Showing posts with label Lent. Show all posts
Showing posts with label Lent. Show all posts

Sunday, March 24, 2013

ANG HANGAD KO



March 24, 2013

LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Ang Pagsisimula ng Mahal na Araw
Alay-Kapwa Sunday
World Youth Day
Blessing of Palms
Lucas 19, 28-40
Mass
Is 50,4-7 . Phil 2,6-11
Lucas 22,14-23,56 / 23,1-49
=====


Pagandahan na naman sa dalang Palaspas?


Isang Simbahan tayo sa pagtanggap sa Panginoong Hesus ngayong simula ng mga Mahal na Araw. Dala ang ating mga Palaspas, sinasalubong natin ang Panginoon sa kanyang pagpasok sa Jerusalem upang tuparin at ganapin ang kaligtasan ng sangkatauhan.

Kung minsan natatanong natin sa ating sarili, Ano nga ba ang halaga ng ating Pagdiriwang ng mga Mahal na Araw? Bakit kailangan itong alalahanin? Para saan nga ba ito?

Puno ng drama ang pagpapahayag ng Pagpapakasakit ng ating Panginoon sa panulat ni Lucas. Merong mga bagay na naisulat sa kanyang Ebanghelyo na wala sa ibang Synoptic Gospels (Mateo, Marcos). Para sa ilan, ang Pagpapakasakit ni Hesus ayon kay Lucas ay isang pagpapahayag ng dakilang pag-ibig ng Diyos. Ang kamatayan ni Hesus para kay Lucas ay isang kamatayang puno ng pag-asa, ng pagtitiwala at ng biyaya.

Sa pag-ibig na ito, kahit na ang hamak sa mga magnanakaw ay nakatanggap ng matinding regalo sa sandali ng kanyang kamatayan. Dito ako magbibigay ng pansin sa aking pagninilay ngayong taon (Ang iba pong pagninilay tungkol sa Linggo ng Palaspas ay matatagpuan sa http://urdose.blogspot.com.)

Kasabay ng Panginoong nabayubay sa Krus ay ang dalawang magnanakaw na naparusahan ring mamatay; mistulang kasama si Hesus sa kasalanang nagawa nina Hestas at Dimas. Sa iba't-ibang pagkakataon, nakagawa ang dalawang tulisang ito ng pagkakamali laban sa pamayanan kaya sila ay hinatulang mamatay, na siya namang nararapat para sa kanila. Subalit ang kanilang kamatayan ay isa ring sukatan, kung hanggang saan sila mananatili sa pananampalataya.

Dalawang pagtugon ang ating maririnig mula kila Hestas at Dimas, isang pagtugon ng pangungutya at isang pagtugon ng pananalig. Sa bibig ni Hestas nagmula ang panlilibak sa Panginoon, Di ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami! Para sa kanya, kailangang magkaroon ng isang matibay na pruweba na si Hesus nga ang Tagapagligtas, at ito ay ang pagbaba niya sa Krus upang iligtas ang sarili sa pagkapahiya ng mga Hudyo – kasabay nito ang paglaya sa kanilang dalawa. Kapag nagawa ito ni Hesus, ay tiyak na mananalig ang lahat ng taong nakapaligid, sasambahin siya at itatanghal na Panginoon sa oras ring iyon.

Ngunit sa bibig ni Dimas, maririnig natin ang isang pagtuwid: Wala ka bang takot sa Diyos? Dapat tayong mamatay sa ating ginawa subalit walang kasalanang ginawa ang taong ito! Malinaw para kay Dimas ang tunay na halaga ng nangyayari noong sandaling iyun sa Golgota. Wala man siyang malalim na kaalaman, nakagawa man siya ng kasalanan, batid pa rin niya na walang dahilan upang patayin ang taong napagitna sa kanila, na nagkamali ang sambayanang Judio sa paghatol sa kanya. Para kay Dimas, ang ginawa ng mga matatanda ng bayan ay hindi tama sapagkat hindi basta-basta ang kanilang pinapatay – isa siyang Banal ng Diyos. Maaalala natin na sinabi ni Hesus noong siya'y tinukso sa ilang, Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!

