Friday, July 29, 2011

Magpakain ka naman...


July 31, 2011
Eighteenth Sunday in Ordinary Time
Fil-Mission Sunday
Is 55,1-3 . Rm 8,35.37-39
Mt 14,13-21
===

Malapit na ang birthday mo. May fiesta sa inyo. Noche buena na! Eto pa, Media Noche na! 

Ano'ng ibig sabihin niyan? KAINAN NA! Maging simple lang iyang kainan, o salu-salo ng buong barangay, tiyak na mag-eenjoy ang lahat sa saya na hatid ng selebrasyon. Mas magiging masaya yan kapag may kasamang pagkain o inumin na napakasarap. Kahit na todo-utang na ang naglaan ng handaan, basta makita niyang busog at kuntentado ang mga kumain, ay okey sa alright na iyun para sa kanya!

Eh kung wala kang ipapakain at isang bayan ang mga bisita? Paano na?

Kayo ang magpapakain sa kanila! Iyan ang sagot ni Hesus sa tanong ng mga apostol kung paano pakakainin ang limanlibong lalaki na sama-samang nagkakatipon upang makinig kay Hesus at humiling sa kanya ng pagpapagaling. Dapit-hapon na noon, at malayung-malayo sila sa bayan para bumili ng pagkain. Kung sa bagay, wala rin naman silang pondo kaya paano nga talaga nila pakakainin ang sang-bayan na kalalakihan, wala pa ang mga babae at bata?

Ang solusyon ng mga alagad, pauwiin na ang lahat para tapos ang problema. Tama nga naman di ba? Para walang problema, paalisin na lang at pauwiin na ang lahat. Wala nang pakakainin, wala pang aalalahanin.

Ngunit ang solusyon ni Hesus: Hindi na nila kailangang umuwi! Kayo ang magpapakain sa kanila! Eto na naman si Hesus, malamang na nasa isipan ng mga Apostol. Eto na naman siya, nag-iisip ng kung anu-ano. Paano natin sila pakakainin? Kahit nga limang tinapay at dalawang isda na meron tayo ay hindi sapat para sa lahat!

Ngunit sa limang tinapay at dalawang isda na ito, nakagawa si Hesus ng milagro at paraan upang mapagsalu-saluhan ng lahat. Kinuha niya ang tinapay at isda, nagpasalamat sa kanyang Ama na pinagmulan ng lahat, at iniutos na ipamahagi iyon matapos pagpira-pirasuhin. Nag-aalangan man, ay sinunod ng mga alagad ang utos na ito ni Hesus; ibinahagi nila ang pagkain para pagsaluhan ng lahat. Akala nila ay mapapahiya sila ngunit sila ay nagkamali.

Ang resulta: Nakakain ang lahat mula sa limang tinapay at dalawang isda! Lahat ay nakakain at nabusog! Lahat ay nakuntento! Nakapagtira pa nga ng labindalawang kaing ng sobrang tinapay. Tunay nga na walang imposible sa Diyos, at lahat tayo ay nagagawa niyang pagsalu-saluhin mula sa mumunting piraso ng pagkaing nakakabusog ng katawan at kaluluwa.

Sabi ng ilan, ito raw ay miracle of sharing, iyung pagbabahagi ng lahat ng tinapay na meron sila sa ibang wala, kaya lahat ay nabusog. Pero kung Miracle of sharing nga ang naganap, hindi na mabibigyang-diin ang paghihimala na ginawa ni Hesus sa limang tinapay at dalawang isda. Kung iisipin, kaya siya natawag na himala (at nais ko itong bigyang-diin), ay dahil pinakain ni Hesus ang lahat ng naroon gamit ang ibinigay sa kanya ng mga alagad: ang limang tinapay at dalawang isda. Kung may miracle of sharing man, ay ibang bahagi na iyun ng usapan. 

Portion of the Church of the Multiplication of Loaves, Tabgha, Israel
Ang mahalaga, ang lahat ay nakakain, nabusog at nakuntento, mula sa dalawang isda at limang tinapay! Parang fiesta lang!

Hanggang ngayon ay nagaganap itong kababalagang ito. Tuwing pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, ay nagkakasama-sama ang lahat ng Anak ng Diyos saanmang panig ng daigdig. Walang pinipili: banal man o makasalanan. Ang mahalaga, lahat tayo ay nakakabahagi sa iisang tinapay, nakakapagsalo sa iisang katawan, at nakakapagdiwang bilang isang Simbahan. Ito ang buhay na tanda ng naganap na himala noon, na hanggang sa ngayon ay nararanasan natin at ipinagdiriwang!

