Saturday, January 26, 2013

Naganap habang nakikinig.

Enero 27, 2013
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
National Bible Sunday
Neh 8:2-4a, 5-6, 8-10 .1 Cor 12:12-30
Lucas 1:1-4; 4:14-21
===

Pasensya na po, medyo masama ang pakiramdam ng inyong tagapagnilay sa mga panahong ito. Maikli lang po ang aking ibabahagi, subalit pipilitin ko po itong idiretso sa punto.



Tumayo si Hesus at nagpahayag.

Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon!

Galing ito sa aklat ni Propeta Isaias, isang sikat na tagapamahayag ng Lumang Tipan.

Nang matapos siya, siya ay naupo at pinahayag,
Naganap ang bahaging ito ng kasulatan samantalang nakikinig kayo.

Totoo nga naman, bilang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, si Hesus ang katuparan ng pinahayag ng Propeta. 

Walang halong biro iyan.

Totoo.

Kung titignan natin ang buhay ngayon, isang malaking pagkakaiba.

Wala nang masyadong nagbabasa ng Biblia.

Old school daw.

Mas uso na si FB at @twtr.

Mas maganda ang Fifty Shades of Grey kasi nakaka-relate sila kay Christian Grey. 

Naungusan pa nga ni Harry Potter eh.

Wala nang nakakakilala sa mga katauhan ng Biblia.

Kilala lang nila si Adan, si Eba at ang mansanas.

Ni yung ahas, di pinapansin.

Tapos, si Papa Jesus at Mama Mary. 

Nasaan na si Amang Jose?

ITO ANG REALIDAD.

Hindi na tayo ang bayang mulat sa biyaya ng Diyos.

Karamihan sa atin, happy-go-lucky na.

Walang pakialam sa pangangailangan ng iba.

Basta ang importante, tayo. Ako. AKO.

NASAAN ANG DYOS?

Nandun, sa librong tinalikuran natin!

Bakit nga ba di natin ito muling kunin, basahin at intindihin?

Siguro, dito natin makikita ang sagot sa ating mga problema, tulad ni Amang Agustin.

Tolle, Lege, Tolle, Lege!

Siguro, mauunawaan natin ang dahilan kung bakit maraming problema sa mundo, at kung bakit tayo pinapadaan sa pagsubok, tulad ni Pablo.
Siguro, makikita natin ang halaga ng ating kapwa bilang isang Simbahan na pinangungunahan ni Kristo. 

Siguro, masusumpungan natin ang hiwaga ng ating kaligtasan.

Buksan lang natin ang librong ito. Muling ibalik sa ating buhay, pamilya, lipunan.

At muli nating maibabalik si Kristo sa mundong wala nang pagkilala sa kanya.

Kunin mo ulit ang Bibliya! Basahin mo!
At tiyak na makikita mo ang kaganapan ng buhay samantalang binabasa mo ito.


No comments:

Post a Comment