Nagpatuloy si Dimas, Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na. Sumagot si Hesus, Sinasabi ko sa iyo, ngayon di'y ipagsasama kita sa Paraiso. Sa sandali ng kamatayan, nakita ni Dimas ang liwanag ng Buhay, na sumilay para sa kanya at para sa mga taong nananalig kay Hesus. Walang pag-aalinlangan, ipinaubaya niya ang kanyang kahihinatnan sa Panginoon na siyang pinagmumulan ng buhay. Sa pagtanggap ni Hesus sa kanyang kahilingan, nakatanggap siya ng isang biyaya na hindi matutumbasan ng anumang kayamanang nanakaw niya sa tanang buhay niya, nagawa niyang “nakawin” ang langit, at naging kanya ang pangako ng buhay na walang hanggan.

Naghangad si Dimas ng paghahari ng Diyos, ganito rin ba tayo? Sa tinagal ng buhay natin dito sa mundo, sa lahat ng ating mga ginawa, sa dinami ng ating mga pangarap na tinupad at nais pang tuparin, hinangad ba natin ni minsan na maalala tayo ni Hesus sa kanyang kaharian? Sasabihin ng ilan, okay na yung dasal na minsan lang, o yung paghipo sa imahen ng santo, swak na yun upang maalala tayo ng Diyos, ngunit ito nga ba ang naisin ng Panginoon para sa atin?

Ang hangad ko, O Diyos ay makasama sa paghahari mo! Kaya nga siguro namatay ang ating Panginoon sa Krus ng Golgota ay upang makasama niya tayo at makasama natin siya sa kanyang kaharian at sa buhay na walang hanggan. Walang hihigit rito, subalit hindi natin ito pinapansin.
Sa panahong malaya na ang taong magpahayag ng kanyang nais, kung saan kinakain na tayo ng modernong mga pamamaraan, mapalad ang mga taong tulad ni Dimas ay naghahangad ng paghahari ng Diyos higit sa lahat.

Ngayong Mahal na Araw, sa pagsalubong natin kay Hesus sa Jerusalem, ay huwag lamang tayong mahimpil sa ligaya ng pagkakita sa kanya. Kung nais talaga nating makita ang kaganapan ng ating buhay, huwag tayong matakot na hangarin sa bawat sandali ang Kaharian ng Diyos. Makikita natin ito sa Krus, sa kanyang paghihirap, sa kanyang kamatayan. Hangarin sana natin ang makasama sa kanyang Kaharian sa bawat oras, hanggang sa kamatayan.

Panginoon, alalahanin mo nawa kami sa iyong Kaharian. Huwag mong ipahintulot na malayo kami sa iyo. Sa iyong kamatayan, nagkaroon kami ng bagong buhay, panatilihin mo kami sa iyong Buhay ng pag-ibig at luwalhati. Amen!

Saturday, March 16, 2013

SINO KA PARA HUMUSGA?



Marso 17, 2013
Ikalimang Linggo ng Cuaresma
Is 43, 16-21 . Fil 3, 8-14
Juan 8, 1-11
===

Tsismisan. Bahagi na ito ng buhay natin, ang pagkwentuhan ang buhay ng may buhay kahit na wala siyang kinalaman sa mga buhay natin. Mula sa tradisyunal na kwentuhan sa tapat ng tindahan, hanggang sa modernong pambabara ng mga “Internet Trolls” kapag may isyung lumabas sa internet, iisa at iisa lang ang ating ginagawa, ang pagkwentuhan ang pagkakamali ng buhay ng iba.

Panay pang-ookray ang lumalabas sa bibig ng mga taong promotor ng maling impormasyon tungkol sa isang tao. Ay, alam ninyo si ganito, blah blah blah! Oo, grabe talaga siya! Kapag tayo naman ay nalalagay sa alanganin dahil sa tsismis, ang madalas nating nasasabi ay ganito, Bakit sila ganoon? Sino sila para hughahan ako ng ganun? Minsan pa nga umaabot pa ito sa matindihang pasaring ng salita o ng kamao.

Ayaw na ayaw nating napapahiya, pero gustong-gusto nating mamahiya. Gusto nating manlaglag ng buhay ng may buhay, at ito ay naturalesa na sa bawat isa sa atin.

