Saturday, August 25, 2012

Iiwan nyo rin ba ako?


Agosto 26, 2012
Ikadalawampu't-isang Linggo sa Karaniwang Panahon
Js 24, 1-2.15-17.18 . Efe 5, 21-32
Jn 6, 60-69
===

IIWAN NYO RIN BA AKO?


Kapag may lakad ang barkada at di tayo nakasama, sumasama ang loob natin. Kapag hindi rin ayon sa atin ang plano ng isang tao, iiwan natin siya kahit na malayo na ang naabot ng inyong pinagsamahan. Kapag break na, break na kahit na umiiyak kayo pareho at mahal nyo pa ang isa’t-isa.

Masakit ang iwanan, masakit rin ang mang-iwan. Hindi ito isang biro, dahil tipo bang naputulan ka ng paa sa gagawin mo o sa ginawa sa iyo. Di na kumpleto ang katauhan mo o ang mundo mo.  Para bang wala ka nang dahilan na mabuhay. Feeling mo, forever alone ka na lang.

Iiwan nyo rin ba ako?

Medyo may kalakasan ang tanong na ito ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayong linggo. Matapos ang tatlong linggo ng pagpapakilala ng kanyang sarili sa atin, ngayo’y pinapakita ang pagtugon ng tao sa paanyaya niyang kanin siya bilang Tinapay ng buhay. Masakit ito para kay Hesus, parang, ibinigay na nga niya ang buhay niya, ganito pa ang isusukli ng tao sa kanya. Walang naniniwala sa kanya dahil hamak lang daw siyang anak ng karpintero.

Iniwanan siya ng lahat ng taong di-matanggap ang kanyang salita. Tinalikdan siya ng mga taong minsang pinakain niya. Nagpapatuloy ito hanggang ngayon sa bawat pagkakasala natin, sa ating pagtalikod sa kalooban ng Panginoon. Nasisiyahan pa tayo na iwanan siya para sa ating sariling kaligayahan.

Subalit mapalad ang taong tunay na nakasumpong sa kagandahang-loob ng Panginoon! Batid nila na wala pang-unawa ng mundo ang sagot sa kanilang mga tanong kundi sa kagandahang-loob ng Diyos. Tulad ni Pedro, sila’y nagpapahayag, Saan kami tutungo? Nasa iyo ang salita ng buhay na nagdudulot ng buhay na walang hanggan!

Pananampalataya ang siyang susi upang Makita natin ang kagandahang-loob ng Panginoon, lalo na sa Banal na Eukaristiya. Hindi lamang ito biro! Ito ay nagpapakilala ng kabuuan ng Diyos. Marami na ang nang-iwan sa kanya, subalit siya ay patuloy na nagbibigay ng sarili upang tayo ay patuloy na mabuhay.

Tanungin natin ang ating mga sarili, tunay nga bang nakikita natin si Hesus sa Banal na Misa at sa ating buhay-pananampalataya? Iiwan rin ba natin siya sa oras ng kagipitan?

Sa Eukaristiya, naghihintay si Hesus na lumapit tayo sa kanya. Tinatawag niya tayo, niyayakap at pinapaging-kanya. Tumugon tayo sa kanyang panawagan: Kayo rin ba ay aalis? Iiwan nyo rin ba ako?

Saturday, August 18, 2012

Pagkain para sa Laban!
(Huling Installment)

Agosto 19, 2012
Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Kw 9,1-6 . Efe 5,15-20
Jn 6,51-58
===

Ano'ng pananaw mo kapag nagsisimba ka? Yung iba, para lang makaalis ng bahay pag Linggo. Yung iba, trip lang nilang makasama yung kaibigan. Yung iba, seryoso na nais makapiling ang Panginoon kahit isang oras lang.