Kita natin, mga kapatid? Hilingin lang natin sa Diyos! Magpasalamat lang tayo at magpaubaya sa kanya, at ipagkakaloob niya ang lahat ng ating kinakailangan! 

Tulad ni Hesus sa Ebanghelyo na kahit na dalawang isda at limang tinapay lang ay nagawang magpakain ng limanlibong tao, kahit na ang imposible ay kakayanin ng Diyos na ganapin, basta hihilingin lang natin sa kanya na may busilak na puso, at mabuting intensyon. 

Kung alam ng Panginoon na ito ay para sa ikabubuti ng kapwa natin, makakasiguro tayo na anuman ang ating hilingin, kahit na kasing-imposible yan ng pagpapalit-lugar ng isang bulkan, o pagpapakain sa limanlibong tao o higit pa gamit ang limang tinapay at dalawang isda,ay magaganap.

O, birthday mo ba? Magpakain ka rin naman!!!

Friday, July 22, 2011

FOUND! SORT!
(First Anniversary Post)

July 24, 2011
Seventeenth Sunday in Ordinary Time
1K 3,5.7-12 . Rm 8,28-30
Mt 13,44-52
===

Throughout the past weeks, Jesus is showing us the Kingdom of God hidden in Parables. Just when we realize the Kingdom of Heaven is like the heaven of our desires, Jesus shows us otherwise. It takes a lot of understanding and child-like humility for us to know what in reality is the Kingdom that God prepared for us.

Just like what we have for this Shabat (Day of Rest). Jesus shows the Kingdom's glory in four parables, which in first hearing may make our minds tickle. 


Though Heaven is a good place, it is still hard to reach. We may or may not reach it come the proper time. It depends upon us. That's where the parables enter, for some it may be a mind-teaser, but for those blessed with the proper knowledge it comes as an aid to a holy life.

FOUND!

If ever we find something significant, we feel glad and joyful. Parang taong-bundok, ipinagsisigawan pa natin na first time lang nating makakita ng ganitong kahalagang bagay. And if ever it is given to us, we use the best of our ability to take care of it, and never let it lost or scratched even a bit. That's how important things are to us; we consider them significant. 

The kingdom of heaven is like a treasure buried in a field... Again, the kingdom of heaven is like a merchant searching for fine pearls... They find it... sell everything... and buys it.

This should also be our attitude towards the Kingdom of Heaven which, like the pearl of great price and the treasure buried in the field, is never seen easily, but when found would bring so much joy to the believer to the point that he would sell everything he have just to get possession of these essential treasure. As for us, we see God and the Kingdom of Heaven everyday. We see God not only in our everyday encounters. We do not see God only in the Divine Word. We see God most of all in the Holy Eucharist. 

The Holy Mass is the great manifestation of the Kingdom of Heaven here on Earth. Imagine Jesus, in all his splendor, shown to us beneath the veil of the Host. This is the real taste of the Kingdom of Heaven. This is the chance for us to be with God and mingle with him in the Heavenly Kingdom. The modern world disregard him, but truly blessed are those who encounter Jesus in Holy Communion and enjoy the moment with him in the Sacred Mysteries.

We always have Jesus in the Holy Eucharist. We have the foretaste of the Kingdom of Heaven in our everyday life. Do we still feel the gladness and immense joy every time we find the treasure which would lead us to life?

SORT!

Madalas kasi, pag naririnig natin ang salitang Kaharian ng Diyos, sinasabi ng ilan, Weeh... Langit? Naku, hinding-hindi ko mararating yan! Para lang yan sa mga taong-simbahan. We do not even take measures to reach it and so to enjoy having eternal life. 


Now, that's where Jesus' words enter. The kingdom of heaven is like a net thrown into the sea, which collects fish of every kind. When it is full they haul it ashore and sit down to put what is good into buckets. What is bad they throw away.

We hope that upon the day of Judgement, God would call all the righteous to his bosom, so as to enjoy the bliss of being one with Him. Those he predestined he also called; and those he called he also justified; and those he justified he also glorified(Second Reading) But being Christians saved by the Blood of the Lamb in the Cross, we are given a life-long task to do everything good and everything holy and do it while the sun is still around for us. We do not just hope, we do not just pray, we also work our way to Heaven! 

