliwanag na dining room.

Ayos na sana ang gabi nang biglang...

"MA! BAKIT DUMILIM? BROWNOUT YATA!!!" 

Sino nga bang hindi pa nakakaranas na mawalan ng kuryente? Sino nga ba ang hindi pa napeperwisyo ng sudden electrical interruption, lalo na kapag gabi na? Naranasan na nga nating kinakapos na rin tayo ng supply ng kuryente, at may mga rotating brownout sa Luzon. Kung minamalas, inaabot ng gabi na walang kuryente. Nagtitiis tayo sa kandila at lampara. Hindi makatulog sa gabi. Mahirap mabuhay.

Higit sa lahat ng kamalasan na nararanasan natin tuwing may brownout, ito yung mabigat. Mas mahirap gumalaw lalo na kapag gabi, dahil walang ilaw. Yung iba na hindi gamay ang mga gamit sa bahay ay  natatalisod, yung iba naman, hindi makagawa ng assignment. Mas masaklap pa, kapag pinaglaruan ang kandilang nakasindi, magkakaroon nga ng liwanag... kasi sa isang iglap lang, ang bahay mo pati ang mga katabi nito, nasusunog na!

At ano ang ginagawa natin kapag nawalan ng kuryente? Siyempre! Tatawag tayo sa MERALCO para masolusyonan ang problema sa kuryente. Pagkatapos ng ilang oras, malamang ay meron na ring kuryente sa bahay natin, at makakagalaw na makakatulog na tayo ng maayos.

O, di ba? Ganito kahirap ang mawalan ng kuryente, lalo na sa gabi. Kapag walang kuryente, walang liwanag. Walang ginhawa sa buhay.

Ganito ang mundo bago dumating si Hesus. Puno ng kadiliman. Salot kung maituturing. Malamang, lahat ay nakakaramdam ng kawalan ng ginhawa sa buhay. Naghanap ang ilan, ngunit hindi nila ito nakita.

Ngunit sa pagdating ni Hesus, sumilay ang liwanag sa mundo. Ngumiti ang Diyos at nagkaroon ng karapat-dapat na panahon para sa ating lahat na iniligtas!

TODAY marks the fortieth day after Jesus was born, and for the Jews, the firstborn male must be brought to the Temple, Every male that opens the womb shall be consecrated to the Lord. Jesus is the firstborn - and only - son of Mary and Joseph. For that, it is the responsibility of the Holy parents to offer Jesus to his Eternal Father.

We also see the image of Simeon, the old prophet, who has been waiting for the Messiah all his life. He has this only wish, to see the coming salvation even before he dies. It was fulfilled on this day when he saw the baby with His parents after offering the former to God. Full of joy, Simeon sang, "Now, Master, you may let your servant go in peace... for my eyes have seen your salvation... a light for revelation to the Gentiles, and glory for your people Israel."

KUNG tutuusin, parang malawakang brownout ang nangyari sa Mundo bago dumating si Hesus. Lahat sila, hindi alam kung saan pupunta upang hanapin ang kaligtasan. Digmaan dito, patayan diyan, paunahang sumakop ng lupa para sa kaharian. Ito ang mundo noon. Madilim.

Maswerte si Simeon dahil kahit sa huling sandali ng kanyang buhay, ay nakita at nasinagan siya ng liwanag na nagmumula kay Hesus! Nagkaroon ng katuparan ang kanyang kahilingan! Bumalik ang liwanag sa kanyang buhay at hindi na ito umalis mula sa kanya.

Ang panahong iyon ay walang pinagkaiba sa ngayon, mas lumala pa nga. Ang buhay ng tao ay nasa estado ng matinding brown-out! Dahil sa kasalanang naglipana sa ating mundo ngayon sa iba't-ibang paraan, lalong tumitindi ang nasasaklawan ng kadiliman. Mahirap nang gumalaw ng maayos, mahirap nang mabuhay ng banal sa mga panahong ito. 

Subalit, ngayon, dumarating ang biyaya ng Diyos sa atin. Siya ay si Hesus! Ang tunay na Liwanag na hindi namamatay, kundi lalo pang lumalakas ang alab. Patuloy siyang nag-aanyaya sa lahat na lumapit sa kanyang ilaw upang maliwanagan sa kabila ng pagka-brownout ng buhay. 

Totoo, hindi tayo makakarating sa buhay na walang hanggan kung brownout sa dinadaanan natin. Huwag matakot! Tayo ay tatanglawan ni Hesus. Biyaya ito para sa ating lahat! Ito sana'y ating pahalagahan. Ito'y ating gamitin, papagningasin.

O, brownout pa rin ba sa bahay mo? Tawag na sa MERALCO, dahil may liwanag ang bukas! 

Pero kung brownout pa rin sa buhay mo, Tumawag ka na kay HESUS, ANG TUNAY NA LIWANAG NG MUNDO!

No comments:

Post a Comment