Iba-iba ang dahilan, iba-iba rin ang karanasan ng bawat isa, subalit aminin man natin o hindi, ang Diyos rin mismo ang tumatawag sa atin upang makapiling siya sa Banal na Pagpapasalamat (Eukharistia sa Griyego) sa lahat ng biyayang sa kanya nagbuhat at patuloy na ibinibigay sa atin.

Kaso, ang problema, karamihan sa atin ay binabalewala ang pasasalamat na ito. Tingin nila sa Misa ay isang role play lang, may babasahin, tapos itataas ng pari yung tinapay, tapos ipapamigay tapos sa dulo ay magpapalakpakan sila dahil tapos na. Hindi nababatid ng nakakarami ang tunay na halaga ng Misa na kanilang dinadaluhan.

Si Hesus mismo ang nagpapakilala sa atin ng tunay na halaga ng Misa: ang kaugnayan natin sa Diyos at niya sa atin: Ang sinumang kumakain ng aking Laman at umiinom ng aking Dugo at nananahan sa akin, at ako sa kanya!

Sa kanyang pagmamahal sa atin, ay iniwan ni Hesus ang Banal na Misa upang magsilbing alaala na tayo ay may Diyos na patuloy na nagbibigay sa atin ng buhay at lakas upang magpatuloy sa ating pakikibaka. Upang maging malakas tayo, ang kanyang katawan mismo ang ating kinakain, at ang kanyang dugo mismo ang ating iniinom - sa anyong tinapay at alak. 

Kalakip ang ating pananampalataya, tayo ay nananatiling buhay sa kanyang pananatili sa atin: Ang sinumang kumakain ng aking Laman at umiinom ng aking Dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siya sa huling araw! 

Hindi natin pinapansin ito, sa halip ay nagpapatuloy tayo sa ating mga araw-araw na ginagawang taliwas sa Eukaristiyang ating tinanggap. Sabi nga nila, pang-linggo lang ang ating kabanalan, at ibang usapan na ang Lunes hanggang Sabado. Hindi ito ang nararapat na pananaw para sa ating laging humuhugot ng buhay sa Katawan at Dugo ni Kristo! Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y nakakagawa ng mabuti. (Ikalawang Pagbasa)

Si Kristo mismo ang pagkain natin para magpatuloy sa pakikibaka ng buhay! Ibinibigay niya ang kanyang sarili para sa ating ikababanal at ikabubuhay. Di man natin pansin, o pansinin, patuloy niyang ipinapakilala ang kanyang sarili para ating mahalin, igalang, at gawing bahagi ng ating buhay. Hinahamon niya tayong taglayin siya sa ating mga plano, mga aktibidad, mga sasabihin o gagawin - sa araw-araw nating pamumuhay.

Sa pagtatapos ng ating pagninilay sa nakalipas na tatlong linggo, tanungin natin ang ating mga sarili, Paano ko pinapahalagahan ang Banal na Eukaristiya sa aking buhay? Nagtatapos lang ba sa isang oras ang ating pagpapasalamat sa Diyos, o pilit natin itong tinataglay sa ating mga gawain sa araw-araw? Tinatanggap ko ba ng taos-puso si Kristo sa aking buhay sa bawat Komunyon?

Linggo na naman! Inaanyayahan na naman tayong makapiling si Hesus sa Banal na Eukaristiya. Wag nating sayangin ang pagkakataon. Tanggapin natin ng buong puso at pananalig si Hesus, ang Tinapay ng Buhay, ang tunay na Pagkain para sa laban ng buhay!

Panginoon, salamat sa pagbibigay ng iyong sarili upang maging pagkain naming nagbibigay ng buhay! Nawa'y tanggapin ka namin sa aming mga puso, upang iyo kaming mahubog ayon sa iyong larawan. Sa pamamagitan ng banal na Misa, matanggap ka nga nawa namin maging aming lakas upang ipagpatuloy ang pagharap sa hamon ng buhay hanggang sa masapit namin ang luwalhati ng buhay na Walang Hanggan. AMEN.