And if we are not able to work our way to Heaven, we must remember that at the end, we shall be sorted according to our lives. If you lived it good, welcome to the Kingdom! If you have lived it bad, then go down there and suffer.

We ask ourselves at this point, Are we able to live according to our Christian Identity, and work our way to Heaven?

Finally, Jesus tells us, Every scribe who has been instructed in the kingdom of heaven is like the head of a household who brings from his storeroom both the new and the old. If we are able to find God in each day, and catch the underlying message of God as he passes by our life, then most certainly we may be able to gradually take off our old selves - selves full of sin and selfishness - and take in our selves a new garment - the garment of humility, light and salvation. 

I mean, let's face it! We are not only Christians by name. We have our whole life as a mission to live by our real identity. Prayers are not only enough for us to enter God's Kingdom. Most of all, we need a lot of good works to be worthy enough of the treasure we may find in the barren field. God comes to us in every moment of our day, as I said, but we must also be sensitive enough to these moments, and respond with whole sanctity.

And so, when we have FOUND the Kingdom of Heaven in our everyday life, let us turn to God in thanksgiving, and ask his grace for us to SORT everything in our life for the Kingdom to be worthy of living in us. Let us work more for the treasure we may have FOUND, or else, we shall be SORTed at the end of the day.

===

Ur Sunday Dose Logo, used in 2010
Sa isang taon na pagbabahagi ng pagninilay, aking nabatid
Ang kahirapan ng pakikipag-niigan sa Salita na Banal.
Gayunpaman, ako'y nagpapasalamat sa Poong Dakila't Matuwid
Sa kanyang iginawad na karunungan, katatagan at pagmamahal.

Gayundin, sa inyo, mga mahal na mambabasa,
Aking lubos na pagpapasalamat sa lahat ng suporta.
Buhay kayo ng blogsite na ito; sa inyong ibinahaging tiwala,
Ang inyong patuloy na pagbabasa, sa aki'y ganap na ligaya.

I would never praise myself for all of these;
To God be the fitting glory, honor and praise.
His Word is for all of us a DOSE of life and holiness,
So to him be all kudos now and always!

Sunday, July 17, 2011

Mabait naman ako, eh!

July 16, 2011
Sixteenth Sunday in Ordinary Time
Wis 12.13, 16-19 . Rm 8,26-27
Mt 13,24-43
===

Mabait naman ako, eh!

Iyan ang karaniwang sagot natin kapag nasisita tayo sa isang bagay na sinasabi nating hindi natin ginawa, o hindi natin sinasadyang gawin. Mabait daw ang isang tao at imposible niyang gawin ang isang bagay na masama. Kapag nakakarinig tayo ng ganitong reaksyon sa gabi-gabing panonood ng balita, ang nagiging reaksyon natin ay, weeh...

Naalala ko sa Philosophy class namin, ang sabi ay Man is innately good. Mabuti o mabait naman talaga ang tao, at ito ang totoo dahil sa lahat tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Panginoon. Nilikha niya tayo na perpekto at pihado. Subalit dahil sa pagpasok ng hilahil ng ahas, at sa pagkahumaling ng tao sa pagiging magaling sa lahat ng bagay, kaya tayo nakakagawa ng pagkakasala. Tayo ay dumadaan sa kamatayan. 

Suwerte na nga lang natin at dumating ang panahon ng kagandahang-loob ng Diyos, sa pagdating ng kanyang Anak na si Hesus. Namatay siya, ngunit muling Nabuhay upang pakawalan tayo mula sa parusang kapahamakan na hatid ng pagkakamali ng ating unang magulang. Isinugo rin niya ang Banal na Espiritu para mapabanal ang lahat ng mga iniligtas. Tinipon niya ito sa iisang Simbahan, upang mabuhay ang lahat ng mananampalataya sa iisang pananampalataya, iisang binyag, iisang Diyos na kinikilala at minamahal ng lahat. Patuloy na naghahasik ang Diyos hanggang sa ngayon ng mabubuting binhi upang maipakita ang kanyang pagmamahal at pagtatangi sa atin.

Pero kahit na ganun, ay nagkakasala pa rin tayo. Sa totoo lang, hindi pa rin talaga nawawala ang hilahil ng masama, at halatang-halata ito sa di-mabilang na mga kaharasan na nangyari sa nakaraang panahon. Mga terorismo, kidnapping, holdap, hostage, maging suicide at abortion. Lahat ng ito, tanda na hindi pa nagwawakas ang paghasik ng lagim ni Taning sa mundong naliligalig na nga, makasarili pa.


