January 30, 2011
Fourth Sunday in Ordinary Time
Zep 2,3;3,12-13 . 1Cor 1,1,26-31
Mt 5,1-12a
==========
Fourth Sunday in Ordinary Time
Zep 2,3;3,12-13 . 1Cor 1,1,26-31
Mt 5,1-12a
==========
Paano nasasabi ng isang tao na mapalad siya?
Kapag siguro nasa kanya na ang lahat sa mundo, kapag multi-billionaire na siya at kaya niyang bilhin ang lahat ng bagay na gusto niya. Malamang, kapag nakilala niya ang isang taong mahal niya. O di kaya, kapag akala niya ay wala nang pagkakataong makita pa si Vic Sotto o si Willie Revillame, tapos mabibigla na lang siya nang mapansin niya na katabi na ang kanyang mga idolong artista.
Meron pa namang mga pagkakataong nasasabi ng isang tao na mapalad siya o nabiyayaan ng wagas. Pero ito yung mga kadalasan nating naririnig na mga dahilan kung kaya nasasabi na 'mapalad' ang isang tao.
Hindi natin maiiwasang isipin na napakababaw ng mga dahilan na ibinibigay natin upang isipin na 'mapalad' ang isang tao.At hindi naman masamang ibigay ito na kahulugan, lalo na sa panahon natin ngayon na mahirap makamit ang mga pangarap ng ganun-ganun lang.
Yan ang mapapalad. Ayon ito sa "words and stuff" ng mundo. Pero si Hesus ay may ibang definition ng salitang 'mapalad.' Hindi lang isa, kundi siyam. Ang tawag dito, Beatitudes. At ito ang pahayag sa atin sa araw na ito ng pamamahinga.
Isn't it good to be considered among the "blessed?" Jesus gives us the qualities of a real follower, of a real disciple, of a real Christian. If you consider yourself among these nine qualities, then you are worthy enough to be called blessed. It is because you have successfully fulfilled one, if not all, of those requirements of Jesus which serves as your passport to Eternal Life.
However, we must admit that what is achievable before is now hard to reach. Blame the devil and his cohorts for this. Temptations come in diverse forms and shapes. Even those which are considered sin before is a good deed now.
Mahirap ito para sa mga Kristiyano ng panahon natin. Habang ang iilan ay nagsusumikap na mamuhay ng maayos, ang karamihan ay patuloy na nabubuhay tulad sa Sodom at Gomora. At hindi nila alam na mali na ang ginagawa nila, ngunit patuloy nila itong ginagawa, at hinahangad dahil dito sila masaya. Dito nila nararamdaman na mapalad sila.
Sandali! Kung ganoon ang sitwasyon, maitatanong natin ito:
May mapalad pa ba ngayon?
May mapalad pa ba sa panahong ito na wala na halos takot sa Diyos ang sangkatauhan? May mapalad pa ba ngayong hindi na iniisip ng tao ang kanyang ginagawa? May mapalad pa ba ngayong puro kasalanan na lang ang iniisip niyang gawin?
OO! Sigurado, meron pa! Kahit kaunti lang sila, siguradong meron pa. Ang problema ay yung katotohanan na KAUNTI NA LANG SILA!
Kapag tayo ang tinanong ng ganito, maiisip natin, Meron pa namang mapalad, eh! Pero ang kasunod na tanong nito ay mas malalim...
Kung meron pang mapalad ngayon at kaunti na lang sila, itinuturing mo rin ba ang sarili mo na kasama sa kaunting mapapalad na ito?
Mahirap sagutin, no? Kasi alam natin sa puso natin na tayo man ay hindi bahagi ng mga mapapalad na ito. Tama nga na mapalad tayo dahil tinubos tayo ng Dugo ni Hesus at sa kanyang kamatayan, tayo ay iniligtas. Pero kung hanggang dito lang ito at hindi natin pinalago sa isang mabuting pamumuhay, mamamatay ang pagiging mapalad natin. Mawawalan ito ng saysay.
We are blessed because Jesus died for us; likewise, we should cultivate this blessing through living a holy life, and being a blessing to others.
Sa linggong ito, hamon at panawagan sa atin ni Hesus na samahan ang kaunting bilang na ito ng mga mapapalad. Tayo man ay tinatawag na maging mapalad sa ating munting paraan. Mahirap nga, oo, pero ngayon na ang takdang panahon upang ganapin ang ating tungkulin bilang Kristiyano, ang maging 'mapalad,' at maging 'pagpapala' sa iba.
Muli, ang hamon na tanong sa atin ngayong linggo,
> MAY MAPALAD PA BA NGAYON?
> KUNG MERON, KASAMA KA BA SA MGA MAPAPALAD NA ITO?
Pagpalain nawa tayo ng Panginoon sa Linggong darating!