===

Sa panibagong taon na biyaya sa akin mula sa Panginoon, kayo ang palaging nasa isip at puso ko. Kasama ko kayo sa isang panibagong taon ng pagharap sa pagsubok ng buhay. Please always include me in your prayers. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta! ^^


Wednesday, August 15, 2012

Sa Luwalhati ng Diyos!

Agosto 15, 2012
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
Ph 11,19a.12,1-6a.10a-b . 1Cor 15, 20-27
Lc 1,39-56
===

Ipinagbubunyi natin ang isang dakilang pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan sa araw na ito. Iniakyat sa Langit si Maria, katawan at kaluluwa. Hindi hinayaan ng Diyos na mabulok ang katawan ng babaeng nagdala, nag-aruga at nagmahal sa Diyos na nagkatawang-tao. Sa sandaling iyon, na tinawag siya ng Diyos sa kanyang piling, pinagkaloob sa kanya ang isang natatanging biyaya, na iniakyat siya sa Langit, katawan at kaluluwa.


Naniniwala tayong si Maria ay iniakyat sa Langit noong huling sandali ng buhay niya sa mundo. Bilang mga Kristiyano, nababatid nating ang Mahal na Ina ay nabuhay ng isang buhay na tapat at mabuti sa mata ng Diyos at ng kapwa. Tulad ng ating Panginoon na kanyang Anak, si Maria ay nanatiling tapat sa pangako ng Diyos hanggang sa huling sandali. Sa kanyang pag-oo sa mensahe ng Anghel, nagbukas para sa atin ang mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos. Hindi maaaring ito ay mabalewala.

Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon! Ang buhay ni Maria ay isang buhay ng pagpuri sa Diyos, sa kabila ng mga pagsubok at mga hinagpis na kanyang naranasan. Hindi siya nagreklamo ni nagdamdam, ipinaubaya niya ang lahat sa Panginoon, na dahil dito siya ay niluwalhati at itinaas mula sa kanyang kababaan. 

Mapalad ka, sapagkat naniwala kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon. Tunay na ang kanyang pagkamatapat sa pangako ng Diyos ang siyang naging susi sa kanyang mistikong pakikipag-isa sa luwalhati ng Panginoon sa Langit. Ngayon, ang kanyang pagiging matapat at pananampalataya ang siya nating pilit na sinusunod sa ating buhay. Mahirap man, alam nating ito rin ay magbububnga ng mainam, ito ay lalago, at ito ay magdadala sa atin sa kaganapan ng buhay.

Nauna si Kristo, susunod ang lahat ng kay Kristo. Ang kaluwalhatian ay hindi lamang para kay Hesus o kay Maria o sa mga Santo; ito rin ay para sa atin! Hindi mahirap ang sumunod sa kalooban ng Panginoon, sa sandaling pinaubaya natin ang lahat sa kanyang kalooban, makikita natin kung paano magiging mainam ang lahat ng bagay. Hindi mawawala ang pagsubok, subalit magkakaroon tayo ng lakas na ipagpatuloy ang laban sa buhay. 

Simple lang ang hamon ng Dakilang Kapistahang ito: Isang buhay na banal at naka-ayon sa Kalooban ng Panginoon.  Gaano nga ba tayo katapat sa pangako ng Panginoon? Katulad ni Maria, handa ba tayong ipaubaya ang lahat sa kanya, umaasang tayo rin ay maiaakyat sa langit at makakasalo sa luwalhati ng Diyos?

Manalangin tayo na manatili tayong matatag sa ating pananalig sa Diyos. Gumawa tayo na hindi inaalala ang sarili, kundi ang Diyos sa lahat ng bagay. Kaisa natin si Maria sa ating pagsusumikap para sa isang buhay na banal at tapat sa Panginoon. Hindi magtatagal, mararanasan rin natin ang biyaya ng luwalhati ng Diyos! 