Samantalang nagtuturo si Hesus sa Templo, nilapitan siya ng mga matatanda na dala-dala ang babaeng ito. Tinanong nila si Hesus kung babatuhin na ba nila siya o hindi pa, bilang pagtupad sa utos ni Moises, kahit na ang tunay na dahilan nito ay upang may maisumbong sila sa mga Saserdote kapag nagkataon.

Batid ng Panginoon ang dilim ng kanilang nais, kung gaanong kadali para sa kanila ang mambagsak ng isang tao, kung gaanong kasimple ang manghusga sa katayuan nila bilang mga bihasa sa batas. Kaya nagsimulang sumulat si Hesus sa buhangin samantalang nakatingin silang lahat. Sa kanilang pangungulit ay sumagot si Hesus, Ang sinuman sa inyong walang kasalanan ang siyang unang bumato sa kanya.

Nang maisip ito ng mga pinuno ay dahan-dahan silang umalis, hanggang sa natira na lang ang babae na takot at nagtataka sa nangyari. Sa halip na husgahan rin siya ni Hesus ay kanyang sinabi, Hindi rin kita huhusgahan. Humayo ka at wag nang magkasala. 

Kung titignan natin ang ginawa ng mga Escriba at Pariseo sa babaeng nahuling nakikiapid sa ating Ebanghelyo ngayon, wala itong pinagkaiba sa ating ginagawa sa ngayon. Kay bilis nating manita ng pagkakamali ng iba. Kapag tayo naman ang nasaktan ay mabilis rin tayong mag-react. Umaakto tayo na para bang di tayo nagkakamali o pagkalinis-linis nating tao.

Ang ginawa ni Hesus sa Ebanghelyo ay isang panawagan sa atin na ang kanyang gawi ay iba sa ating gawi, at tayo ay dapat na sumunod sa kanya. Mahirap ang di-manita, lalo na kapag tayo ang nasasaktan, subalit sa halimbawa ng Panginoong Hesus, tayo ay pinapapaalalahanan na maaari rin tayong maging mabuti sa ating kapwa na di siya nasasaktan.

Kung di siya nanghusga, sino tayo upang manghusga? Ang Diyos ay pag-ibig; bilang mga Kristiyano tayo ay inaanyayahang ibigin rin ang ating kapwa tulad ng pag-ibig niya. Ang pagmamahal ay hindi pagmamalaki, ni pambabagsak ng ibang tao. Ang pagmamahal ay pagtanggap, at pagtulong sa ating kapatid upang malayo sa maling gawi at mailapit sa Diyos.

Lahat tayo ay nagkasala tulad ng nakiapid. Lahat tayo ay nanghuhusga tulad ng mga Pariseo at Escriba. Subalit sinisikap ba nating tularan ang ginawa ng Panginoong Hesus na mas piniling ibigin ang taong nagkasala sa halip na lalo siyang ibagsak?

Isang linggo na lang at Mahal na Araw na, isa muling pagkakataon na makalapit sa Panginoon na nag-alay ng buhay para sa atin. Sa mga nalalabing araw ng ating paghahanda, pagsumikapan nga nating maging tapat at mabuting Kristiyano, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Magsikap tayong magmahal at huwag manghusga. Tandaan natin, kung paano tayo nanghusga, ganun rin tayo huhusgahan. Minahal tayo ng Diyos, kaya mahalin rin natin ang ating kapwa, sa sukatan ng Krus.

Panginoon, matularan nawa namin ang inyong halimbawa ng pagmamahal at pagtanggap sa bawat naming kapatid na nakasakit sa amin. Turuan mo kami na huwag humatol, kundi umibig ng tulad ng aming pag-ibig sa sarili, sapagkat sa aming pagmamahalan ay maipapakita namin ang aming pagmamahal sa iyo. Amen.

Saturday, March 2, 2013

HABANG DI PA HULI...



Marso 03, 2013
Ikatlong Linggo ng Cuaresma
Exo 3,1-8a.13-15 . 1Cor 10,1-6.10-12
Lucas 13,1-9
===

Sabi nga ni Kuya Kim, Ang buhay ay weder-weder lang. Totoo, bawat isa sa atin ay may sariling mga oras at karanasan. Marami sa atin ay nasa sibol pa ng buhay, nakakayanan pang gawin ang mga gustong gawin, ngunit darating at darating tayo sa pagkakataong di na natin kakayanin ang mga mabibigat na gawain, magkakasakit tayo, at mamamatay.