Ang ating buhay ay sinusubok palagi kung may pananampalataya tayo sa Diyos na nagligtas sa atin o wala. Hindi importante kung malawak ang ating pananampalataya o hindi. Basta may pananampalataya tayo, okey na iyun para kay Hesus. Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito. At kahit na ganitong kaliit ang ating pananampalataya, hayaan lamang natin itong lumago at ito'y lalaki upang maging isang makapangyarihang puno. 


Sa lahat ng bagay, basta manalig lang tayong kasama natin ang Diyos at hindi niya tayo pababayaan. Tulad ito sa pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kaya't umalsa ang minasang harina. Ganito ang paghahari ng Diyos. Maliit man, basta merong pananampalataya, ito'y makakagawa na ng mga himala para sa atin at para sa iba.

Pero sabi nga ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon, Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. Lahat ng gumawa ng mabuti ay makakarating sa Langit at magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama, subalit ang mga masasama, kahit na ilang libong beses nilang sabihin na Mabait naman ako, eh! ay ibabagsak sa impiyerno. Tatangis sila roon at magngangalit ang kanilang ngipin.

Ang may pandinig ay makinig!

Balik tayo sa realidad. Lahat naman kasi tayo ay hahatulan sang-ayon sa ating mga ginawa sa nakaraan. Kung naging mabuti tayo o masama habang nabubuhay, iyan ang magtataya kung sa Langit nga ba ang punta natin o sa Impiyerno. Kung nanampalataya ba tayo sa Diyos kahit minsan man lang sa buhay natin o hindi. 

Tanungin natin ang ating mga sarili ngayon. Una, Mabait nga ba talaga tayo? Ikalawa, May pananampalataya rin ba tayo? Hindi natin ito masasagot sa isang tanungan lang. Kinakailangang makita natin ang ating sarili sa liwanag ng ating palaging mga ginagawa. Sa ating palagiang pakikisalamuha sa kapwa. Sa ating mga iniisip o ginagawa, dito natin masasagot ang mga tanong na ito at mapagninilayan kung gaano na nga ba kalawak ang ating pananampalataya.

Sa dulo ng lahat, tanging Diyos at Diyos lamang ang nakakakilala sa atin. Makapagtatago tayo sa iba, ngunit hindi sa Diyos. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.(Ikalawang Pagbasa)

Saturday, July 9, 2011

The Sower and The Four Types of Believers


July 10, 2011
Fifteenth Sunday in Ordinary Time
Is 55,10-11. Rm 8,18-23
Mt 13,1-23
===

The Parable of the Sower is one of the most magnificent teachings of our Lord recorded in the Gospels. Every time one hears it, he may have mixed emotions to the point of asking, saan kaya ako dito?

And who may not ask? The parable is about a sower who scattered seeds on four places, the ground, the stones, the thorns, and the soil. The seeds grew but it had faced different fates. The seeds on the ground were eaten by the birds, like bird seed. The seeds on the stone grew a little bit but died eventually because there is practically of the sun’s heat and loss of soil. The seeds on the thorns were chocked because the thorns grew up with them. And as for the seeds which fell on good soil, they grew up and multiplied, some thirty, some sixty, and some a hundredfold.

As Jesus explains further the parable, we can see the different underlying personalities in the parable. God comes as the sower, and the seeds His Word. This comes to us every Mass, as we listen to the readings. This comes to us through the teachings of the Church. And most certainly, this comes from deep inside us through our conscience. As we live every day, we are all the more exposed to the Word of God that as his children, we are called to follow what it is saying, and follow it in thought, word and deed.

We may not know it, but Jesus classifies us like the four places where God’s Word is being scattered. We shall call it THE FOUR TYPES OF BELIEVERS. Let’s see who fails and who tops.

Some of us are told to be PATH-TYPE. They are the type of people who listen to God’s Word, but before they may know it, the evil one snatch in and puts in the believer bad sentiments. Slow people who, instead of giving the needed focus on the Word, are giving room for the devil to dwell inside him. Typical examples of this are those who sleep while listening to the Homily inside Mass, and those who refuse to go to Mass when invited by a relative or friend.

FAIL.