Sunday, August 12, 2012

Pagkain para sa Laban!
(Part 2...mahaba pa pala! )

Agosto 12, 2012
Ikalabinsiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
1H 19,4-8 . Efe 4,30-5,2
Jn 6,41-51
===

Hindi naman sa mahaba ang post natin; ito ay isang serye ng pagninilay ukol kay Hesus na Tinapay ng Buhay na ating natatanggap sa bawat Misa. 

Isang masalimuot ngunit nakakapanggising na linggo ang nagdaan sa atin dito sa Maynila at mga karatig-probinsya. Hindi naman bagyo, ngunit isang matinding serye ng pag-ulan ang naranasan natin na kasing-bigat ng bagyo ang hatid na epekto sa ating mga buhay. Naligo na naman ang mga bahay sa tubig-baha, sinabayan pa ng matinding patak ng ulan. Ang resulta: isang matinding delubyo na ramdam na ramdam at di talaga malilimutan ng bawat isa.

Para na naman tayong mga nawalan sa bait. Hindi natin alam kung ano ang gagawin o kung saan pupunta. Para sa iba, nawalan sila ng tahanan, gamit o, sa kasawiang-palad, ng kamag-anak. Mabigat na sandali ito para sa ating lahat. Tunay na nakakapanlumo. Masakit, subalit ito ang realidad.

Gayun pa man, sa pagtatapos ng isang madilim na linggo, muling nasilayan ang sikat ng araw. Naghatid ito ng pag-asa, nagbigay ng dahilan upang magpasalamat. Salamat dahil buhay pa ako. Salamat dahil may pagkakataon pang magbago. Salamat dahil, kahit na walang-wala, ang Diyos ang nagkakaloob.

Tuloy ang laban, sabi nga nila. At sa pagpapatuloy ng laban, kailangan ng lakas upang makapagsimula muli. Dito dumarating ang Panginoon. Dito niya ipinapakilala ang kanyang sarili: Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay!

Maraming nagtanong noon, nasaan ang Diyos noong naghihirap kami sa baha at unos? Pagdududa ang namayani sa karamihan sa atin, kung bakit daw hinayaan ng Panginoon na mapagdaanan nila ito. Pagdududa na ang Diyos ay tunay na nariyan, na handang sumaklolo sa atin. Ito ang namayani sa nakakarami.

Pagdududa rin ang nakita ng Panginoon sa mga Hudyo noong panahon niya. Di ba anak ito ni Jose at Maria? Nakakapanloko, paano niya nasabing siya ang pagkaing nagbibigay-buhay? Kanibalismo, kung baga. Hindi talaga kapani-paniwala sa mata ng tao na ang tinitignan ay ang panlabas lamang.

Ngunit sa puntong ito pinahayag ng Panginoon, Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit sa akin(...). Sinasabi ko sa inyo, ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan! Tunay na pinapakilala ng Panginoong Hesus ang kanyang kapangyarihan, na di-maunawaan ng mata ngunit pinaniniwalaan ng puso. Ito ang pananampalataya na di-matarok ng isip ng tao, ngunit nababatid ng pusong itinalaga sa Diyos.

At saan nga ba tayo maaaring humugot ng lakas at higit na pananampalataya para ipagpatuloy ang laban sa buhay? Saan pa nga ba kundi sa Banal na Eukaristiya! Ito ang hapag ng ating pagpapasalamat sa Diyos. Ito ang bukal ng panibagong lakas upang ating maharap ang mga pagsubok, hindi sa ating pananaw, kundi sa pananaw ng Diyos. 

Maraming nagdududa sa kanyang presensya, subalit tunay na mapalad ang nananampalataya na di-gamit ang mata kundi ang puso. Tunay nga na kapag tayo ay tumatanggap sa Katawan ni Hesus, makikita natin ang kaganapan ng ating buhay. Hindi ito bunga ng mahika o kung ano man, kundi ng masidhing pananampalataya ng taong tumatanggap sa kanya. 