Sa loob ng panahong malakas tayo, sinusubukan nating maging malakas rin sa paningin ng iba, naghahanap tayo ng mga kaibigan, naglalakwartsa sa kung saan-saan, sinusubukan maging ang mga bagay na di naman dapat gawin. Sabi nga, live life as if it's your last, ubos-biyaya basta masaya.

Sa Ebanghelyo natin para sa Linggong ito, binabahagi sa atin ni Hesus ang Talinhaga ng puno ng igos na di magkabunga-bunga. Sa tindi ng galit ng may-ari, inutusan niya ang katiwala na putulin na ito agad-agad, ngunit nakiusap pa rin ang katiwala na hayaan itong lumago ng isa pang taon, at gawin ang nararapat makalipas ang nasabing panahon.

Lahat tayo ay may pagkakataon, sinusubukan nating mabuhay na ayon sa gusto natin, ngunit di naman natin natatalos na lahat ng ito ay mawawala, lilipas at matatapos. Kapag namatay tayo, di natin madadala ang lahat ng 'achievements' natin, kundi ang atin lamang sarili, upang humarap sa Diyos at tignan kung nagkabunga nga tayo.

Hahanapan nga tayo ng bunga. Marami sa atin ang nagsisikap na maging successful sa buhay, maging makapangyarihan o maimpluwensya. Gusto natin na mas mataas tayo sa pinakamataas na bundok, o building, ngunit tayo ay ginigising ni Hesus ngayon, hindi mahalaga ang kapangyarihan natin, ang mahalaga ay ang ating ginawa para sa ating kapwa. Makapangyarihan nga tayo, pero kung ginamit natin ito sa masama, ito ay bale wala.

Ang importante sa sandali ng ating kamatayan ay naisabuhay natin ang hamon ni Hesus na maging saksi niya. At walang ibang paraan upang maisabuhay ang ating pananampalataya kundi ang pagmamahal sa ating kapwa. Ang ating kapwa ang siyang salamin ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang ating kapwa ang siyang magiging saksi natin sa harap ng Diyos na nakakaalam sa lahat. The more we hurt other people, the more we are in danger.

Gawin natin ang nararapat habang may oras pa. Sinasabi natin, mahaba pa ang buhay at marami pa tayong gagawin, ngunit ang totoo ay hindi natin ito hawak. Bawat oras, bawat sandaling lumilipas ay isang panawagan na sundin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Paano kapag namatay tayong hindi handa? Paano kapag di tayo nakapagpakita ng bunga sa Diyos?

Huwag nating sasayangin ang bawat oras ng buhay! Patuloy tayong manalangin at mabuhay sa kabanalan. Patuloy tayong magsikap na ihatid si Kristo sa kapwa. Gawin natin ito, bago mahuli ang lahat. Alam nating mahirap subalit kung kasama natin ang Diyos ay magagawa natin ang lahat. TIWALA LANG!

Panginoon, tulungan mo kaming ihatid ka sa aming kapwa sa lahat ng oras. Ihanda mo kami sa aming pagharap sa iyo sa sandali ng aming kamatayan. Amen.

Saturday, February 16, 2013

Jesus was Tempted Too!

February 17, 2013
First Sunday of Lent
Migrants' Sunday
Dt 26,4-10 . Rm 10,8-13
Luke 4,1-13
===

If you are a frequent churchgoer especially during Lent, you would know that the First Sunday of Lent is focused on the Temptation of Jesus. One of the reasons why we celebrate these forty days is to remember the forty days in which Jesus stayed in the desert after he was baptized. He spent it in prayer and fasting, just like what we strive (I hope so) to do during this period.

Yet, while He was fasting then, He was tempted by the devil, alluring him to forget His role as our Savior in exchange of earthly splendor and riches. But the Lord, knowing our sinful nature, did not give in to the Devil's charm, and instead drove him away, thus beginning His ministry of proclaiming God's kingdom to all.