Some are STONE-TYPE. These are the people who listen to the Word, welcome it, but do not ponder much from it. They just listen, period. No understanding, no sign of surrender to God’s will. And so, when trials come, they tend to give up. They don’t believe anymore in what the Church has to offer, and instead go to somewhere they may feel God in another way. Examples of this are our brethren who were once Catholics but are now born-again Christians, members of Iglesia, Saksi, Daan, etc.

FAIL.

Some of us are THORN-TYPE. These are people who tend to HEAR God’s word but don’t care at all. They are more focused on the worldly tasks, i.e. their job, family, fame, political will, riches, and other things that have no connection to the Divine Providence. They are those who say, Anong Diyos? Ni hindi nga niya ako matulungan noong nangangailangan ako! Lahat ng ito, pagsisikap ko. Lahat ng ito, pinaghirapan ko. Walang Diyos at walang Hesus na tumulong sa akin. Examples of this are the typical call center agents who were swept away by the western-style secularization, and the freethinkers.

FAIL.

But above all these, there are people who listen to God’s Word, welcome it, and understand it in full detail. They are the SOIL-TYPE. We have no need to describe these people, since it is enough for them to entrust themselves to God’s Will, for they know that God will take care of their every need. And once they are blessed materially and spiritually, they fulfil their duty of sharing it to others and bringing souls nearer to God. Their motto is Solo Dios basta! The examples of this are the saints, and the Holy people who, though anonymous, are striving hard to bring God’s Kingdom here on Earth.

TOP.

Now, the message is so clear that we should ask ourselves, In which type of believer do we belong? It is only for us to answer and for God to confirm. Throughout the years of encountering God’s Word both through the Sacraments and through our daily endeavour with others, are we fully giving attention to it? Or are we like the other types that, in one way or another, do not give attention to God’s Word AT ALL?

And so, Jesus invites all of us who are faced by these four types of believers. All you who has ears, SHEMA! LISTEN!

If you are a Path-type, listen and welcome God, and he will take away the evil one from your being.
If you are a Stone-type, listen and welcome God, and he will guide you out of your misunderstanding, towards a brighter understanding of His will for you.
If you are a Thorn-type, listen and welcome God, and he will wipe away the worldly being in you. Let him teach you the path of Divine righteousness, something which is different from your view of fulfilment.
And if you are a Soil-type, continue to listen and welcome God in your being. Continue to be His servant. Continue to be of service to him, to the Church, and to your brothers and sisters in need. Continue to be blessed and be a blessing to others. Continue to bear fruit, thirty, sixty, even a hundredfold!

And so we pray...

Jesus, you are the sower who continues to scatter the Good News of Salvation throughout the world. You don't let us be like the path, stone or thorns who do not give proper attention to your utterance. You would want us to be like the good soil wherein you dwell, grow and multiply within our beings. Continue to shower us with your blessings, that as we listen to your word and ponder from it, we may grow and be fruitful Christians who may lead others to your Father, some thirty, some sixty and others a hundredfold.

You live and reign forever. Amen.

Saturday, July 2, 2011

TANGGAP na TANGGAP

July 03, 2011
Fourteenth Sunday in Ordinary Time
 Zec 9,9-10. Rm 8,9.11-13
Mt 11,25-30
===
Noong Biyernes, nagnilay tayo tungkol sa paanyaya ni Hesus na magpahinga ang lahat ng mga napapagod na. Saan nga ba ulit magpapahinga? Siyempre, sa kanyang mapagmahal at banal na Puso. Di ba nga, kung sa wika natin, ay nababalewala ang PUSO, sa wika ng Diyos, ito ay pinagmumulan ng pamamahinga at kabanalan para sa atin.

Iisa lang ang Mabuting Balita natin noong Biyernes at ngayong Linggo. Iisang paanyaya, iisang taong nag-aanyaya upang magpahinga tayo. Iisa ang mga taong iniimbitahan, walang iba kundi tayong lahat.
Pero sa araw na ito, magnilay naman tayo sa panalangin ni Hesus sa simula ng ating Ebanghelyo. Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mgabagay na ito sa marurunong at inilahad sa mga may kaloobang tulad ng isang bata. Ito nga ang ikinalulugod mo!

Matatanong natin, Bakit nga ba hindi pinatungkulan ni Hesus ng kanyang pagtuturo ang mga marurunong sa Israel noong mga panahong iyon, sa halip ay itinuon niya ang kanyang intension sa mga maralitang umaasa sa paglingap ng Diyos: mga balo, mga inaalihan ng diyablo, mga bata, at yung mga nasa lower class ng lipunan?