Kung ikaw ay nagluluksa pa rin dahil sa pagkawala ng minamahal noong nagdaang linggo, bakit di mo subukang humugot ng lakas sa Katawan ni Kristo? Sa iyong pagsimba ngayong linggo, subukan mong ibulong sa Panginoong nagmamahal ang lahat ng iyong mga pagsubok na pinagdaanan. Sa iyong pakikipaniig sa kanya sa Banal na Komunyon, subukan mo ngang kausapin siya, ihibik ang iyong pangangailangan, at lakipan ng matinding pananampalataya na Siya nga ang nakipag-kaisa sa atin.

(May part three pa...)

Wednesday, August 8, 2012

Be like Dominic!

August 08, 2012
Our Holy Father Saint Dominic de Guzman
Jer 31,1-7
Matt 15,21-28
===

Today we celebrate one of the most prominent people in the Catholic Church, Our Holy Father Saint Dominic de Guzman. Actually, some may know him as an eloquent guy, perfect in preaching, champion in abolishing the heretics, and the promoter of Mary's Rosary. 

Yes, these are the things that one remembers in Saint Dominic, but we may not know how he went to become these things. Some may even think that he is a rich priest who formed an order just to follow his steps. But that is not the real course of the story.

He came from a very rich family but he didn't grow up boasting his riches, instead he gave everything he could give for the poor and sick of his time. He was so eloquent in preaching, but it was not much of his intellect, rather, it was because of his intimate relationship with the Lord Jesus. His life as a religious was a life of intense prayer, self-mortification, and study. 

Indeed, he was found favorable to God and before His people. His mission as the light of the Church became well-appreciated not only by his followers (some became saints their own way), but by the Holy Mother Church.

Dominic's life serves as our call to action, especially now as we face a period of struggle as a nation. His example is a challenge for us; it is not so easy to live holy, as we need to face many hardships and trials, but we know that the Lord is with us, guiding us through it all.

As we fight for the defense of life, let us be brave and bold like Dominic, facing the errors and correcting them in the eternal light of God's word. 

As we lend a hand for those who suffer from the flood and rain, let us be generous and humble like Dominic, who spared almost nothing for himself so that everyone may be filled with what they need. 

Above all, as we ask the Lord for protection from the ongoing disasters, let us be intimate like Dominic, who did not curse anyone, but rather praised the Lord in everything he had.

Finally, let us ask the intercession of this great priest and preacher, that through our undertakings as a reflection blog, we could always be humble and willing to be of-service to the Church who is always sanctified by the Word of God, joyfully preached by our Holy Father, Saint Dominic de Guzman.


Monday, August 6, 2012

LISTEN!

August 06, 2012
FEAST OF THE LORD'S TRANSFIGURATION
Dn 7,9-10.13-14 . 2Pt 1,16-19
Mk 9,2-10
===


Jesus is on a different mood on today's feast. He had visitors - well, they are not-so-ordinary - two men from the past and a mysterious voice. How exciting!

Well, just as it is exciting, it is also an exhibition of how great our God is. On our Sunday readings we witnessed how Jesus performed miracles for the benefit of all the on-lookers. He multiplied the loaves and fish for all to eat and be full. Yesterday, he introduced himself as the food which came from Heaven with the premise that Whoever eats me will never hunger and whoever believes in me will never thirst.

Today, we celebrate that majestic moment when Our Lord Jesus transfigured on the top of the mountain, at the sight of a few apostles. His clothes became dazzling white, such as no filler on earth could bleach them. He was also visited by Moses and Elijah, thus confirming Jesus' role as the culmination of the law and prophecy. And then, from a cloud came a voice: This is my beloved Son. Listen to him!