We can ask, why does he need to be tempted by the Devil, knowing that he is the Son of God? We look at the hymn of Kenosis (Phil 2,7 ff) and see there that the Lord Jesus emptied himself of all the Kingly stature, leaving nothing for himself, and took the form of a slave when he was born and lived among us. Though a God, he left everything for our sake; he decided to live as an ordinary person, living our life, singing our songs and playing our games, but never committing sin like all of us. (Heb 2,18)

This was proved when he was tempted by the devil on the mountain. He was tried three times, once when he was asked to change the stones to bread, once when he was asked to jump from the parapet of the temple, and once when he was shown with all the riches of this world. Yet, he did not give in and so proved to the evil one that he is the All-powerful God.

These temptations are not really far from what we are experiencing today, it's just that we tend to give in instead of fighting against it. We are tempted to forget our history for something which is against God's will in our lives. We are tempted to challenge God by doing extraordinary things which we are not supposed to do. We are tempted to neglect God's providence and think that we are the master of our lives.

We are tempted, and we always give in without thinking of the consequences. We are tempted, but we don't even turn to God in these times, as we tend to do things on our own. Do you want proof? Just look around and you'll see people saying that they are serving the masses, yet they are just serving themselves!

Dear friends, Jesus was tempted too, like us, but He overcame these things. He knows how it feels to be challenged to forget His Father, that giving-in to these temptations may mean the loss of his union of love with His Father.

If Jesus was able to overcome these things, how much more in our part? We cannot do it on our own, that's why we have the season of Lent, a period of Fasting and Prayer that we may have the strength of Jesus and the courage of defending our holy life against the malices of the evil one. His grace is our courage; His love is our strength.

How many times did we neglect God's grace in our lives, and give in to the powers of this world? Do we still see ourselves bound to the temptations of the devil?

Friends, it's the season of Lent, a time of prayer and self-discipline. A time when God calls us to turn back to Him even if the evil one is around and charming us so as to forget Him. Let us take the opportunity set before us, that we may reach the glory of Easter full of blessings and grace.


Lord, call us back to you and defend us from the temptations of this world. Amen.

Wednesday, February 13, 2013

BABALIK KA RIN SA ALABOK.

Febrero 13, 2013
MIYERKULES NG ABO
Jl 2,12-18 . 2Cor 5,20-6,2
Mt 6,1-6.16-18
===

Sa tagal na ng buhay mo sa mundo, imposibleng magulat ka pa kung may makita kang may abo sa noo ngayon. Minsan nga di pa hugis-Krus, kundi may tuldok, may bilog at may star pa. (:p)

Anuman ang itsura, basta may makita kang abo na nasa noo, ang unang papasok sa isip mo ay ang dahilan ng pagdiriwang sa araw na ito.

"Ay, Ash Wednesday na nga pala. Di pa ako nakakasimba!"

Matik na sa atin na ang Miercules de Ceniza ang hudyat ng pagsisimula ng Panahon ng Cuaresma. Sa pagpahid (o paglalagay) ng abo sa noo ay isinasa-alang-alang natin ang ating katayuan sa mundong ito: babalik tayo sa alabok na pinagmulan natin - in short, mamamatay rin tayo. Pinaghahandaan na rin natin ang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus, ang dahilan ng ating kaligtasan, sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno at paglilimos. Kalakip nito ang taimtim na pananampalataya sa kanyang pagmamahal at katapatan sa atin.

Medyo dramatic nga lang ang pagdiriwang natin ng Ash Wednesday ngayong taon. Noong Lunes, nabalitaan natin na magbibitiw na sa tungkulin ang Santo Papa Benito XVI. Isa itong balitang ikinagulat ng buong Santa Iglesia, na nasanay na ang Papa ay maglilingkod hanggang sa kamatayan. Totoo ito, subalit para kay Papa Benito, batid niya na hindi na kaya ng kanyang katawan at kalusugan ang hamon ng makabagong panahon, at may isang mas kakayanin ang lahat ng kanyang ginagawa sa ngayon bilang Bikaryo ni Kristo.