Di ba nga, kapag wala tayong sakit, hindi na natin iniisip na magpatingin sa doktor kasi nga maayos naman ang pakiramdam natin, at saka lang tayo pumupunta sa kanya kapag masama ang pakiramdam natin?  Ito rin ang nais na iparating ni Hesus sa kanyang panalangin. Hindi na kailangan ng mga marurunong ang pagtuturo, ang mga Punong Pari, mga Pariseo, Saduceo, at yung mga matatanda ng bayan. Ang tama sa kanila ay palaging tama, hindi ito magbabago sa katagalan ng panahon.

Para nga sa kanila, sagabal si Hesus sa kanilang mga balak at sumasalungat sa kanilang mga paniniwala. Kaya nga sa bandang huli, dala ng kanilang mga ‘tamang’ paniniwala, ipinapatay nila si Hesus at pinag-usig ang kanyang mga alagad. Hindi sila nagtagumpay, at sa Muling Pagkabuhay ni Hesus, lalong tumatag ang kanyang mga itinuro sa taong-bayan.

Sila na nakapakinig kay Hesus, at mga nakakita sa kanyang mga kababalaghan, sila ang higit na biniyayaan ng Diyos. Bakit? Tulad ng isang bata na nakikinig sa utos ng kanyang magulang, nakikinig silang lahat sa mga turo ni Hesus. Kahit na walang pinag-aralan, iniintindi ang bawat salitang nagmumula sa kanilang Rabbi. At kahit na pinagkakaitan at kinakalimutan ng lipunan, sila ang pilit na tumutupad sa kalooban at tunay na hangad ng Diyos, taglay ang kababaang-loob at kalinisan ng puso.

Silang mga maralita ng Israel, kahit na pinakahamak sa mata ng tao, ang mga mapapalad sa paningin ng Diyos. Dala ng kanilang pagtitiwala sa kaligtasang bigay niya sa kanila, ay nagpapakilala ang isang Diyos na nagmamahal sa kanila, nakikinig at nagkakaloob ng pamamahinga na nagmumula sa Puso ng habag: lumapit kayo sa akin… at kayo’y pagpapahingahin ko!

Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak, at yaong marapat na pagpahayagan ng Anak. At umabot sa ating panahon ang kagandahang-loob ng Panginoon sa pamamagitan ng Inang Simbahan na nagpatuloy ng mga nasimulan ni Hesus. Sa pamamagitan ng Banal na Iglesya Katolika, ay umabot sa ating kultura, kamulatan at pagka-unawa ang mga tinuro at ginawa ni Hesus. Sa bisa ng Binyag, ay tinawag tayo na anak ng Diyos na iniligtas mula sa kasalanan. At patuloy na ipinapasa sa atin ang Mabuting Balita na nagmumula sa Panginoon.

Dito papasok ang tanong: Paano ba natin tinatanggap ang salita ng Panginoon: tulad ba ng mga marurunong na pinagwawalang-bahala ito, o tulad ng isang maralita na wala nang inaasahan kundi ang Diyos? Sa ating pakikinig sa Salitang banal ng Panginoon, pinipilit ba nating isabuhay ito at maging halimbawa sa iba? O tulad ng mga marurunong, hindi na ba natin kailangan ang kahit na ano mula sa Diyos sapagkat iniisip na nating nasa atin na ang lahat, at sagabal lang siya sa ating mga plano?

Isang bagay lang bilang pagtatapos. Kung tinatanggap natin ang Salita ng Diyos, at tinutupad ang lahat ng nakasaad doon, tiyak na tayo rin, tulad ng mga maralita ng Israel na pinagkalooban ng biyaya na makita ang Panginoong Hesus ng harapan, ay magiging marapat na panahanan ng kanyang Espiritu, na siyang magdadala sa atin sa ganap na pamamahinga, isang pamamahinga na tanging Diyos lang ang nagbibigay at nagkakaloob.

ISANG PANALANGIN…
Panginoong mahabagin, salamat dahil minarapat mong ipahayag sa amin ang iyong salitang nagkakaloob ng ganap na pamamahinga para sa amin. Sa halimbawa ng isang bata, tanggapin nawa namin ang salitang ito ng bukal sa puso, at sikapin nawa naming mabuhay ayon sa iyong mga atas. AMEN.