May 31, 2011
Feast of the Visitation of Mary to Elizabeth
Zep 3,14-18a or Rm 12,9-6
Lk 1,39-56
===
Noong nagsimula akong maglingkod sa cyber community sa pamamagitan ng pag-type ng mga reflection, marami rin akong mga natatanggap na papuri. Sabi nga ng isa, Go on proclaiming the Good News! Sabi pa ng isa, 'Ang galing mo, pride ka ng school mo!' At marami pang iba. Marami na rin akong mga nasasagap na panlilibak, mga marunong na nagtatanong ng aking scholastic achievement, at kung ano'ng karapatan na nagbibigay sa akin ng kalayaan na gumawa ng ganitong blogsite.
Kahit na minsan, nagdadala ito sa akin ng laki ng ulo at yabang, gayunpaman, pinapaalala ko sa aking sarili na wala ako kung hindi dahil sa Diyos. Kapag nakakatanggap ako ng mga kumento, papuri man o panlilibak, wala na akong sinasabi kundi, 'Salamat po! Naglilingkod lang po ako. Mas dapat pasalamatan ang Panginoon dahil siya ang nagbigay sa akin ng ganitong biyaya.' Para sa akin kasi, hindi ko naman talaga ito gagawin o magagawa kundi dahil sa lakas na nagmumula sa Panginoon. Sabihin na ng iba na mayabang ako, sabihin na nilang nagmamarunong ako, ngunit sa huli'y ang Diyos ang nagkakaloob ng lakas sa akin na ganapin ito. Dahil rito'y siya lang ang dapat kong paglaanan ng aking pasasalamat.
Pero may mas higit pang naglaan ng pagpuri sa Panginoon sa biyayang pinagkaloob sa kanya, at siya ay walang iba kundi ang Mahal na Inang si Maria. Pagkalipas niyang malaman ang pagdadalang-tao ng kanyang pinsang si Elisabet (at iyun ay noong balitaan siya ni Gabriel na magiging Ina siya ng Manunubos), ay nagmamadaling pumunta si Maria sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. Milagro ito para kay Elisabet dahil, tulad ng ating alam, baog siya at hindi magkaanak. Biyayang itinuturing ito dahil patunay ito na ang Panginoon ay higit na umaalala sa lahat ng nananalig sa kanya.
Ang sandaling ito ay hindi lang nag-angat kay Elisabet, kundi higit itong nag-angat kay Maria. Diba nga, nang magkita ang dalawang magpinsan, ay gumalaw sa galak ang sanggol sa sinapupunan ni Elisabet? Higit na naramdaman ng Pinsan ni Maria ang kamahalan at kabanalan na nasa kanyang harapan, na dahil dito ay napabulalas si Elisabet: Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin naman ang iyong dinadala sa sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng Ina ng aking Panginoon? ... Mapalad ka, sapagkat pinaniwalaan mong magaganap ipinabatid sa iyo ng Panginoon!
Ano nga ba ang dapat na maging tugon ni Maria dito? Kung ibang babae si Maria, malamang ay sinabi niyang, Ay, kasi naman ako ang karapat-dapat! Hindi tulad ng iba diyan, mga kalapating mababa ang lipad, mga taong walang sinabi sa lipunan. Dapat lang na ako ang piliin ng Diyos, kasi angat ako sa inyong lahat! May kasama pa iyang taas-kilay at ngiting-aso. Iyan ay kung hindi mababa ang kalooban ng ating Mahal na Ina. Sigurado nang yabang ang kanyang ipinairal, siguradong sarili na niya ang kanyang iniangat!
Subalit hindi ito ang ipinakitang ugali ni Maria. Sa harap ng lahat ng biyayang dumating sa kanya, ay pakumbaba siyang yumuko at nagwika, Ang Puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, nagagalak rin ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking tagpagligtas! Sapagkat nilingap niya ang kanyang alipin, at dahil rito'y kikilalanin akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Sa lahat ng ginawa sa akin ng makapangyarihan, SIYA'Y HIGIT NA BANAL! ...
Napansin ba natin? Ang layu-layo na ng tugon ni Maria sa tugon ng common tao sa ngayon!
Isang tanong ng pagninilay para sa araw na ito: Kapag pinuri tayo, o sinabihan ng pinagpala ka naman, ang laki ng bahay mo, ang yaman-yaman mo, angat ka sa buhay, at kung anu-ano pa, ano ang kadalasan nating tinutugon?
Karamihan, ang isasagot ay ganito, Ay! Dahil nagsikap ako kaya ko naabot yan. ayoko kasing matulad sa mga hampas-lupa na wala nang ginawa sa buhay kundi uminom, magsugal at mambabae. Ay! dahil magaling kasi ako at marunong sa buhay. Ay! Dahil hindi ako tulad ninyo na ayaw magsumikap sa buhay. At marami pang tulad nito na paniguradong nagtatakda ng ating pagtaas sa ating sarili at pagyayabang sa ating mga nakamit o nagawa.
Ngunit tignan natin si Maria. Sa kanyang tugon sa papuring natanggap niya kay Elisabet, hindi nababakas ang pagmamayabang. Hindi nakikita ang pag-angat sa sarili. Ang tugon ni Maria ay isang papuri hindi sa kanyang sarili, kundi sa kanyang Diyos. Hindi niya ipinahiwatig na siya ang mahalaga, kundi ang Panginoon, at ang Salitang nagkatawang-tao sa kanyang sinapupunan. Mula pa sa simula, talos na ito ni Maria, na ang Diyos ay sumasakanya, at Siya ang mahalaga higit sa lahat.
Ito rin ang dalang hamon sa atin ng Kapistahang ito: praise God above all! Sabi nga ni St. Ambrose: You also are blessed because you have heard and believed. A soul that believes both conceives and brings forth the Word of God and acknowledges his works. Sa lahat ng ating mga ginagawa sa araw-araw, mula sa paggising hanggang sa paghimlay, matatalos nating kasama natin at gabay ang Panginoon. Sa bawat pagkakataong ating nakakasalamuha ang ating kapwa, pakisipin nating ang Diyos ang ating kaniigan. Sa bawat kilos na ating pinapakita, alalahanin nating ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas na magpatuloy sa araw-araw na gawain.
Higit sa lahat, sa bawat pakikinig natin sa Salita ng Diyos, lagi nating tatandaan na ito ang nagsisilbing liwanag na tanglaw natin sa araw-araw na buhay. Huwag nating kakalimutan na ang Diyos ang higit sa lahat ng ating pag-iral sa mundo.
Kung tayo ay naniniwala na ang Diyos ay higit sa ating lahat, at siya ang pinagmumulan ng mga biyaya, ito na ang magbubunsod sa atin na magpasalamat sa kanya sa lahat ng kaloob niya sa atin. At tulad ni Maria sa kanyang pagdalaw kay Elisabet, maipapahayag na natin ang ating taos-pusong pagpupuri sa Panginoon sa lahat ng biyaya at pagpapalang ating patuloy na natatanggap.