Para sa iba, ito ay tanda na duwag ang Santo Papa, na hindi niya kayang harapin ang hamon ng makabagong panahon, kung saan nagbabago ang pananaw ng tao sa moralidad. Ngunit hindi ito ang nasa isip ng Papa; bagkus ito ay ang kanyang pagtugon sa tawag ng Panginoon na magpahinga mula sa mabibigat na hamon na hinaharap ng Simbahan. Ito ay tanda ng kanyang kababaang-loob, ng pagbatid na may mas makapangyarihan pa sa kanya, at pagtanggap sa realidad ng kanyang buhay na malapit nang bumalik sa alabok, sa Diyos na may-likha.

At di ba nga ito ang panawagan ng araw na ito, na tayo ay nagmula sa alabok at doo'y babalik rin tayo? Madalas nating iniisip na mahaba pa ang buhay natin, na marami pa tayong oras para bumalik sa Diyos kaya birada lang tayo sa pagmamayabang at pagkakasala.

TIGNAN NINYO, NARITO NA ANG PANAHONG NARARAPAT; NARITO NA ANG PAGLILIGTAS!
Tama nga siguro si Pablo sa kanyang paaalala, na sa pagsapit ng Cuaresma, ay dumarating sa atin ang isang panibagong pagkakataon na ihanda ang ating sarili sa pag-alala sa kaligtasang hatid ng kamatayan ni Kristo, paghahandang hindi makikita sa isang buhay na puno ng yabang at sarili, sa pagpapakitang-tao o sa paglublob sa sarili sa buhay ng pagkakasala.

Ang paghahanda na kailangan, ay ang paghahanda na taglay ang pusong nagsisisi sa mga pagkakamali, at buhay na handang magsakripisyo para sa Panginoon. Hindi ipinagmamakaingay ang ginagawang tama at mabuti, kundi ipinapaubaya sa Diyos ang lahat, taglay ang pananampalataya na nakikita ng Amang butihin ang kanyang ginagawa. Hindi bulag ang ating Diyos; binibiyayaan niya ang lahat ng nagsisilbi sa kanya ng tapat kahit na di alam ng madla.

GAGANTIMPALAAN KAYO NG AMANG NAKAKAKITA NG BAGAY NA GINAGAWA MO NG LIHIM.

Kuwaresma na naman, mga giliw! Muli na naman tayong tinatawagan na pagnilayan ang dakilang pagliligtas na ginawa ni Hesus. Itutulad na naman ba natin ito sa nagdaang mga Kuwaresma na lumipas na walang nagbago sa atin? Handa ba tayong ibaba ang sarili at tanggapin ang realidad na tayo ay babalik sa alabok, babalik sa Diyos?

Ipanalangin natin ang Santo Papa sa kanyang pagbaba mula sa upuan ni Pedro, na patuloy niya tayong mapangunahan na taglay ang pusong mapagpakumbaba, pusong tulad ng isang Ama sa kanyang mga anak. Ipanalangin natin ang buong Simbahan - na walang iba kundi tayo - upang maipagdiwang natin ang Kuwaresma na puno ng pagpapasalamat sa hatid ng ating pananampalataya: ang ating Kaligtasan.

Sunday, April 1, 2012

Truly, this is the Son of God!

April 01, 2012
PALM SUNDAY OF THE LORD'S PASSION
The Beginning of the Holy Week
Alay-Kapwa Sunday
World Youth Day
Blessing of Palms
Mk 11,1-10 or Jn 12,12-16
Mass
Is 50,4-7 . Phil 2,6-11
Mk 14,1-15,47 or 15,1-39
=====



And so let me proclaim with all reflection bloggers out there: TODAY WE BEGIN THE HOLY WEEK! With Palm Branches on our hands and songs of praise on our lips, we once again enter the Holy City with Jesus as we commemorate his saving act for us: his passion, death and resurrection. We dwell again on our acts of piety on one hand and come with the church community for the liturgical rites on the other. The supposed end: a renewed person in us as we celebrate Easter next week.

Last year, we reflected on our response as the people saved by Christ's death on the Cross: Hosanna or Crucifige? We looked at ourselves and asked if we lived a life of praise for the blessings granted upon us, or a life of remorse and bitterness because of so much negativities. We hope that the reflections provided helped all of the readers in the rightful observance of the Week that changed History.

Let us go fast track to the moment when Jesus breathed his last. In total submission to his Father's will, he dies on the cross in the sight of the cruel mob and a few people who stayed with him until the end (PS: John doesn't show his presence in today's Gospel, but let's presume.). He shouts a heavy cry, a cry that encompasses time and place and gave his spirit back to His Father.