He presents himself in glory as the God he really is, and unlike the time of Moses that whoever sees God's glory will die, Jesus did not hesitate to present his majesty before Peter, James and John. For these three, whose hearts were grappling with fear, Jesus is not a 'fake' prophet anymore; he is real, in fact he is who he tells the people is, the Son of God!

Rabbi, it is good that we are here! Peter, in spite of fear (he even had a 'wacky' offer of three tents of Jesus, Moses and Elijah), was still able to utter these words of amazement. It is not that he is dumb-stricken again; for him, it was an declaration of the greatness of God manifest before his eyes. Though he will deny Jesus in front of the people on the sorrowful hours of his life, Peter would still stand as the main witness to Jesus' life, preaching and saving work as the head of the Church. (Second Reading)

We remember Jesus' words yesterday, This is the work of God, that you believe in the one whom he sent. Today, God himself confirms the mission of Jesus as our Lord and Savior through the mystic voice in the cloud: This is my beloved Son...Listen to Him! The Father invites us all the more to listen to Jesus and take part in his saving work by sharing His Word and deeds to others, especially those who have not received him yet. 

This is my beloved Son...Listen to Him! His Word brings life; it defends the Sanctity of life; it leads us to the fullness of life. We face a lot of problems nowadays yet we listen to people who are frail, who could not give us the right answer. Friends, the Father himself provides us with an answer today: JESUS! We neglect him, compromise his teachings, even exchange it for not-so-holy philosophies, but with the Lord we need not find anything else. 

In the Holy Eucharist, Jesus continues to transfigures himself as the Food of Life. He never fails to give us himself every time we partake of him in Holy Communion. Unworthy as we are, he still provides us with the strength to continue the fight. We listen to him as he enters our bodies, he cleanses our thoughts and makes us one with him.

We now ask ourselves, Do I listen to God's will manifest in Jesus Christ? Do I let him transfigure my life by welcoming his will? Do I follow his precepts or go with the flow of the people who do not recognize him anymore?

As we celebrate the Feast of Jesus' Transfiguration, we are invited to listen with haste to God's Word and live it in our everyday encounter with others. Damned are those who do not listen to him nor accept him as their Lord and Savior, but blessed are those who incline their ears to His Word and lead others to him. Through His grace, our lives are truly transfigured, and changed into the image of Jesus. The Lord indeed uses us as instruments of His Love and Life for all. With Peter, we can really say, Rabbi, it is good that we are here!

God of life and glory, your Son was revealed in splendour before he suffered death upon the cross; grant that we, beholding his majesty, may be strengthened to follow him and be changed into his likeness from glory to glory; for he lives and reigns with you and the Holy Spirit, one God now and for ever. AMEN.

Sunday, August 5, 2012

Pagkain para sa Laban (Part 01)

Agosto 05, 2012
Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon
(Dedication of Sta. Maria Maggiore)
Exo 16,2-4.12-15 . Efe 4,17.20-24
Jn 6,24-35

At tuluy-tuloy lang ang ating usapang pagkain. Kapag Pasko, Bagong Taon, Fiesta o Birthday, lahat tayo ay umaasa na masarap yung pagkaing ihahanda sa hapag. Kumakayod tayo para sa isang masaganang salu-salo kapiling ng pamilya o kaibigan. Kumakain nga tayo at nabubusog, natutuwa tayo lalo na kapag masarap ang pagkain. Madalas, may kasama pang alak yan kaya tuloy sa round table ang kasiyahan. 

Subalit pagdating ng kinabukasan, ano ang ating napapala? Impatso kasi naparami sa pagkain, hilo dahil sa kalasingan, at kung anu-ano pang sama ng pakiramdam. Ang masaklap, wala na ang pera sa bulsa! Ang kasayahang panandalian, nauwi sa sakit ng katawan at ng pitaka. XD

Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagdudulot ng buhay na walang hanggan.

