Saturday, October 6, 2012

Pagtanggap sa buhay, handog ay BUHAY!

Oktubre 07, 2012
Ikadalawampu't-pitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Gn 2,18-24 . Hb 2,9-11
Mc 10,2-16
===

Pag sinabing Kasal,
isang pananaw na banal
kapag tao ay pinagsama
wag paghiwalayin kailan man.

Ito ay bahagi na, noon pa man,
ng plano ng Diyos, higit sa lahat,
buhay ay pausbungin, nilikha'y paligayahin.
Lahat ay pantay sa kanyang paningin.

Sa atin, ito ay sakramento
Banal na tanda ng Diyos sa tao.
Pagsira dito ay katumbas ng kasawian,
Pagtaliwas ay isang dakilang kasalanan.

Ngunit, bakit nagkakaganito?
Pananaw ng tao'y biglang nagbago?
Ang banal, ginawang laruan
Kasal ngayon, bukas ay hiwalay na?

Para naman sa iba, live-in ay sapat lang,
Di na daw nila keri ang kasal sa simbahan.
Yung iba naman, flirt lang:
Sex ngayon, bukas, "Kilala ba kita?"

Yung iba namang nakakaangat
Nais, RH Bill ay ipasa
Bilang batas na nagtataguyod ng "pamilya"
Ngunit sa totoo ay nakakawasak ng tahanan.

Ang kasal ay katumbas ng buhay
biyaya ng Diyos sa ating nilalang.
Hindi natin pwedeng sabihing tayo ang may-ari
Pag tayo'y namatay, sa Kanya ri'y babalik.

Ang Kristiyano, higit sa lahat,
Inatasang magtaguyod ng buhay
Magka-pamilya, maging responsable
Maging tapat sa sumpaan at sa binuong mag-anak.

Huwag tayong makakalimot sa habag ng Poon.
Minsan naman, ay ating isipin ito:
Buhay nati'y galing sa Diyos.
Ingatan ito, wag balewalain.

Makakaasa tayo na tayo ay magiging marapat
sa Kaharian ng Diyos
tulad ng sinabi ng Poong Hesus.
Pagtanggap sa buhay, handog ay BUHAY!


No comments:

Post a Comment