While everyone enjoys the view of watching the 'blasphemer' die of his own sins against their religion, a gentile discovers his salvation. As Jesus dies on the Cross, the Roman Centurion who is in-charge of the battalion witnesses the events which unfolded, and on-the-spot, he declares, Truly, this man is the Son of God!

This great Roman Official, who doesn't know Jesus at all, except for what he had heard from hearsay, is among the people who made Christ experience the most cruel execution man can ever give his God. Being the head of the execution team, he spearheaded the death of Our Lord, thinking that he is just a crazy guy which is wanted dead by the Jews.

But upon the death of the Lord, his ideas changed on-the-spot! As he witnesses the darkness of the skies, and the quaking of the Earth, he fell unto his knees, and, looking at the guy he considered as insane at the onset which is now dead, he declares, Truly, this man is the Son of God!

Dear friends, we once again enter the Holy Week with our superficial attitudes. Admit it, some of us practice our popular acts of piety using our mouths and not our hearts. We do penitential acts - some of  which are not recommended by the Local Church - and believe in superstitions - still not recommended by the Church - and yet we do not know Christ deep in our hearts. We perform our 'obligations' and it's all over. Like wearing a uniform, we enjoy doing our practices this week only to take it away next week and perform it again this time next year. How convenient!

But when we are stricken with problems, we often hear ourselves shout, Eloi, Eloi, lema sabachtani? The belief is lost, and what's remained is anger and dissatisfaction over a God who 'did not listened' to our prayers. Is this what we call faith? We depend on our 'acts' and thinks that God is contented with that he is receiving, without seeing the empty space deep in our hearts. We usually replace authentic faith with what we do, that we forget to do the real thing.

And yet, to someone who is in a middle of the sharks the sea of chaos, yet sees himself miraculously saved return to shore safe and sound, God is really there. To someone who thinks that it is the end, yet sees ways to overcome the trials, God is really there. To anybody who is stricken by disease of terminal status, yet miraculously healed, God is really there. To someone who welcomes another day with a smile on his lips despite the troubles of work and school, and ends it with a simple prayer of thanksgiving, God is really there.

In other words, to somebody who believes that God will take care of his life no matter what, God is really there. He does wonders, and we are amazed to the point of declaring, Truly, God is here with us! And he is more worthy to carry Palm Branches and shout out, HOSANNA!!! as Jesus passes by.

Indeed, we bear Palm Branches and declare our praises to the Son of David; and so we know and see God in the midst of the chaos of our life. Sometimes he is hard to find because of our human frailties, but guess what, HE IS THERE! He knows us, he sees us, he loves us until death. And so who are we to forget this love, and share it with others? 

Holy Week is here again, dear friends. Let us not waste this period of our lives in doing senseless things. Rather, let us reflect more on the love of God for us frail beings. Let us once again glace on the Cross and discover how big is his love for all of us! With this, like the Roman Centurion, we may shout out, Truly, this is the Son of God!!!

===

I would like to invite you to read and reflect on the Reflections on the Gospels of the Paschal Triduum from April 05-08 here in http://urdose.blogspot.com. This is an opportune chance for everyone to read and reflect on what God has in store for us on these three days of Salvation.
God bless and have a meaningful Holy Week ahead! :)

Sunday, March 18, 2012

Gayun na lamang

Marso 19, 2012
Ikaapat na Linggo ng Cuaresma
Linggo ng Laetare
2Cro 36,4-16.19-23  . Eph 2,4-10
Jn 3,14-21
=====


Laetare! Magalak! Kalahati na ng Kuwaresma ang nagdaraan, at sa araw na ito ang puso natin ay napupuno ng kagalakan dahil alam na nating malapit nang matapos ang ating mga pagtitimpi at pagdurusa. Ilang tulog na lang, muli nating masisilayan ang hiwaga ng Muling Pagkabuhay, at sigurado ay gayun na lamang ang saya na madarama natin sa pagpasok ng Paskuwa.

Gayun na lamang.

Kapag nakakarinig tayo sa kaibigan natin ng kuwentong sinamahan ng parirala na Gayun na lamang, ano'ng madalas na pumapasok sa isipan natin?