Ito ang isa sa tagubilin ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Sariwa pa sa alaala ng balana ang ginawang himala ng Panginoon (na ating napakinggan last week) tungkol sa pagpapakain ng limanlibo buhat sa limang tinapay at dalawang isda. Akala nila, factory ng pagkain ang Panginoon, at umaasa silang gagawa ulit siya ng himala na tulad ng nakita natin noong isang linggo. 

Nasa alaala nila ang nangyari sa ilang noong panahon ni Moises na umulan ng manna (na ang kahulugan ay ANO ITO?) at nakakain silang lahat. Dahil sa Manna na buhat sa Langit, nakapagpatuloy sila sa paglalakbay ng apatnapung taon. Ngunit sa kabila ng pagkain nila ng Manna, namatay pa rin sila at hindi na nakarating sa lupang pangako. Dala ng kanilang pagsuway sa atas ng Panginoon, hindi nga nila narating ang kanilang inaasam, kahit na pinakain sila ng misteryosong tinapay buhat sa itaas.

Batid ito ng Panginoong Hesus, napansin niyang hinahanap nila ang katulad ng pagkaing naghahatid ng sandaling pagkabusog. Kaya ang kanyang pabatid, Hindi si Moises ang nagbigay ng pagkaing ito kundi ang Ama sa Langit. Siya rin ang nagbibigay ng pagkaing nagbibigay-buhay...yaong bumaba mula sa Diyos at nagbibigay buhay sa sanlibutan. 

Sa Diyos nga nagmumula ang lahat ng nagbibigay-buhay, kasama na ang pagkain! Walang impatso, walang hilo, walang butas na bulsa. Dulot nito ay buhay para sa ating lahat at lakas upang ipagpatuloy ang ating mga pinaglalaban at pinagsusumikapan.

Mga ka-DOSE, sa tuwing dumadalo tayo sa Banal na Misa, nagkakaroon ng katotohanan ang mga salitang ito ng Panginoon. Sa tinapay at alak na nagiging Katawan at Dugo ni Hesus, nagiging realidad ang sinabi ng Panginoon, Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Siya ang nagbibigay ng lakas at tatag sa ating kaluluwa at katawan upang manindigan para sa katotohanan at kabutihan. Ito ang nagbibigay-patotoo sa kanyang pagmamahal sa atin.

Samantalang tayo ay nagtatrabaho para makakain ng masarap sa araw-araw, inaanyayahan rin tayo ng Panginoon na mabuhay ng tapat at pinaglalaban ang katotohanan. Binibigyan niya tayo ng lakas, sa pamamagitan ng pagkaing hindi nauubos, kundi palaging naghahatid sa atin ng tatag. Ito nga ang kumukumpleto sa ating mga sarili, naghahatid sa atin ng karunungan, at nagpapakilala sa atin sa isang Diyos na alam ang ating pangangailangan: Ginoo, bigyan po ninyo kami palagian ng pagkaing ito!

Sa ating mga pagsusumikap, ano nga ba ang ating hinahangad? Nananatili na lang ba tayo sa pagkaing  napapanis at nawawala, o nakikiisa tayo sa sambayanang pinapalakas ng biyaya ng Panginoon? 

Maraming nagdududa, hindi naniniwala (Part two na yan), subalit ang hamon para sa atin ay ang manalig na ang bilog na Ostiya na ating tinatanggap araw-araw o linggo-linggo ay ang Diyos mismo na lumalang sa atin at nagbibigay ng lakas sa atin. Kailangan ang ating pananalig, Ito ang pinapagawa sa inyo ng Diyos: Manalig kayo sa sinugo niya!

Panginoon, itulot mo na sa bawat pagdalo namin sa Banal na Misa ay aming mabatid ang iyong buhay at tunay na presensya. Bigyan mo kami ng lakas upang magsikap kang kamtin sa araw-araw naming gawain. Ikaw na pagkaing bumaba mula sa Langit, palakasin mo kami! Amen.