Hindi madali yung ginawang desisyon ng isang tao.

Ganung katindi yung impact sa kanya nung tao o pangyayari.

Hindi peke yung nararamdaman ng isang tao.

Kapag minahal ka ng isang tao ng gayun na lamang, ibig sabihin kaya niyang gawin ang lahat para sa relasyon ninyo o sa pagsasama ninyo. Kapag galit sa iyo ang isang tao ng gayun na lamang, gagawa at gagawa siya ng paraan para mapatahimik ka lang. Siguro nga, ang phrase na gayun na lamang ay may sobrang lalim na pinaghuhugutan, na dahil sa lalim nito ay nakakapagdulot ng mga imposibleng mga gawain para sa isang tao.

Ano pa kaya ang Panginoon?

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya niya ibinigay ang kanyang bugtong na Anak!

Iniisip ng ilan sa atin, naku! Petiks lang yan para kay Lord, madali lang para ibigay si Hesus sa atin. Akala lang natin iyon. Para sa isang Diyos na nagmamahal sa atin at ayaw na tayong muli pang mawalay sa kanya, isang malaking desisyon ang isugo ang kanyang bugtong na Anak upang iligtas tayo.

Para sa karamihan, ito ay isa na lamang sa mga lumang kuwento na hindi na dapat binibigyan ng malalim na pakahulugan. Mahalaga sa mundo ngayon ay ang mga bagay na ikakasiya ng kanyang katawan: pera, sex, kapangyarihan, at ang paggawa ng kasalanang akala niya ay tama. 

Bukod riyan, para sa makabagong tao, wala nang saysay ang pananampalataya, at hindi na dapat bigyang-pansin ang relihiyon. Kaya nga uso at talamak na ang komunismo at mga pundamental na "iglesiya" na nagsasabing sila ang tamang daan tungo sa kaligtasan. Wala nang hokus-pokus daw, basta magbigay lang ng salapi at maghanap ng tagasunod, ayos na!

Subalit, sa pagpapatuloy ng salaysay ni Juan, ipinadala ng Ama si Hesus upang ang sinumang sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng walang hanggang buhay! Siya ang liwanag na tumatanglaw sa atin sa kadiliman ng ating buhay. Maraming kumukutya at hindi tumatanggap sa kanya, at sa kanila'y parusa ang naghihintay sapagkat tinalikdan nila ang pinagmumulan ng liwanag at kabutihan sa kanilang buhay.

Tunay na mapalad ang mga tao na tumatanggap at sumusunod sa kanya sa lahat ng oras sapagkat gayun na lamang ang pagmamahal ng Diyos para sa kanila. Kahit na kutyain sila ng mundo, kahit na kung anu-anong masamang pakana ang ikalat ng diyablo, patuloy siyang nagiging masigasig sa pagsasabuhay ng kanyang pananampalataya. Siya ang binibigyan ng higit na pagpapala dahil gayun na lamang ang pagnanais ng Diyos na iligtas ang makasalanang nagbabalik-loob sa kanya.

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo at sa akin; isinugo niya si Hesus upang mamatay para sa atin. Paano natin ito tinatanggap? 

Pinapaalala sa atin ngayong Linggo ng Laetare na higit sa anumang biyaya sa atin ng Panginoon, ang mahalaga ay ang kanyang pagsugo kay Hesus upang tayo'y mailigtas. Sa kabila ng problema at pagsubok, huwag tayong panghinaan ng pag-asa sapagkat sa totoo lang, Gayun na lamang ang pag-ibig sa ating lahat ng Diyos! 

Isinugo niya si Hesus at sa kanyang kamatayan sa Krus ay pinalitan ang ating katauhang namamatay at dinamtan ng bagong buhay sa kanyang piling! Palagi nating kapiling ang Espiritu Santo upang patnubayan tayo sa ating gagawin sa araw-araw. Pinupukaw tayo ni Maria at ng mga Banal upang pagnilayan ang dakilang pagmamahal sa atin ng Diyos. Wala nang ibang pagmamahal na makakahigit rito. at ang dulot nito sa atin ay lubos na kasiyahan!

Ganito tayo kamahal ng Panginoon, kaya may dahilan talaga upang tayo'y magsaya!